×LINYA×

792 133 5
                                    

Linya

Mistulang isang linya, pag-ibig na alay sa kawalan.
Hindi malaman, hindi maisip kung hanggang saan.
Hanggang saan kakayanin, sakit at hagupit ng hangin.
Hanging pilit akong inihahatid patungong baybayin.

Sa kamay ng isang manunulat, ako'y kanyang binuhay at inilimbag,
Sa papel ng buhay, hindi mawari kung anong matatanggap.
Sa bawat kumpas, linya'y umaaripas,
Pinipilit pahabain, pag-ibig mong naaagnas.

Mahal, pag-ibig ay hindi kailanman tutuldukan.
Patuloy na lalawakan, linyang sinimulan.
Mahigpit mong hawakan, pangakong binitawan.
Katulad ng linya, patuloy mong habaan.

Credits to: -pluviophile

Siya po ang may ari ng piece na ito. At hindi po ako pinost ko lang po dito dahil nagandahan ako! Uwu.

Oceans Of Emptiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon