|SULAT PARA KAY CINDY|

99 47 2
                                    

SULAT PARA KAY CINDY

Kamusta ka na mahal ko,
Sana maalala muna ako,
Kahit dumaan man ang ilang siglo,
Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.

Ilang taon ang ginugol ko para sa iyo,
Pero anong magagawa ko,
Eh kailanman ay hindi ako naging laman ng puso mo,
Oo na tanggap ko.

Pero masisisi mo ba ako,
Kung sayo lang ako nagkaganito,
Kahit ako ay di alam kung papaano,
Papaano ko minahal ang isang tulad ko.

Matagal ko ng alam na hindi ako ang gusto mo,
Pero kaya nga ako nandito,
Para patunayan na ako'y seryoso sa iyo,
Kahit magpanggap ay gagawin ko para lang makapiling ka giliw ko.

At sana ako'y mapansin mo,
Hindi bilang isang driver na nandyan para sayo, kundi bilang isang tagahanga na susuyo para sa iyo,
Mahal sana ako'y mapansin mo.

Mahal kahit na tayo ay magkalayo,
Sana ay lagi mong isipin ito,
Na lagi akong nandyan sa tabi mo,
At handang ialay sa iyo ang puso ko.

Gusto ko sanang dugtungan,
Kaso baka mapunta pa kung saan,
Mahal salamat sa pagbibigay sa akin ng saya,
At dahil sayo napatunayan ko ang tunay kong halaga.

Ps. Kasama ulit iyo sa story ko.

Oceans Of Emptiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon