\LITRATO \ 𝙼𝙾𝚃𝙷𝙴𝚁'𝚂 𝙳𝙰𝚈 𝚂𝙿𝙴𝙲𝙸𝙰𝙻

507 87 3
                                    

"LITRATO"
WRITTEN BY: crlrz💔

Nang ako'y isang paslit pa lamang pagkuha na ng litrato ang aking nakahiligan

Walang mintis ang pagkuha ng litrato ng mga alitaptap o kahit mga ilaw ng mga sasakyan

Sa aking paglaki ganun pa rin naman ang aking hilig at gusto

Pagkuha ng litrato sa kahit na sino at pagkuha ng litrato sa mga magagandang bagay na nakikita ko

Ngunit sa lahat ng aking nakuhaan may isang espesyal na hanggang ngayon ay aking tinatago

Litrato ng babaeng minamahal ko ng sobra at hinding hindi ko makakalimutan ang unang beses na kinunan ko siya

Ang kanyang ngiti at tawa sa harap ng camera
Ang kanyang pagmamahal sa'kin na walang sawa
Ang kanyang bawat payo at kalinga
Ang suporta niya sa'king bawat ginagawa
Ang hindi pagsasawang sa ugali ko't pagtitiyaga
Ang babaeng una kung minahal na ngayon ay aking kasama

Siya ang aking ina,
Ang unang babaeng minahal ko nang sobra
Ang taong nilalapitan ko tuwing pinapalo ako ng aking ama
Ang babaeng laging nasa tabi ko'y kaylan may hindi nawala

Itinago ko ang aking nawawalang huling alaala sa kanya
Ngunit hindi nawawala't nasa isip ko pa rin siya
Kahit na magsawa na ako sa pagkuha ng litrato sa iba
At mawala ang larawan ng huli naming alaala
Ay hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya
Dahil ang larawan ay parte lamang nang pagbuo namin ng alaala
At ang tunay kung pagmamahal sa kanya'y nasa puso ko nakatala.

Oceans Of Emptiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon