|ATING KWENTO|

112 49 2
                                        

"ATING KWENTO"

Kwento ng iniwan kita
Pero kailanman ay Di ka nawala
Sa puso't isip ko na lagi kang hanap
At amoy mo ang laging lasap

Subalit sana'y wag kang mag-alala,
Sapagkat ng lumisan ako ay natanggap ko na
Na tayo'y kwento ng isang ginoo at isang makata,
Na pinagtagpo pero kailaman ay 'di itinadhana.

Napagod na akong maghintay,
Na magkaroon ka ng tugon sa aking pagmamahal na ibinigay,
Na kaya pala hindi mo maibigay,
Dahil puso't isip mo ay pagmamay-ari ng ibang kamay.


Oceans Of Emptiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon