Chapter 1

45 10 52
                                    

"What dad?!" Gulat na tanong ko na nakapag patayo pa sa akin dahil sa sinabi ng magaling kong ama. Anak ng teteng ito ba yung sinasabi niyang pag uusapan namin?

"Kailan ka pa naging bingi, Grace? I already told you that you were going to get married. Alin sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Striktong sagot ng tatay ko.

"E tatay ko, ni hindi pa nga ako nakakapag boyfriend tapos babalitaan mo ko ng ganyan? You must be kidding me, dad." Saad ko sa tatay ko na natatawa kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan na ko dahil napaka seryoso niya cyst! I know tototohanin niya 'to.

"Two months from now Grace. And that's final." Huling saad ni dad bago tuluyang umalis sa library niya dito sa bahay.

"No waaaaaay! Hindi ako makakapayag dad!" Habol na sigaw ko dito kahit na alam kong hindi na niya ako maririnig.

I must do something! Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at mas lalong sa taong hindi ko naman mahal! Goodness! Ano ba 'tong pumasok sa kokote ng ama ko at naisipan ang ganyang kalokohan? Like, really? Nasa 21st century na tayo. Moderno na, tapos may pa ganyang effect pa?

Nang makarating ako sa room ko upang makapag isip ng paraan upang 'di matuloy ay may kumatok naman kaya wala sa sariling pinag buksan ko ito ng pinto.

"Ate!" Masayang bati sa akin ng kapatid ko. Wow, buti pa siya masaya. Sana all!

"Yes, lil'sis?" Tanong ko dito ng nakangiti. Ayaw ko namang sumimangot dahil baka isipin niyang 'di ako masayang makita siya. Matampuhin pa naman to, ewan ko ba kung saan pinaglihi ng nanay niya 'to.

"Ate, I have chika sayo. But secret lang natin 'to, okay? Kasi baka pag nalaman nina mama and papa i-grounded nila ako." Mahabang paliwanag nito bago pa sabihin kung ano yung i-chichika niya.

"Of course, kailan ba kita nilaglag kay tita and dad? So, what's the tea cyst?" Atat kong tanong dito.

"So, I met a guy at the bar~~" hindi nito natuloy ang sasabihin niya dahil sakin.

"What? Did you go to the bar again?" Pagkatapos ay pinaningkitan ko ito ng mata.

"That's why I told you na secret lang natin 'to" sagot nito habang naka pout. Cute.

"Of course, secret lang natin. Go, tuloy mo na chika mo." Natatawa kong sagot dito.

"Yun na nga, I met a guy at the bar, he's Vin by the way, and I think ate, I like him na!" Kinikilig na kwento nito sa akin.

"What? Like agad? Di mo pa nga kilala masyado yung tao, tsaka isa pa, nasa bar yon, kaya for sure hindi yon matinong tao, kaya yang like like mo na yan ha, mag ingat ka. Baka playboy pala yan." Sermon ko dito.

"Ate naman, like lang naman it's not like that I love him na. Kasi ate, he's so gentleman kaya! And so gwapoooo!" Depensa nito, pucha yung kilig hindi pa din nawawala?!

"Hoy babae, kiligin ka wagas ah? Tsaka lahat naman ata ng lalaking makita mo gwapo sa paningin mo." Singhal ko dito.

"Ate namaaaan, he's different kaya. Support mo na lang ako." Sagot nito habang nagpapacute.

"Fine. Basta nandito lang ako, pero 'wag munang mag boboyfriend ha? H'wag mo muna kong uunahan." Biro ko dito while patting her head.

"Don't worry ate, ikaw ang unang makakaalam pag naging kami na ni Vin." Pa-konsuelo nito habang nakangiti ng matamis. Kaya nahawa na lang din ako sa ngiti nito.

BACHELOR 2: Calvin SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon