Chapter 4

41 9 43
                                    

Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung nag-bar kaming lima. And yeah, ilang linggo na din kaming friends ni Calvin, he's kind and kalog kaya kami nagkasundo agad. Though, alam kong babaero siya pero pagdating sakin may respeto siya. Pa apat na beses ko pa lang na nakakapunta sa bahay niya at dahil iyon ay lagi akong knock out, nakakahiya na nga dito kay Calvin e. Lagi na lang naabala ng dahil sa akin. Kaya naman naisipan ko siyang gawan ng lunch for today para kahit papaano ay makabawi naman ako sa abalang nagawa ko. Bakit ko pa sinasabi? Wala lang share ko lang.


Hinihintay ko na lang kumulo ang pork sinigang na niluluto kaya naman naisipan ko munang maghanap sa internet ng apartment, nakakahiya na din kasi kay Milley na makitira sa condo niya, scroll lang ako ng scroll habang nakapatong ang siko ko sa may counter hanggang sa may nakita akong apartment na medyo malapit lang ata din dito.


"What is that?"


"Ay kiki kong nalaglag!" Gulat na sabi ko at napahawak pa ko sa puso ko "Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat dyan?" Inis na tanong ko dito, nahampas ko tuloy siya ng wala sa oras.


"Ano ba kasi yang ginagawa mo at mukhang busy ka? 'Di mo nakitang kanina pa kumukulo yung niluluto mo?" Sermon nito sa akin, pupuntahan ko na sana yung niluluto ko pero nagsalita na naman siya. "No need to go there, napatay ko na." Dagdag pa nito.


Nakita ko itong nakaupo na sa may dining table nakataas ang isang kilay at tila may hinihintay.


"What?" Maarteng ko dito.


"I'm asking you what you're doing" Sagot naman nito.


"Ahh yun ba, wala naghahanap lang ako ng apartment." Balewalang sagot ko dito.


"Why?" Usisa pa nito.


"Syempre, para may matuluyan ako, nakakahiya na kasi sa pinsan ko." Sagot ko pa dito.


"Well, you can live here." He shrugged.


"Anoooo?!" Gulat na tanong ko dito.


"Uhm, what I mean is, you can just rent here. Kesa naman sa humanap ka ng ibang apartment diba? I don't think safe 'don. At least dito a uhm, hindi mo na kailangang maghanap pa." mahabang paliwanag nito kaya naman pinaningkitan ko ito ng mata.


"May hidden agenda ka ba?" Nangaakusa kong tanong, gusto kong matawa sa reaction niya pero pinipigilan ko lang.


"No! Wala." Agad niyang sagot kaya naman hindi ko na napigilan ang tawa ko.


"Joke lang" Bawi ko dito at inirapan lang ako.


"Magkano?" Tanong ko habang nakapangalumbaba at naka-tingin sa kanya.


"Huh?"


"Huh-tdog" gagong sagot ko dito at binigyan lang ako ng matalim na tingin. Tingin nya matatakot ako don? A-suh!


"Magkano ang upa? Tsaka ilan ang kwarto dito?" Seryoso ko ng tanong sa kanya.


"Just clean the house, do the cooking and wash the dishes. About the room, well iisa lang siya. Masters bedroom lang, yung dalawa kasi ginawa ko ng mini office and walk in closet" He lazily answered.


"Ahhh so in short katulong mo? Tsaka saan mo ko papatulugin sa sofa?" Sarkastikong sagot ko dito.


"What? No! You can use my room. Minsan lang din naman akong mag stay dito. Mas malimit ako sa hospital kesa sa condo." paliwanag nito.


BACHELOR 2: Calvin SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon