Chapter 2

46 9 67
                                    

Enjoy! ❤️
——————

It's been 1 year since nung tumakas ako sa bahay and now I wondered ano kaya ang buhay ko kung hindi ako tumakas at umattend ako sa kasal ko. And I also knew dad was fuming mad at me for running away. Sino nga ba namang hindi magagalit? 2 days before the wedding biglang naglahong parang bula yun bride diba? And I'm so thankful na hanggang ngayon e hindi pa din nalalaman ni dad kung nasaan ba talaga ako.



Ang alam kasi nila nagpunta akong ibang bansa kaya doon nila ako pinahanap. Pft. Sabi na e, tama ang desisyon kong h'wag lumayo.



"Nakatulala kana naman dyan, Grasya. 'Yung customer kanina pa naghihintay." Singhal sa akin ng magaling kong pinsan pagkatapos ay tinulak ako ng mahina paalis sa pwesto at siya na ang nag asikaso dun sa customer.



"Iniisip ko lang, what if hindi ako tumakas nung araw na yon? Ano kayang buhay ko ngayon?" Tanong ko out of nowhere.



"You're that curious ha? Wait I'll call tito to tell him that you're here." Nakangising sagot ni Milley sakin. Pucha to! Masyadong seryoso sa buhay kaya hanggang ngayon wala pang jowa.



"No waaaaaaay! You know what ang epal mo, aalis na ko dito. May pupuntahan pa ko! Ciao!" OA kong sagot sa pinsan ko at tinalikuran na siya.



"Hindi pa tapos ang shift mo, hoy Grasya! Bumalik ka dito!" Sigaw na tawag sa akin ng pinsan ko ng malapit na ko sa pinto.



"Pinsan, nakakahiya ka, ang daming customers pero kung makasigaw ka parang nasa condo mo lang tayo ah?" Natatawang sagot ko dito pagkabalik ko ng counter.



"Gaga ka kasi, aalis ka agad e hindi pa nga tapos yung shift mo. Twice a day ka na nga lang napasok dito. Lalayasan mo pa ako. Tsk!" Sermon na naman nito.



"Sorry mommy." Barumbadong sagot ko dito.



"Pucha, lumayas ka na nga!" Galit na sagot sakin nito habang nakaturo sa pintuah kaya lalo akong natawa.



"Buh-bye cousin dear! Love yah!" Sagot ko dito sabay flying kiss pa sa kanya pero irap lang ang sinukli sa akin. Hihi.



Nang nasa labas na ko ay tinext ko na si Kennedy.



Me:

Same time, same place. 😉😉



Kennedy:

G! 😙😙



Dali dali na kong umuwi sa condo ni Milley para makapag ayos na, well doon muna ko pansamantalang tumitigil dahil muntikan na kong mahuli ni dad sa dati kong apartment. I have this feeling na may magandang mangyayari ngayon e. Feeling ko lang naman, pero 'di ako sure 'don ha.



Thirty minutes earlier ako dito sa High A, dito din kami lagi natambay ni Kennedy pati na din nina Grace and Free.

BACHELOR 2: Calvin SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon