"Tanginang alak" bulong ko kaagad sa sarili ko ng magising ako. Kinginang hang over, ang sakit sa ulo, hinawakan ko pa ito at minasahe ng kaonti bago ako naupo sa kama. Nang i-angat ko ang tingin ko para akong binuhas ng yelo, literal na nanigas sa kinatatayuan ko.
I was expecting to see my room or at least Kenn's room man lang... but where the hell I am?
Nilibot ko ang paningin ng mapagtantong hindi ako pamilyar sa kwartong ito, tangina? May nilandi ba ako kagabi? Inisip ko ng mabuti kung anong mga pinag gagagawa ko ang huli kong natatandaan ay nag cr ako tapos ayon, wala na. Black out... Shutdown.
Napahinga ako ng maluwag ng makitang ayon pa din ang damit ko, walang labis walang kulang. Buti naman dahil kung hindi magwawala talaga ako. Sisigaw ako ng rape!
Dali dali kong inayos ang kama pagkatapos ay pumasok ng cr para mag ayos ng sarili. Naghanap din ako kung may spare pa bang tooth brush at parang pinagbigyan pa ko dahil meron pang isang tooth brush na naka seal pa. Kinapalan ko na ang mukha ko at ginamit iyon, bayaran ko na lang pag nakauwi na ko.
Napatalon ako sa gulat ng bumukas ang pinto ng cr at bumungad sa akin yung.. yung..
"Good morning," and he gave me a small smile or should I say smirk?
Yung lalaking kahalikan ko kagabi! Shit! Bakit nandito ako?
"B-bakit nandito ako? Paano ako nakarating dito?" Tanong ko dito at pinipilit na hindi mautal.
"I drove you here." Simpleng sagot nito.
"May nangyari ba sa atin?" Deretso kong tanong sa kanya.
His lips formed an amused smile. Before answering my question.
"Wala" sagot nito habang naiiling pa.
"Ay sayang" Mahina kong sabi pero parang napalakas ata? Narinig ko kasing napatawa siya ng kaonti pero tumigil din ng samaan ko ito ng tingin. Bakit kailangang tumawa pa? Ayaw na lang magkunwaring walang narinig.
"Pucha, dead bat pa, may charger ka? Pahiram." Pag iiba ko ng usapan at ng makitang wala ng buhay ang phone ko. Tahimik lang niyang binigay ang charger niya sa akin, mabuti na lang at parehas kami ng brand ng phone kaya nakapag charge na din ako.
"Bumaba kana after, nagluto ako ng breakfast" sabi nito sabay labas ng kwarto niya.
Nang mag open na ang phone ko ay nakita kong madaming message at missed call si Kennedy sa akin pati na din si Milley, grabe 'di halatang unlimited sila ha?
To: Kennedy
I'm safe. Di naman ako na rape.
To: Milley
Pinsan, I'm safe. No need ng ipahanap sa pulis. Char!
Pagkatapos ko silang i-text ay chi-neck ko yung gc namin
📱 PETMALUVERS 🤘🤘 📱
Free: Can't go there 😞. Need sa office. 😪
Me: No worries bebelibre, laters na lang, bar tayo. @milgaria Oh, wag nang umepal pinsan, minsan lang to. Sumama kana din. ❤️
Milley: Fine. May choice pa ba ako? 🙄
Free: You know guys that I can't 😞
Me: Bebelibre naman, kung tungkol kay bebeboy yan, I'll chat Mazen, for sure papayag yon, lalo na at kami naman ni pinsan ang kasama mo, right pinsan? @milgarcia
Me: Hoy pinsan, suportahan mo naman ako! 😡😡
Me: Boset kayo, wala talagang magrereply?
BINABASA MO ANG
BACHELOR 2: Calvin Salvador
RomanceBS2 I wish I could turn back time, when everything was perfect." - Grace Stewart Am I joke to you? - Calvin Salvador