Tatlong araw ng hindi umuuwi si Calvin dito sa unit niya, kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng unit niya at pinaglaba ko na din siya. Syempre except sa undies niya no, 'nu sya sinuswerte? Chos! Nanonood ako ng Midnight Sun while eating chips, ganito lang ang rotation ko sa loob ng three days, hindi na din ako lumabas ng unit dahil tinatamad ako. Kain, nood, linis at tulog lang ang ang ginagawa ko. Hindi naman sa ayaw kong mag work, syempre kung bibigyan ako ng opportunity para magka work grab ko na yun no, h'wag nga lang sa hospital. Tsaka sumubok naman akong mag apply noon para syempre may panggastos ako sa sarili kaso sa tuwing interview na, pag tinanong kung anong relation ko kay Mr. Roderich Stewart which is my father lagi nila akong tinu-turn down, reject, bagsak ganon! Like what the hell? Hindi ba ako qualified as HR? Tapos naman ako bachelor degree, board passer din naman ako. Kahit nga assistant lang e, kahit yung taga timpla na lang ng kape, ayos na sa akin 'yon pero hindi pa din nila ako tinatanggap. May mali ba sa akin? Pero naisip ko din na siguro may kinalaman si dad kaya hindi ako matanggap tanggap sa mga ina-apply-an ko, kaya hindi na din ako nag pumulit pa, baka mamaya sa halip na yung HR or manager yung mag interview sakin magulat na lang ako na si dad na yung nandoon, egul dun erp. Sayang ang pagtatago.
Papaiyak na sana ako ng makita kong may tumatawag sa akin, pag check ko kung sino ay agad ko itong sinagot.
"Hello?"
[Hello? Grace? Calvin to, I'm going home tonight.]
I know, stupid! Nakasave number mo sakin, huy! Pero syempre sa sarili ko lang yon baka mapalayas ako ng wala sa oras e.
"Really? Sige, ipagluluto kita ng dinner tonight, bye!" Sagot ko dito at hindi na pinakinggan pa ang sagot nito dahil binaba ko agad ang tawag.
Shocks! Bakit na-eexcite ako na umuwi siya? Pucha, anong meron? Dali dali akong naglinis ng bahay at naligo agad para makapunta ako sa super market sa baba para makabili ng mga ingredients para sa iluluto ko.
Nang makatapos na ko sa pagluluto ay chi-neck ko ang oras at ng makitang 7 na ng gabi ay pumasok na muna ako sa kwarto para mag ayos nakakahiya naman kung makikita niyang haggard ako no, turn off 'yon dude.
I was busy putting skin care on my face ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at pagtawag sa akin ng gwapong nilalang.
"Here sa cr!" Sigaw kong pabalik sa kanya, hindi siya sumagot pero narinig kong pumasok siya sa isa pang pinto, maybe nagpunta sa walk in closet para magpalit ng damit.
Matapos kong mag ayos ay lumabas na ko ng kwarto at nakita siyang nag pe-prepare na for dinner kaya naman pinuntahan ko na ito para tulungan siya.
"You really came home" obvious na tanong ko dito.
"Why? Ayaw mo ba?" Balik na tanong nito sa akin habang nasandok siya ng kanin.
"Gusto syempre!" Napatakip ako ng bunganga ko ng marealized ko ang nasagot ko.
"Really?" May mapaglarong ngising tanong niya.
"Syempre, para may taga luto, taga ligpit at taga linis na dito sa unit mo. Laki laki kaya nito, nakakapagod din maglinis no!" Palusot ko dito dahilan para sumimangot siya.
"Joke! Tara, kain na tayo" yakag ko dito at nauna ng maupo at kumuha ng kanin. Kukunin ko na sana ang ulam ng maunahan niya ako, akala ko kukuha siya ng para sa kanya pero nagulat ako ng lagyan niya ang plato ko. Shengs! Bakit ang sweet? Ang pa-fall! Kainis.
"Masarap ba? Masarap diba." Tanong ko dito ng matapos niyang isubo ang kanin na may ulam sa bibig niya. Excited ako, kasi first time kong magluto ng Kare-kare no!
BINABASA MO ANG
BACHELOR 2: Calvin Salvador
RomanceBS2 I wish I could turn back time, when everything was perfect." - Grace Stewart Am I joke to you? - Calvin Salvador