MCGB : 21. Labo

290 7 6
                                    

Corrien's pov

Nagising ako na nasa kama na ni Yelo. Pero wala siya. Asan naman kaya yun?

At bakit nandito ako sa kama niya?

Bumaba ako at nakita ko si mom ang mommy ni Yelo at ang daddy niya.

" Iha buti naman gising ka na. Halika join us. " lumapit naman ako sa dining table.

" Si Kent po?" tanong ko.

" Nagja-jogging iha. "

" Ikaw na ba yan Corrien. Aba't dalagang dalaga ka na. I'm Kevin. Nakita na kita dati. Naku maliit ka pa noon kaya siguro hindi mo na ako matandaan " a man exactly look like Kent said. Nagmana si Yelo sa daddy niya.

" Kumusta naman ang mommy mo iha " tanong ng mommy ni Kent.

" Ok lang naman po." sagot ko.

" Naku manang mana ka sa daddy mo. hahaha yan lagi ang pinagtatalunan namin ni Corinthia dati " natatawang kuwento ng mommy ni Kent.

" Haha kaya nga eh. Si Calvin naman laging under ng mommy mo " sabi ni tito Kevin. Tito lang kasi hindi namn ako katulad ni Yelo na feel na feel maging mom and dad ang parents ko.

" Nakakatuwa naman pong malaman ang kwento niyo nila mommy at daddy."nakangiti kong sabi.

Nagpatuloy lang kami sa kuwentuhan ng kung ano ano. Pati nga nung bata pa si Yelo.

" Good morning " sabi ng tao sa likod ko.

" Oh Kent halika na at mag breakfast." sabi ng mommy ni Kent.

Umupo naman siya sa tabi ko. Nakita ko naman ang mga nagtatanong na mga mata ng parents ni Kent. Tsk. Oo nga pala wala pang alam ang parents niya sa relationship namin ni Yelo.

Si Yelo namn ito at nagpapa cute eh? umagang umaga naku.

" Love sige na subuan mo ko." sabi niya sabay puppy eyes. Naku kung maginarte parang wala ang parents niya diyan ah.

" Matanda ka na huwag kang pabebe tsk." sabi ko sabay kurot sa pisngi niya. Kaya ngayon tudo pout siya.

" Love sige na kasi" pagpupumilit niya. Tiningnan ko naman siya habang nagpapa cute. Why so adorable?

Sa huli hindi ko pa rin siya natiis. Ikinuha ko siya ng tasty bread tsaka ginawan ko siya ng tuna sandwich. Inumang ko naman sa bibig niya saka niya kinagatan.

Nang maubos yung sandwich na ginawa ko para sa kaniya pinainom ko siya ng coffee yung coffee ko tsk. Gusto niya daw kasi share kami ang arte. Yung parents naman niya para lang nanonood ng movie sa sinehan.

Kinalabit ko si Yelo. Ng tumingin siya pinandilatan ko siya ng mata.

" Ano yun Love?" nakangiting tanong niya. Aba mukhang maganda ang gising ng isang to ah.

" Hindi mo pa ba sinasabi sa parents mo?" bulong ko sa kaniya. Pero ang loko nginitian lang ako. Anak ng. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napaigik siya dahilan para mas makuha namin ang atensyon ng parents niya.

" Ano bang pinagaawayan niyo anak?" tanong ng mommy ni Yelo. Tsk. Ayan tuloy.

" Kanina pa kayo ganiyan." sabi naman ng dad niya.

" ahmm.." sasagot na sana ako kaya lang umepal si Yelo.

" Mom, Dad away mag asawa lang to diba love?" sabi niya sabay halik sakin sa pisngi. Talanding lalaki at sa harapan pa talaga ng parents niya tsk. Pinamulahan tuloy ako ng mukha dahil sa lalaki na to.

" Kasal na kayo anak?" tanong ng daddy ni yelo.

" Buti pinatulan mo ang anak ko iha!" gulat na gulat na sabi ng mommy ni yelo. Haha muntik na kong matawa sa mukha ni yelo dahil sa reaksiyon niya sa sinabi ng mommy niya.

My Casanova Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon