Lily's P.O.V.
Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Isang malungkot na alaala sa aking nakaraan na hinding-hindi ko malilimutan.
Kada bagong grade, bagong semester at bagong simula. Ay nagbibigay sakin ng mga masasamang panaginip. Para sa akin, Lahat ng first time ay di naghahatid ng excitement kundi kaba at takot. Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi papunta sa dorm na aking tutuluyan.
Binababa na ako ng driver kasi malapit naman na daw yung hinahanap kong address kaya naglakad ako habang dala-dala yung mga gamit ko habang hinahanap yung address ng tutuluyan kong dorm.
From out of nowhere may nag "hi" habang kumakaway sakin. Kaya nag "hi" din ako sakanya tapos tiningnan niya ako ng masama nalaman ko hindi pala ako yung kinakawayan niya kundi yung kaibigan niya na nasa likod ko. "Nakakahiya naman." bulong ko sa sarili ko.
"Siguro may mas awkward pang pangyayari na naghihintay sakin." habang nakayuko sa kahihiyan na nagawa ko. Di bali nakarating na ako sa tapat ng isang bahay na kung saan ako magdodorm.
"Kailangan mo ba ng tulong, Iha?" sabi ng isang matandang babae sa aking likuran. "Uh" sabay tingin sa cellphone ko kung saan nandoon yung picture ng may ari ng bahay na tutuluyan ko para magdorm.
Mukhang siya nga yung may ari ng bahay. "Lola Tony?" sabi ko at tumango naman siya sa akin. "Kakamoved ko pa lang po dito ngayon. I'm a freshman, Ako po si Lily Ann Diaz." nahihiyang sabi ko. "Nice to meet you Lily, Halika iha pumasok ka." masayang sambit ni Lola Tony.
Nang makapasok ako sa loob ng gate namangha ako sa dami ng magagandang halaman at bulaklak na inaalagaan ni Lola Tony sa kanyang bakuran. "Pumunta kana sa loob, Inaasahan ko na sana magkaroon ka ng masayang experience sa pag stay dito." nakangiting sabi ni Lola Tony.
Ngumiti ako sakanya natutuwa ako sa personality ni Lola Tony ang jolly niya pa kesa sa akin. Pumunta na ako sa assigned dorm na tutuluyan ko nang nasa harap na ako sa pinto hinanap ko agad yung doorbell at pindot.
~ding,dong~
Chloe's P.O.V.
~ding,dong~
"Ahhh!!!" sigaw ng boyfriend ko dahil nahulog siya sa kama nang bumangon ako sa gulat dahil may nagdoorbell sa labas ng dorm. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at sinara ito.
~ding,dong~
Dahan-dahan akong pumunta sa pinto para tingnan kung sino yung nasa labas ng pinto ng dorm. May nakita akong babae na diko kilala sino kaya yun? "Anong problema? Sino yung nasa labas?" pabulong na sabi bf ko.
"Diko siya kilala." pabulong na sabi ko habang nagtataka kung sino yung babae na nasa labas ng dorm. "Dimo kilala?" nagtatakang sabi naman ng bf ko. Biglang nag vibrate yung cellphone ko.
"Bakit ang aga niya naman dumating?" naiinis kong bulong habang tumatawag sakin yung bago naming roommate. Pinakita ko sa bf ko na tumatawag sakin yung bagong roommate.
"Sabihin mo sa kanya wala ka dito sa bahay." pabulong na sabi sakin ng bf ko. Sumang ayon naman ako kaya tinext ko yung bago kong roommate na "Wala ako sa bahay, Pumunta ka muna sa convenient store sa baba."
Narinig ko labas na nasa labas na din ng dorm si Lola Tony. Patay! Narinig ko yung sinabi ni Lola Tony sa bago naming roommate.
"Anong problema? Wala bang tao sa dorm niyo?" tanong ni Lola Tony sa bago naming roommate. Sumang ayon naman ata yung bago naming ka roomate. "Sige, Ako na magbubukas ng pinto." sabi naman ni Lola Tony.
BINABASA MO ANG
You'll Be Alright
RomanceMay limang babaeng college student na nakatira sa iisang bahay. Sila Hannah, Natalia, Zabrina, Chloe, at Lily. At iisang unibersidad lang ang kanilang pinapasukan. Isa't-isa sakanila ay may partikular na pagkatao, nakaraan, at isyu. Para sakanilang...