Liam's P.O.V.
Tinakbo ko ng mabilis yung huling last trip ng bus na sinasakyan ni Hannah pauwi sakanila. Buti nalang naabutan kopa yung huling bus sinara na ng driver yung pinto.
Pinaghahampas ko yung pinto para buksan ng driver aandar na sana yung bus."Excuse me po. Dadaan poba ito sa may Garden Street?" sabi ko.
"Oo. Sasakay kaba?" sabi naman ng driver.
Buti nakadating na dito si Hannah na sobrang bilis tumakbo hingal na hingal na siya ng huminto siya sa tapat ng pinto ng bus.
"Diba sabi ko sayo wag ka nang tumakbo ng ganon kabilis." nakangiting sabi ko.
Wala siyang sinabi pumasok na agad siya at upo sa pinaka unang upuan sa harapan. Kinatok ko yung bintana kung saan siya nakaupo tumingin siya sa akin at kumaway ako sakanya habang nakangiti.
Natalia's P.O.V.
Habang nagsasampay ako sa may balcony nakita kona kakauwi palang ni Hannah galing sa trabaho niya lumapit agad ako sakanya para kausapin siya.
"Hannah." mahinang sabi ko.
"Bakit?" sabi ni Hannah.
"Nagtratrabaho ka pala sa The Second Minute? Pumunta kasi ako doon kanina para kumain ng dinner. Akala ko hindi ikaw yung nakita ko doon kanina. Hindi mo ba ako nakita?" sabi ko.
"Nakita kita." sabi ni Hannah.
"Bakit hindi mo man lang ako kinausap? Nagpapanggap kaba doon na hindi mo ako kilala." sabi ko naman.
"Dahil isa kang guest. Hindi kami pwede makipag-usap sa mga guest namin sa restaurant." sabi ni Hannah.
"Ahhh, Hindi kaba nakakaramdam ng pagod?" sabi ko.
"Syempre napapagod din." sabi ni Hannah.
"Pwede mo namang subukan na mabuhay sa madaling buhay. Maghanap ka ng lalaki na susuporta sayo. Meron akong pwede pakilala sayo." sabi ko.
"Hindi ko kailangan." sabi ni Hannah at dumiretsyo na agad sa loob ng kwarto niya. Gusto ko lang naman siya tulungan para hindi siya maghirap ng ganoon para lang magkapera pwede naman siya maging katulad ko.
~Flashback~
"Ito yung router. Patayin mo kapag hindi mona kailangan gamitin. Tsaka, kung sino yung huling aalis siya yung kailangan magtanggal sa saksakan ng power line araw-araw." sabi ni Hannah.
"Bakit naman? Problema lang naman yan kung papatayin tapos bubuksan kopa yung router." reklamo ko sakanya.
"Para makatipid sa kuryente." sabi ni Hannah.
"Gaano naman karami yung matitipid natin sa ganitong paraan?" sarcastic kong sabi.
"Kung gaano yung kakayanin. Nandito naman yung bathroom." sabi ni Hannah.
"Halika dito. Kumain ka ng pizza." sabi ko.
"No, thanks. Meron akong pagkain na kakainin ko." sabi ni Hannah.
Binuksan niya agad yung refrigerator para kunin yung pagakin na sinasabi niya. Mukhang may hinahanap siya pero hindi niya makita.
"Nakita moba yung bento ko? Yung katulad ng bento natinitinda sa mga convenient stores." sabi ni Hannah.
"Ah, expired nayun kaya tinapon kona." sabi ko.
"Tinapon mo?" sabi ni Hannah.
Nagmadali pumunta sa may trashcan si Hannah sa may kitchen at kinuha niya yung tinapon kong expired na pagkain na sinasabi niya at pinunasan.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sakanya.
"Bakit may problema ba?" sabi ni Hannah habang pinupunusan yung pagkain niya.
"Expired nayan. Hindi mona pwede yang kainin." sabi ko.
"Dalawang araw palang naman expired." sabi naman ni Hannah.
~End Of Flashback~
Hindi ko maintindihan yung klase nang pamumuhay mo. Wala kang pagmamay ari. Pero hindi ko maintindihan bakit hinahangan ko yung isang katulad mo?
Nasa bar ulit ako ngayon lagi naman dina mawawala sakin yun ganito talaga buhay ko isang malaking parte na buhay ko ang laging pagpunta sa bar.
"Tito, nung nakaraan, hindi ko naman sinasadya. Sorry po" sabi ko sa matandang lalaki na laging nandito rin sa bar.
"Patawad para saan?" sabi niya.
"Doon sa nangyari kahapon nung nagkita kami ni Chief Richard. Tito, hindi mo kailangan magkunwari na may amnesia ka. Kasalanan ko naman yun. Gusto ko...ko lang naman hindi matalo at mapahiya sa harapan niya." sabi ko.
~Flashback~
"Saan ka pupunta? Pwede kitang ihatid doon." sabi ni Chief Richard.
"Wala na akong mapupuntahan." mahinang sabi ko.
"Kung ganon, pwede kitang tulungan hanggang maging maayos ulit yung buhay mo." sabi ni Chief Richard.
Nakaramdam na naman ako ng sobrang hapdi sa malaki kong sugat sa siko dahilan sa pagka dulas ko. Tiningnan ko dumudugo parin ito kaya sobrang sakit parin.
"Gamitin mo ito panglinis sa sugat mo." sabi ni Richard at may inabot sa akin.
Kanina kopa tinitingnan yung malaking sugat ko na nagamot na kani-kanina lang kasalukuyan akong nakababad sa bathtub nasa bahay niya ako ngayon since wala naman akong mauuwian na.
Nung matapos na ako maligo hindi ko parin alam susuotin ko yung damit koba o yung bathrobe na binigay niya sa akin.
Alam kong kanina niya pa ako iniintay sa may labas sa may sala. Kaya mas pinili ko nalang gamitin yung bathrobe at lumabas na ng cr.
~End Of Flashback~
"Nung nakasama ko siya yun yung pinaka madali at mabilis na paraan sa akin na mamuhay ng sa magandang buhay. Mali bang piliin yung madaling paraan?" sabi ko at uminom ulit ng alak.
"Anong sumunod na nangyari?" sabi niya.
"Sumunod na nangyari nalaman ng asawa niya simula noon hindi niya na sinagot yung mga tawag ko sakanya. Yung babaeng yun parang isang baliw, hinabol ako at pinahahampas sa may kalsada. Napahiya na din ako minsan, at ayoko ng maulit yung pangyayari nayun." sabi ko.
"Edi nagsinungaling ka ulit?" sabi niya.
"Anong sabi mo "ulit"? Parang sinasabi mo na lagi nalang akong nagsisinungaling." sabi ko.
Bigla kong naalala yung pagsisinungaling ko kay Hannah nung tinanong niya ako kung estudyante ba ako at umoo naman ako kahit hindi naman talaga.
"Hindi ko naman gustong gamitin siya. Pero kasing bata ako ng edad ko, kaya lahat sila ay pinagkakamalang akong estudyante. Ayoko naman magsayang ng oras para mag explain. Problema lang yun." sabi ko at uminom ulit ng alak.
"Pero, sinabi mo parin sa akin." sabi niya.
"Masyado kang nagooverthink. Ayoko lang na pag isipan mo ako ng masama." sabi ko naman.
"Sa palagay ko talagang nagmamalasakit ka..." sabi niya.
"Sino naman magmamalasakit sayo?" naiinis kong sabi.
"Ibig kong sabihin, tunay kang nagmamalasakit sa babae na kumukuha ng maraming mga part-time na trabaho." sabi niya.
"Si Hannah Gabrielle Legaspi? Paano naman mangyayari yun imposible? Wala akong pakielam sa ibang tao." naiinis kong sabi sakanya.
Lumingon-lingon ako kung meron ba akong pwedeng targetin dito sa loob ng bar. Nagpalagay ulit ako sa bartender ng alak sa baso at tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lalaking target ko.
"Sir, may I sit here?" sabi ko habang nakangiti sakanya.
"Oo naman." sabi niya sa akin.
Umupo na agad ako sa upuan sa tapat niya nakipaginuman ako sakanya at nakipagmabutihan mukhang may kukuha kasi ako sakanya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Alright
RomansaMay limang babaeng college student na nakatira sa iisang bahay. Sila Hannah, Natalia, Zabrina, Chloe, at Lily. At iisang unibersidad lang ang kanilang pinapasukan. Isa't-isa sakanila ay may partikular na pagkatao, nakaraan, at isyu. Para sakanilang...