Chapter Twelve

6 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko sobrang awkward ng atmosphere sa kwarto kasi nandito nadin si Zabrina sa sa kwarto nasa kama niya nadin siya.

Medyo nagsisisi ako sa ginawa ko sakanya kanina sa sala. Nasobrahan lang talaga ako kasi tanong siya ng tanong kung ano ba yung binigay sa akin ni Gian.

Tapos sinadya kopa na sabihin yung tungkol sa mga sinabi niya kay Natalia nung nakita kong kakabalik lang ni Natalia sa dorm. Sigurado ako dahil sa ginawa ko galit na galit si Natalia ngayon kay Zabrina.

Ayoko naman mapahiya kay Zabrina kaya nasabi ko yung mga ganong bagay. Nagsinungaling ako sakanya na may patravel na regalo saming dalawa si Gian this weekend kahit wala naman talaga.

Badtrip lang talaga ako simula pa nung umaga nung inintay ko ng matagal si Gian, nag-expect ng mamahaling regalo, nag panggap ako na late din ako, dahil sa walang hinanda sakin si Gian na regalo, pati naiingit ako kay Natalia kasi mas maswerte siya kesa sa akin. Pero diko rin siya maintindihan?

Nagvibrate yung cellphone ko kinuha ko agad nakita ko na nagtext sa akin si Zabrina.

~Sorry, Sa ginawa ko kanina alam kong sumobra na ako kaya ka nagalit sa akin.~

~Sorry nagkamali din ako kanina.~ sabi ko.

~Kunin mo tong talent facial masks. Effective daw yan sabi ng mga kaibignan ko.~ sabi ni Zabrina.

Hinulog ni Zabrina sa kama ko yung isang pack ng facial mask.

~Diba pupunta ka sa boracay. Alam mo may masarap na restaurant malapit doon. Magtake-out ka para sakin bago ka umuwi.~ sabi pa ni Zabrina.

~Tama na!~ sabi ko.

~Lagi mong gamitin yang binigay ko sayong mask, Di mona kailangan magpasalamat sa akin. Diba aalis kana bukas ng hapon, tama ba ako?~ sabi ni Zabrina.

Para kaming ewan nakikipagtext pa sa isa't-isa e magkasama lang naman kami sa iisang kwarto. Kaya sinipa ko yung kama niya siya kasi yung nasa taas ng double deck.

"Hey! Gaano moba ako katagal gusto itext?" sabi ko sakanya.

At nagvibrate ulit yung cellphone ko ang kulit talaga ni Zabrina.

~Hee hee hee hee hee.~ text niya sa akin.

"Please. Tumigil kana kakatext sa akin!" sabi ko at binato ko sakanya yung stuff toy ko. Pinatay niya na yung ilaw at natulog na kaming dalawa.

Kinabukasan inayos kona lahat ng gamit nadadalhin ko sa maleta. Wala akong choice kundi panindigan yung kasinungalingan na sinabi ko sakanila kahapon.

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto namin ni Zabrina nang makita ko silang kumain ni Lily sa dining area. Dahan-dahan akong lumabas para hindi nila ako mapansin pero nahuli ako ni Zabrina.

"Ready na akong ihatid ka sa labas aming Princess Chloe. Guys, lumabas kayo diyan at magfarewell na kayo kay Chloe." sabi ni Zabrina.

"Tumigil kana. Wag mo na silang guluhin." iiritang sabi ko sakanya.

"Saan kapupunta Chloe?" sabi ni Lily.

"Pupunta daw sila ni Gian sa Boracay Princess Chloe, serve your prince well. Enjoy your travel." sabi ni Zabrina.

"Babalik ako pagkatapos ng dalawang araw. Magpakabait kayo ah. Bye." sabi ko sakanila palabas na ako ng pinigilan na naman ako ni Zabrina nakaka ilan nato sakin.

"Sandali lang! Sapat nayan. Enjoy your travel." sabi ni Zabrina at inabutan ako ng pera sa palad ko.

Naiirita lang ako sakanya may pera naman ako kaya binalik ko sakanya yung pera nabinibigay niya sa akin.

You'll Be AlrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon