Chapter Five

15 1 0
                                    

Lily's P.O.V.

~End Of Flashback~

Nagising ako dahil sa panaginip kong iyon tungkol sa pangyayari noong highschool pa ako lagi kong nakikita yun sa panaginip ko.

Umaga na at iniisip ko na sana wag na ulit mangyari sakin yun pagod na pagod na ako sa mga ganong pangyayari sa buhay ko.

Nakasakay ako ngayon sa bus punta sa school ko ilang bus stop pa bago ako makarating ng school.

~All right, let's stop here today. Take down what we learned before leaving.~

~Okay. Class is over.~

Kakatapos lang ng class namin nagearphones agad ako bago umalis ng classroom. Nang biglang may pumunta sa harapan na kaklase namin at umupo ulit mga kaklase namin.

~Wait a minute,guys. Psychology students, please wait a minute.~

Di ako interested sa kung ano man sasabihin niya kaya tumayo na ako para lumabas ng classroom.

~We have a dinner party this Friday. It's at 8 o'clock this Friday.~

Kahit nakaearphone ako ririnig ko parin yung sinasabi ng  lalaki naming classmate na may party daw kami.

Nagpalakpakan lahat ng kaklase namin pero ano naman kung may party di parin ako pupunta diyan.

Dinaan ko lang yung kaklase namin nanagsasalita habang nakayuko gusto ko na kasi talagang lumabas.

"Excuse me. Psychology student kadin ba?" sabi niya sakin. Pero dinaan ko lang siya wala akong interest na punta sa party niyo kahit psychology student din ako.

Naglalakad ako sa campus dadala yung mga libro ko nang may kumalabit sa akin.

Paglingon ko nakita ko si Chloe "Lily" nakangiting sabi ni Chloe. "Chloe" nakangiting sabi ko naman.

Tinangal kona yung earphones ko para makipag-usap sakanya. "Saan ka pupunta?" sabi ni Chloe.

"Sa library" sabi ko. "Awesome! Nung freshman ako, diko nga alam kung saan yung library dito." sabi ni Chloe.

Narinig ko na may nagtext kay Chloe kinuha niya agad yung cellphone niya sa sling bag niya.

"Pwede bang isave mo ako ng upuan, please." sabi ni Chloe at binigay sakin yung mga libro at sling bag niya.

"Nagtext kasi yung boyfriend ko iniintay niya kasi ako sa gate. Susunod agad ako mamaya sa library. Thank you!" sabi ni Chloe.

Nagmadaling tumakbo si Chloe papunta sa boyfriend niya sa gate. Nasa library na ako at sinave ko siya ng upuan sa tapat ko.

Nang may tumigil sa harapan ko na lalaki na mukhang gusto gumamit ng table pero diko siya pinansin at nagpatuloy akong nagsulat.

Umalis na siya naawa ako gusto ko sana siya pagamit yung upuan kaso baka biglang dumating si Chloe.

Tiningnan ko yung orasan 7pm na wala parin si Chloe kaya tinext ko na siya agad.

~Bakit wala kapa rin dito?~

~Nasaan ka na? Anong oras ka pupunta dito?~

Pabalik na ako ng table ng may nakita akong babae na nakatayo sa table na ginagamit ko. Bumalik ako sa upuan ko ng parang walang nangyari.

"Excuse me. May nakaupo ba dito?" sabi ng babae habang nakatingin sa upuan at table na isinave ko para kay Chloe.

"Meron" mahinang sabi ko sakanya. Pero mukhang di siya naniwala at niligpit yung gamit ni Chloe kinuha niya at dinala sa librarian.

You'll Be AlrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon