Chapter Nine

8 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.

"Basta, sigurado akong hindi si Hannah. Lagi siyang busy sa schedule niya para siyang artista laging puno yung schedule at walang free time para sa sarili niya." sabi ko habang kumakain ng watermelon.

"Wala nga din siyang time para magpahinga, sigurado akong wala din time yun para makipag one night stand." sabi ko pa.

"Wala talaga." sabi ni Lily.

"Tama. Satingin ko pwedeng si Zabrina. Diba lagi siyang nakikipag blind date araw-araw. Siguro may nakuha na siyang lalaki." sabi ko.

Inalok ko ng watermelon si Lily pero umayaw siya edi kinain ko na lang.

Zabrina's P.O.V.

"Hindi parin kayo nakakapag order?" sabi ko sakanila.

"Ako na lang mag oorder. Medyo familiar na ako dito sa shop. " sabi ko sakanila.

"Yung pasta nila masarap pati yung pizza. Pwede din tayo mag order ng curry baked rice kasi marami tayo. Tsaka pwede din tayo mag order ng apat na bote ng beer." sabi ko sakanila at tinawag kona agad yung waiter.

"Diba nakakatawa? sabi ko.

"Nakakatawa ka talaga." sabi nilang lahat sa akin.

Chloe's P.O.V.

Sobrang bango ng niluluto ni Lily. Naeexcite na akong kainin yung niluto ni Lily para sa dinner namin.

"Anong flavor yan?" sabi ko.

"Stewed chicken with mushrooms. Gusto mona ba?" sabi ni Lily.

"Kakain ko lang kanina ng biscuits. Busog na ako." pagsisinungaling ko sa kanya gusto ko na talaga matikman yung niluto niya uminom na lang ako ng tubig.

"Sigurado ka ba?" sabi ni Lily.

Tumango lang ako sakanya at tiningnan ko na lang yung niluluto niya.

Zabrina's P.O.V.

"Sobrang saya ko ngayon." sabi ng ka blind date ko kaya natuwa ako sa sinabi niya.

"Ako din sobrang saya ko din ngayon." nahihiyang sabi ko sakanya.

"Paano ka uuwi?" sabi niya sa akin.

"Ah, sasakay ako ng bus. Sumasakay ako sa bus No. 751 para maka uwi." sabi ko.

"Doon naman yung bahay ko. Sige sasakay na ako sa taxi. Bye-bye." sabi niya.

Nawala yung ngiti ko ng nagmamadali siyang umalis at sumakay ng taxi.

"Kuya bilisan mo!" narinig kong sigaw niya sa driver at iniwan ako.

Paasa! Akala ko naman siya na yung magiging boyfriend ko. Nakakainis na sayang lang effort kanina.

Lily's P.O.V.

Nakatulala lang ako kay Chloe. Dahil halos maubos niya na yung niluto ko kakakain niya na lahat.

"Diba sabi mo hindi kana kakain, naalala mo pa ba?" sabi ko.

"Pero ikaw naman yung kanina nag alok sakin gusto koba kumain ng niluto mo." sabi ni Chloe.

"Yung plano kong pagpapayat..." malungkot na sabi ni Chloe.

At sinubo niya lahat ng nasa mangkok niya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Kukunin kona sana yung pinaglutuan ko para hugasan nang pinasama nadin ni Chloe yung pinagkainan niya.

You'll Be AlrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon