Hannah's P.O.V.
Shift ko ngayong araw sa convenient store na pinagtatrabahuhan ko noon pa. Naglalampaso ako ngayon ng simento pagkatapos tinatapon ko yung mga iniwang pinagkainan nga mga estudyante na kumakain dito.
Nililinis ko yung lamesa dahil minsan yung iba kumain ang kakalat syempre kailangan ko linisin para sa susunod na gagamit ng table. Tinitingnan ko isa-isa lahat ng benta dito kung meron paba para malagyan ko kung wala na.
Kapag wala naman costumer kinukuha ko yung libro ko para magbasa at gawin yung ibang assignment namin. Minsan halos mag 4am na natatapos yung shift at kinabukasan may pasok pa ako ng 6am.
Nahihirapan ako sumakay lalo na madaling araw na halos ako nakakauwi kaya kahit wala na akong kalakas-lakas nilalakad ko nalang yung dorm namin kahit sobrang layo.
Halos 5am na ako nakakauwi kaya isang oras nalang naiitutulog ko tapos lagi akong nagmamadali pumasok para hindi malate.
Tumatakbo ng sobrang bilis kasi malalate na ako sa klase namin buti na abutan kopa yung professor namin at sa backdoor ako dumaan para makahabol at umupo agad sa upuan ko.
~It's time for class. I've read all the assignments you handed in. Generally speaking, you do a good job.~
Lily's P.O.V.
Lunch time na namin nandito ako ngayon sa may cafeteria pumipili ng ulam nakakain ko may kinuha ako pero binalik ko ulit kasi hindi mukhang masarap.
"Wag kang maarte sa pagkain, kung hindi di kana tatangkad." sabi ni Yeshua at nilagay sa tray ko yung ulam na binalik ko kanina.
Hindi ko siya pinansin kasi alam ko guguluhin at iinisin niya lang ako kaya kumuha agad ako one cup of rice nilagay ko agad sa tray ko at nagmadaling umalis pero hinarangan niya ulit ako at kinausap.
"Nagkaroon kana ba ng boyfriend?" sabi ni Yeshua.
"Wala." matipid na sagot ko naman sakanya.
"Bakit hindi kapa ba nakakakita ng lalaking nagkakagusto sayo? Ano mga gusto mo sa lalaki? Anong ginagawa mo kapag weekends? Paano kung kumain tayong dalawa mamaya sa labas? Lilibre kita." sabi ni Yeshua.
Naiirita lang ako sakanya ang dami niya na namang tanong sa akin. Ano bang problema niya kung wala akong boyfriend? Tsaka diko naman iniisip na meron magkakagusto sa tulad ko.
Basta iisa lang yung type ko si George Andrei Dela Cruz wala nang iba at kung satingin ni Yeshua magkakatype ako sa isang katulad niya. Never! mangyayari yun hindi mga katulad niya mga type ko lagi niya akong iniinis at ginagalit.
Buti nalang habang tumitingin ako ng pwede kong upuan sa cafeteria nakita ko si Hannah na kumakain mag-isa kaya naisipan kona doon ako pumunta para hindi na ako masundan ni Yeshua.
"Meron akong nakita na kakilala ko. Pupunta na ako doon." sabi ko sakanya at nagmadaling pumunta sa table kung nasaan si Hannah. Siguro naman titigilan na ako ni Yeshua?
"Hannah, pwede ba akong makiupo? Hindi naman kita guguluhin." sabi ko.
"Umupo kana." sabi ni Hannah.
Paglingon ko nakita ko parin si Yeshua na nakatingin parin sakin nakaupo siya sa may kabilang side sa dulo habang nakangiti at nakatingin sakin.
"Anong problema mo?" sabi ni Hannah.
"Meron kasing senior sa department namin at lagi niya akong binubully kamakailan lang." sabi ko at tinuro sakanya si Yeshua tiningnan din siya ni Hannah kumaway sakanya si Yeshua habang nakayuko. Nahihiya pala yung bwesit nayun!
BINABASA MO ANG
You'll Be Alright
RomanceMay limang babaeng college student na nakatira sa iisang bahay. Sila Hannah, Natalia, Zabrina, Chloe, at Lily. At iisang unibersidad lang ang kanilang pinapasukan. Isa't-isa sakanila ay may partikular na pagkatao, nakaraan, at isyu. Para sakanilang...