Louise Abayan's pov
"One Caramel macchiato for costumer Luis?" Sigaw ni Ted workmate ko.
"One Caramel Macchiato for Luis?"
Mahahalata mo na ang inis sa pananalita niya. Ewan ko ba dito sa mga costumers namin! Palibhasa'y mga sosyal ang gusto ay ihatid pa sa upuan nila! Hoy!!! Doon kayo sa fine dining o mag 3–in-1 na lang kayo! Aarte niyo! Nakaka sagabal kayo sa iba pang gustong umorder!
"Ano? Wala pa din? Ako na kukuha total naman kapangalan ko iyan at paborito ko pa iyan." Biro ko kay Ted.
"Pwede ba Louise! Ayoko mag I.R. noh! Nakakaloka ka girl. Lahat na lang iniinom mo!"
"Pero binabayaran ko rin naman diba?"
"Alam namin ni Ms. Beca ang problema sa sahod mo na binabayaran lugi sa'yo itong shop eh!" Natawa naman kami parehas.
"Akin na nga! Ako na ang tatawag!"
"Caramel Macchiato for costumer LUIS!" Malakas na sigaw ko at naagaw naman ang atensyon ng mga costumers namin. "Peste!" Bulong ko at inilagay sa ilalim para hindi lumamig agad.
"Sinong peste?"
Isang matangkad na lalaking mukhang sabog dahil malamlam ang kaniyang mga mata. Katamtaman ang puti niya at naka under cut ang kaniyang buhok. At hindi ko maitatanggi na may itsura siya. Tsk!
"Ang sabi ko sino ang peste? MISS!" Pag didiin niya sa 'miss'
"Ah Sir, pasensya na po kayo dito sa katrabaho ko. May pinag dadaanan lang po siya eto na po ang kape niyo." Si Ted.
Kinuha niya ang kape kay Ted saka tumingim sa akin. "Ganyan ba ang mga tauhan niyo? Bastos? Mga walang modo!" Seryoso ang mukha niya at makikita mong gusto niya akong suntukin. Pero hello! Laking San Felipe to! Matapang to uy!
"Mawalang galang po Sir, hindi ba't mas bastos kayo? Hindi niyo alam ang hirap namin dahil bentee kwatro oras na kaming naka duty may pang tustos kami sa pang araw araw namin! Tapos may makakasalamuha pang katulad mo?"
Nag smirk lang siya at mas napikon ako sa gesture niyang yun.
"Sa susunod kung ayaw ninyong matawag na peste, edi tumayo ka kagad! Nakakaabala ka sa mga tao dito!"
"Wala kang alam kaya tumahimik ka! Asan ang manager mo at ipapasesante kita!"
"A-ah sir, pasensya na po. Sige po pag sasabihan ko siya ako na pong bahala." Nanginginig ng sabat ni Ted.
"Alam mo Miss–" tumingin pa muna siya sa name tag ko bago mag salita. "Miss Lou, naiintindihan ko ang pagod niyo! Pero intindihin mo din ang mga taong nag kakape sa shop niyo. What if may pinag daraanan pala silang mas matindi pa kesa sa pinag daraanan mo? At ang tanging remedyo lang nila ay ang kape niyo? Tapos ganyan ka kabastos? Fuck this shop!" Sumigaw siya at natahimik naman ang lahat. "Bitch!"
Hindi ko alam pero mas kumulo ang dugo ko. Parang any moment makakapatay na ako sa yamot!
"Damn you, Sir! Hindi namin kailangan ang costumer na katulad mo! Isang wasted na walang modo at walang galang sa babae! Ulul!"
"LOUISE!"
Napalingon naman kaming lahat sa tinig na iyon. At sa mga oras na to, alam kong katapusan ko na! Haaaaays! Malas naman ng buong araw ko!
"Miss Beca..."
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...