"Luise! Here!" Kakawag kawag na si Abi. Agad naman akong pumunta sa tabi niya. "Anong meron?" Bulong ko."May i a announce daw si Dean."
"Ah akala ko naman may emergency." Umiling siya tsaka luminga linga sa paligid.
"Anyways, san ka ba galing?"
"Sa Brew's kumuha ng sahod." Tipid na sagot ko, dahilan ng pag lingon niya sakin saka ako tinaasan ng kilay.
"Oo na! Ililibre kita wag kang atat!" Natatawang pang kukumbinsi ko sa kanya.
I know her. Highschool pa lang ay kaybigan ko na siya sanggang dikit kami niyang bruha na yan. At alam ko kung bakit palinga linga si gaga! Hinahanap nanaman niya siguro yung ultimate crush niyang si Vin.
"Goodmorning students!" Si Dean.
"Goodmorning Deaaaaan!" Kaming lahat sa field.
"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Kaya ko kayo pinatawag dito dahil gusto kong sabihin sainyo na open na ang lahat ng mga clubs ng ating university at lahat ay dapat kasali dahil kung hindi ay singko kayo. Pangalawa, malapit na ang foundation day ng ating school so lahat ay inaasahan kong mag participate! Specially scholars, kelangan namin ang tulong niyo."
Nag simula namang umingay ang paligid. Syempre kahit naman mga isko kami ay may buhay pa din kami sa labas ng eskwelahan na ito! At isa pa, hindi kami nerd! Duh! Lalo na ako, I'm a busy cutie woman! Hahahaha!
"Pero don't worry students dahil this Friday... we have an acquaintance party!" Masiglang sambit ni Dean at biglang nag bago ang awra ng lahat, including Abi. Party goer brat!
"I hope lahat ay mag participate dahil may attendance ang party. At kung sino ang absent, ay ihaharap sa akin sa Lunes. Are we all clear Madriganians?"
"Yes Dean!" Crowd.
After ng announcement ay pumunta na kami ni Abi ng washroom para mag palit ng chef's outfit. Ito kasi ang pang laboratory namin. And I swear ito lang ang nagustuhan ko sa course ko kaya ginanahan na din ako. Haha!
"Grabe imagine na nag susuot ako ng lab uniform kahit naman alam nating dalawa na I can't cook!" Maarteng pag mamaktol ni Abi.
Natawa naman ako sa inasal niya. "Cheer up Abi! Ikaw kasi gaya gaya ka eh. Diba tourism dapat ang kukunin mo? Ayaw mo kasing humiwalay sakin eh."
"No way! Ang dami kayang bitches dun sa department na yun! Wag na lang noh. Kahit naman ayaw ko mag luto bet ko pa din naman ang baking class natin! Haha. Kaya fight lang."
Isinakbit na namin yung bags namin at lumabas na ng washroom ng biglang may humarang samin na dalawang babae. At base sa damit nila ay Tourism students sila.
"Hi. Padaan kami." Malumanay na sabi ni Abi, pero dedmakelz ang mga palaka. Nakatingin silang dalawa sakin lalo na yung long hair na chararat. Problema neto?
"Abi dun tayo–"
"And where do you think you're going? Narinig ko lahat ng kwentuhan niyo about samin...So pathetic! Insecure lang kayo kasi mas pansinin kami kumpara sainyo! Bitch!" Sabi nung alepores niya.
"Miss, hindi naman sa ganon nag sasabi lang din naman kasi ako ng totoo—"
Hindi na natapos ni Abi yung sasabihin niya dahil sinampal siya nung leader nung palaka. Gaganti na sana si Abi pero pinigilan ko siya. Chineck ko muna yung mukha niya kung may pasa but luckily wala. Confirm na may makapal na mukha yung tropa ko. Lumingon naman ako dun sa leader at pinanlisikan siya ng mata. Napa atras naman silang dalawa.
Psh! Duwag!
"Hindi porket napatumba mo si Luis ay kakayanin mo na kami." Leader na palaka.
"Luis? Oh! That jerk?" Tatango tango pang sabi ko. "So pinapunta ka niya dito para gantihan kami? Awww ang bait mo namang doggy." Kunyaring natutuwa ako sa kaniya, kaya naman aakmain niya sana akong sampalin pero nahawakan ko ang braso niya.
"Subukan mong padampiin yang kamay mo sa mukha ko ibabalik ko yan sayo hanggang sa matanggal yang ulo mo!" Halos mamutla naman siya sa takot kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa braso niya.
"Let me go bitch!" Pag pupumiglas niya.
"Mag sorry ka sa kaybigan ko at kung hindi, ilalabas ko ang scandal mo!" Nanlaki naman ang mata nung dalawang palaka. Now, who's bitch?
"S-sorry..."
Sabay takbo nung dalawa.
"Sus! Mga weak naman pala!" Halos mamatay ako kakatawa sa reaksyon nung dalawa.
"Omg! May scandal yung girl? How d'you know?" Manghang mangha naman na tanong niya sakin.
"Ano kaba! Syempre joke lang yun! Hahaha! Pero kasi may sinabi sakin si Ted na may tourism students daw dito na na leaked sa isang scandal. Pero wala namang napapatunayan."
Nag start na ulit kaming mag lakad at napansin kong tahimik. Si Abi, feeling ko na touch tong bruha na to kasi naaalala ko pinag tanggol ko na din to nung highschool kami at talaga naman halos buong mag hapon siyang umiyak. Hahaha! Hay naku. Isip bata pa rin talaga.
Nilagay na namin ang bags namin sa locker at nag start ng mag lecture si mam. Bago kasi kami mag start mag luto ay i dedemo muna niya yung gagawin namin.
Napalingon naman ako kay Abi at kapansin pansin ang pananahimik niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Ni re call ko naman lahat ng nangyari pero wala naman akong masamang nasabi sa kaniya eh.
"Okay guys, punta na kayo sa designated groups niyo." Si Ms. Eva.
"Hoy! Abingot? Okay ka lang ba? Masakit ba yung sampal sayo?" Worried na talagang tanong ko.
"Oo ayos lang ako." Matamlay na sagot niya at agad naman siyang tumalikod. Anong problema neto? Hindi ko na siya inintindi dahil naging busy na kaming lahat.
Sa oras ng laboratory ay bawal na ang mag usap usap dahil hygiene na din yun. Tahimik lang kami ay kung minsan ay senyasan.
"Louise pa dice naman ako netong potato." Si Freya leader namin.
"Sure." Maingat pero mabilis kong ginayat ang mga patatas at iba pang nakatoka sakin. Minsan ay tinitingnan ko din si Abi pero bigo akong makausap siya dahol tutok talaga siya sa niluluto namin.
Mabilis natapos ang activity namin at andito na kaming lahat sa locker room para kunin ang gamit ko ng biglang may kumalabit sakin.
"Thank you so much, best friend."
Umiiyak habang abot abot niya sakin ang niluto naming pagkain. Ewan ko pero bihira niya lang akong tawaging 'best friend' eh. Ayun ay kapag talagang madrama ang eksena namin. Kahit din ako, never ko siyang tinawag na ganon. Basta pinaparamdam lang namin sa isa't isa.
Kinuha ko yung tupperware atsaka, "You're always welcome, best friend."
And we laugh together while hugging.
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...