Louise point of view."Putcha naman Luwi! Ang ganda ganda mo!"
Exaggerated na reaksyon ni Abi. Andito kami ngayon sa unit ko, dito niya ako inayusan at binihisan dahil kung sa kanila pa ay mas malayo sa venue ng party namin. Yes! Wala na talagang atrasan to wala akong choice kung di sumama at maki party!!!!
"Hapit na hapit naman masyado tong napili mo baks! Yung maroon na lang kaya?"
"Ang manang mong tingnan dun eh! Trust me, you're so gorgeous with your dress! Grabe pwede na talaga akong maging 'guru' hahaha!" Tuwang tuwang sabi niya.
I'm wearing plain nude color dress with shimmering beads na hanggang kalahati ng hita ko. Sobrang hapit na hapit nito sakin kaya kita ang hubog ng katawan ko. Spaghetti strapped siya at masasabi kong mukha akong starlet! Hay naku! Ayoko talag tong suotin kaso wala na akong magagawa! Nakadagdag awra din ang buhok ko na naka ponytail na may pa hibla ng buhok sa magka bilang gilid ng noo ko. Kinulot niya pa para daw mas bongga! Hahaha jusmiyo! -_- at ang kukompleto ng look ko ay ang white heels na 2 inches dahil hindi ko kakayanin kung 5 inches gaya ng gusto niya!
"Oh, mag red lipstick ka na para bongga!" Sabay abot sakin ng lipstick.
"Baks ayoko! Mag mumukha naman akong starlet eh. Ayun na lang oh, yung lip gloss lagyan mo na lang ng highlighter mas bagay siya sa dress ko." Pag po-protesta ko.
"Ay oo nga! Hahaha. Taray may alam ka rin pala sa mga make ups ha! Kunyare ka pang allergic!"
Ginawa na namin ang mga ritwal at mabilis naman agad kaming natapos. Sumakay na kami agad sa taxi at nag tungo na sa hotel.
Pagka baba namin... "Teka Abi.." hinawakan ko siya sa braso.
"Ano? Wag mong sabihin uuwi kana? Purdyosporsanto Louise! Wala pa tayo sa loob papasok pa nga lang tayo sa pinto eh!" Pag mamaktol niya.
"E-eh kasi, hindi ako komportable... pinag titinginan ako nung mga yun oh." Tinuro ko gamit yung nguso ko yung apat na lalaki na nasa gilid.
"Jusko ayun lang ba? Si Luis nga napataob mo ayan pa kayang mga payatot na yan? Hahaha!" Inakbayan naman niya ako para palakasin yung loob ko... "Tara na! Sayang ang effort ko kung uuwi ka din. Malay mo, pag nakita ka ni Luis pakasalan kana agad ayain kapa agad mag honey moon uraurada? Ayieee." Tinusok niya pa yung tagiliran ko dahilan mapa talon ako at mapatama sa medyo matigas at medyo malambot na bagay.
Pagka lingon ko....
Putchaaaaa tao pala! At mukahang hindi na naman pabor sakin ang tadhana. Yung ayaw kong makita, pinakita sakin! —___—
"Naks Lou! Ikaw ba talaga yan? Wow."
"Oo siya yan. Pinag handaan niya talaga tong party! Ganda niya diba? Hahaha! By the way, I'm Abigail Marie Amorsolo pero Abi na lang. Bff ni Luwi." Nag shake hands naman sila.
"Luwi? Bakit Luwi?" Takang tanong niya pero naka ngiti pa rin sakin. Abnoy ata to eh!
"A-ahh kase ayun talaga yung nickname niya eh. Atsaka mga close lang niya nakaka alam ng nickname niyang yun." Paliwanang ni Abi.
"Oh, astig mo ah!" Tumingin pa siya sakin tsaka bumaling ulit kay Abi. "By the way, Luis."
"Pleasure to meet you, Luis!"
After ng chikahan namin sa pintuan, oo dun talaga ako inintriga ni Abi! Ay pumasok na kami at naupo na sa designated table namin. Nahiwalay naman si Luis dahil school photographer namin siya kaya busy busyhan ang lolo mo.
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...