Chapter Seven

6 2 0
                                    


"Carl?!" Gulat na usal ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba at galit ang sinasabi nito.

"Hi..." maikling bati niya sakin.

"Hi." Pormal din na sagot ko.

"Hi Carl! Anong ginagawa mo dito? Diba graduate kana?" Sa wakas nakaramdam din si Abi. Alam niya sigurong hindi ako komportable sa mga oras na to. "What's up! You look good ah. Kamusta kana?" Naka ngiting tanong niya pa.

"A-Ah, eto dyosa pa din. Patay na patay pa din kay Vin! Hehehe."

"Loka ka talaga. Wala ka pa din pinag bago!"

"Oo naman wala pa din akong pinag bago. Ikaw lang naman ang nag bago eh." Pinandilatan ko naman siya kaya't nag peace sign siya sa harap ko. -_____-


"Ah sige bili lang akong gulaman ah. Gusto niyo?" Alok ni Abi. Tumango na lang ako at pinandilatan ko pa siya bago tumalikod samin.

"Kamusta? Anong bago sayo?" Tanong niya sakin.

Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko saka ko tuluyan siyang harapin. "Eto, back to school nagkaron lang kasi ng aberya pero bumabawi pa din naman."

"Ikaw?" Dagdag ko pa.

"Kumukuha ako ng Masteral Degree sa ngayon, naging busy din kasi ako simula nung–"

"Nung nabuntis mo si Fatima?"

"L-Luwi..." malumanay pero ramdam ang lungkot sa boses niya.

"May gana ka pang mangamusta? Anong gusto mong isagot ko sayo? Na ayos lang ako? Ayos na ayos lang sakin yang pananakit mo?! Putcha ka naman! Halos patayin mo ako sa sakit eh! Lahat apektado! At pinag sisisihan kong sirain ang buhay ko nung mga oras na yun. Samantalang i-ikaw.... ayun, masayang masayang bumubuo ng pamilya sa babaeng isang beses mo pa lang nakausap! Tangina naman!"

Pigil na pigil pa rin ang luha ko na gustong gusto ng kumawala. Hindi ko na napigilan. Masyado akong nasaktan at matagal ko na din kinimkim yung sakit.

"Luwi hindi sa ganon. Hindi ganon yun! Minahal kita alam na alam mo yan. Lasing ako nun at nalungkot lang ako ng panahong yun, alam mo kung bakit ako nag punta doon dahil nag away tayo! Fuck 8 years na umikot buhay ko sayo at sa isang pag kakamali lang binitawan mo ko!"

"At ngayon kasalanan ko?"

"Hindi. Hindi Luw—"

"Sana, nung mga oras na naging mahina ka sana inisip mo ako at nilabanan mo yang tukso mo! Oo magka away tayo pero sinundan kita sa condo mo para makipag ayos pero nadatnan ko kayo. At hindi ko kinaya na habang ginagawa niyo yung mga bagay na ginagawa natin sa mismong kama mo, nandidiri ako at nilalamon ako ng galit! Ngayon sabihin mo sakin...ako pa ba ang mali?"

Tahimik lang siyang nakatingin deretso sa mga mata ko. At walang ano ano'y tuluyan ng lumabas ang mga luha ng kanina ko pa pinipigilan simula ng dumating siya.

Aasta sana siyang punasan ang luha ko pero pinigilan ko siya. "Wag na wag mong pupunasan ang mga luha ko na ikaw din naman ang dahilan. Dahil kahit kailan, hinding hindi na yang matutuyo dahil sa lalim ng sugat na ginawa mo."

"Louise....I-I'm sorry..."

"Stop saying sorry kung alam mo sa sarili mo na alam mo nang mali pero tinuloy mo pa rin. Minsan hindi salitang sorry o patawad ang nag papahilom ng sugat ng nakaraan. Kun'di..." pambibitin ko dahilan naman ng muling pag tingin niya sa mga mata ko. "Kung hindi ay lisanin ang mga bagay kung bakit tayo nasaktan. Kaya matagal ka ng patay sa isip ko, Carl..."

Louise meets Luis (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon