"So, you know each other?" Si Sir Rivas."No." Ako.
"Yes." Ngingiti ngiting sambit niya! What the hell!
"Anong ginagawa mo dito? At talagang nag effort ka pang siraan ako dito? Siguro pinlano mo to dahil sa incident sa shop noh? How dare you jerk!"
"Ms. Abayan! Anong attitude yan?"
"Andito ako dahil student din ako dito. At sino ka naman para pag aksayahan ko ng oras? Pathetic!" Pang aasar niya pa.
"Ms. Abayan and Mr. Aguilar! Igalang niyo ang office ko!" Halos walang hingahang sigaw ni Sir samin.
"Sir, andito na po yung pinapaabot ni Ms. Chua pirmahan niyo na lang po yan at ng makapag simula na kami."
Habang pinipirmahan ni Sir yung mga files ay walang ginawa ang hayup na to kundi mag smirk at umiling iling! Gooosh! Hindi pwedeng ang isang jerk na katulad niya ang sisira sa mga plano ko! Hindi ako mag papatalo. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Here." Inabot na ni Sir yung files sa kaniya atsaka bumaling sa akin. "So, malinaw naman ang pinagusapan natin Ms. Abayan?"
"Yes Sir." Naka tungong sagot ko.
"Okay this is warning for now. At sa susunod na baliwalain mo ang class ko, singko na ang kapalit nito. Understood?"
"Yes Sir."
"Okay you may go."
Pag bukas ko ng pinto ay tumambad na naman sakin ang mukha ng bwisit na lalaking ito! Fuck!
"So..." pang aasar niya pero inirapan ko lang siya at tinaas ang middle finger ko sa mukha niya mismo!
"Woah! Easy Ms. Lou Abayan. Pag pipigil niya sakin.
What? Lou? The hell!
"Let me go jerk!" Sigaw ko.
"I wonder, bakit kaya napaka bastos mo? Kababae mong tao ganyan ka umasta? Ganyan ka ba pinalaki ng Nanay mo?" Cool na cool na pag kasabi niya at talaga namang nag pantig ang tenga ko.
"Anong sinabi mo?" Dahan dahan ko ng tinitikom ang kamao ko. Ramdam na ramdam ko na ang galit ko.
"Louise tamana nasa harap tayo ng faculty." Awat sakin ni Abi pero mas nangingibabaw ang galit ko.
"Bawiin mo yung sinabi mo!"
"Na alin? Kung pano ka palakihin ng Nanay mo. Napaka walang modo mo at ngayon naman sinasayang mo ang perang pang aaral sayo!" Nakangiting sabi niya mismo sa mukha ko. Isang isa kana lang talaga saking hayup ka! Hindi mo talaga gugistuhin ang mangyayari sayo!
"You know what? You're just a slut na humihingi lang ng simpatya ng mga tao. Wala kang pinagka iba sa mga babaeng nakasalamuha ko. Kunyaring matapang pero atensyon lang pala ang gusto! Or baka gusto mong landiin si Sir para makapasa ka?"
Sa puntong ito ay talagang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Sino ba siya? Wala siyang alam! Isa na lang boy, makikita mo kung sino talaga ang kausap mo!
"Oh, umiiyak ka? Bakit? Dahil totoo lahat ng sinasabi ko? Awww! Bitch—"
*BLAAAAAAAAAAAAG*
Gamit ang kanang paa ko ay inapakan ko ang leeg niya at mukha na siya ngayong nahihirapan at masamang masama ang tingin sakin. Binalaan na kita bata, di mo talaga gugistuhin pag ako ang kinalaban mo. Laking black belter ata to!
"Hindi.mo.ako.kilala." Diniin ko pa lalo ang paa ko sa leeg niya. "At sa susunod na idamay mo ang Nanay ko sa away natin, hindi lang yan ang aabutin mo!"
"Luwi, tamana na. Tara na!" Pinakawalan ko na siya at halos hinabol niya ang hininga niya. Kung hindi lang ako inawat ni Abi, malamang baka nasa hospital na to.
Noon ko lang napansin na ang dami pa lang naka paligid samin. Halos maghiyawan sila nung tumalikod na ako sa kanila at tuluyan ng lumayo sa tapat ng faculty room.
"Ano ka ba Luwi!" Luwi talaga ang tawag ng mga taong malalapit sakin. Siguro ay dahil mahaba ang Louise? Haha!
"What? Eh dinamay niya si Nanay nananahimik sa San Felipe yun eh!"
"Gaga ka! E kung mag sumbong yung hayup na yun? Oh edi postponed nanaman yang graduation mo?" Worried na sagot ni Abi. I know she's a true friend kaso napapasobra na minsan. To the point na pinili niyang bumagsak just to be with me! Palibasa, independent siya at nasa ibang bansa ang magulang niya. And yes! Only child.
"Sus! Kulang pa yun!" Mayabang na sagot ko.
"Teka, sino ba yun? Bakit ang laki ng galit mo teh?" Maarteng tanong niya.
At ikinuwento ko naman sakaniya lahat ng pangyayari sa Brew's nung gabing yun.
"WHAT?! Eh tama lang pala yung ginawa mo eh! Gusto mo upakan ko pa yun?" Tumayo siya at aastang susugurin yung jerk pero pinigilan ko.
"Oh, wag na. Naka isa na ako eh, bibira ka pa naman?" Biro ko.
"Eh kasi naman di mo nakwento lahat eh!"
After ng maaksyong eksena ay nag pasya na kaming umuwi. Total naman ay wala na din akong klase.
Habang naka upo ako sa veranda ng unit ko ay iniisip ko ang lalaking nakarate ko kanina. Natawa na lang ako sa nangyari at saka hinigop ang kape ko.
Hindi ako mag papatalo sa'yong lalaki ka! At kung iniisip mo na kayang kaya mo ako? Nag kakamali ka dahil hindi kita uurungan!
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...