Chapter Four

5 1 0
                                    


"Mygosh Luwi!!!! Trending na trending ka!!!" Malakas na sigaw ni Ted patungkol sa video ko kahpon sa tapat ng faculty kasama yung lalaking binulagta ko.

Inirapan ko lang siya. "Hahahaha! Mygosh napaka tapang mo talaga! Para kang babaeng version ng mga bayani natin!" Pang aasar pa niya.

"Masyado ng namemersonal yang hayup na yan eh! Akala niya mag papasindak ako?"

"Wait, parang pamilyar nga tong lalaki na to eh." Sagot niya habang tutok na tutok sa phone niya.

"Oo bakla! Ayan yung nauulul na costumer last week! Sa kamalas malasan nga naman schoolmate ko pa."

"Uy alam mo, kung hindi lang to balasubas type ko na to!" Malanding sabi niya at iniimagine pa niya yung jerk.

"Ewww! Ang baba ng taste mo bakla ah? Really? Diyan talaga sa jerk na iyan?"

"Oo naman noh! After all, mukha naman siyang masarap! Hihihihi."

"Yaks bakla! Bibigyan kita ng lalaki wag lang diyan."

"Oh eh kamusta ka na nga ba?" Biglang nag bago ang awra niya. Ganya talaga yang si Ted, moody.

"I'm fine. Kaya ko na to parang di naman ako sanay dito! Haha."

"Engot! I mean kay Carl." Napatingin naman ako sa kaniya tsaka agad ibinaling sa labas ng shop yung paningin ko.

"Hindi ko na siya masyadong naiisip."

"Good. Kasi nung isang araw, pumunta siya dito kasama si F-Fatima. Akala ko nga hahanapin ka niya eh pero dedmatology lang ang lolo mo. Si Ian nga pinag take ko ng order kasi baka masampal ko lang si ate girl."

I lied. Halos gabi gabi ko pa rin naiiisip si Carl. Yes, he's my ex. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit nung nahuli ko sila ni Fatima. It was 2 years ago.

"Kelangan Ted eh, hindi naman pwedeng habang buhay ko na lang ibaon yung sarili ko kay Carl." Malungkot na sabi ko sa kaniya at muling tumingin sa labas ng shop.


"Luwi, come to my office." Sa wakas at binasag ni Ms. Beca ang eksenang iyon.


"So ito yung sahod mo for this cut off. Pirmahan mo ito." Tinuro niya yung ibabang parte ng papel at pinirmahan dun.

"I heard what happen. Kinakamusta ka niya."

"What would I expect? May internet na at talagang malalaman niya yun."

"Ano ka ba? Wala ka ba talagang pag galang kay Daddy?" Tanong niya sakin.

Yes you heard it right, kapatid ako sa labas ni Beca. Pero hindi ko siya tinuturing bilang kapatid kundi ay bilang amo. Walang special treatment dahil para sa akin ay hindi ko na kelangang ipag sisiksikan pa ang sarili ko sa kanilang lahat.

"Meron. Kaya nga andito pa rin ako sa shop na to kahit puro sakit sa ulo na din ang dinadala ko. Honestly Ms. Beca, nahihiya ako eh. Matagal ko ng gustong mag resign pero masyado kayong malakas para kalabanin ko pa."

"No. Wag mong isipin yan, dahil tini train kita. Ayan ang totoo di ba?" Pangungumbinsi niya.

"Ms. Beca if okay lang una na po ako? May klase pa po ako at ayoko pong ma late."

"Call me ate." Napatingin lang ako sa kanya at mukha na siyang iiyak pero naitungo ko ng bahagya ang ulo dahil hindi ko kayang makita na malungkot siya.

"Sorry."



Tumalikod na ako atsaka tuluyan ng lumabas sa Brew's. Hindi ko kinakaya! Ayoko ng ganito. Ayoko ng mabait siya sakin dahil kung tutuusin ay dapat galit siya sakin! Dahil ang totoo, kami ang naka sira ng pamilya niya! 20 years nilang hindi nakasama si Tatay para samin tapos kabaitan ang isusukli nila? No way! Hindi ko masikmura!

Ma pride na kung ma pride pero nahihiya ako sakanila.




Habang nasa jeep ako ay naka receive ako ng text kay Abi. Kaya minadali ko na lang pumasok at hindi na inisip ang mga nangyari kanina.

Louise meets Luis (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon