Louise Point of View."Welcome back, Queen of the Bitches of the bitch!" Si baklang Ted na sumasamba samba pa sakin. Hahaha! Buang talaga eh.
"Gaga! Ano kamusta dito?" Tanong ko sa kanya tsaka bumeso.
"Ayun, as usual busy pa din ang Brew's going strong! Haha. Ikaw bakla? Kamusta ka ha? Kagabi si Abi nag punta dito sobrang worried kami sa'yo. Pati si Ms. Beca." Nag punas punas naman siya ng coffee machine at ng counter.
"Ha? A-ahhhh, diyan lang sa tabi tabi. Hehe!" Palusot ko na mukhang di naman uubra sa baklitang to. Hello?! Kahit grade one hindi tatalaban ng ganong palusot!
"Wag mong sabihing nakipag kita ka sa ex mo?! Ay naku baks ah! Binabalaan kita itigil mo yang kalandian mo!"
Inagaw ko yung basahan sa kamay niya atsaka itinuloy ang pag pupunas. "Pwede ba? Bakit naman ako makikipag kita sa gagong yun? Maging kabet pa ako eh!"
"Oh, eh saan ka nga galing? na ikwento ni Abi sakin yung nangyari sa'yo sa school niyo. San ka uminom? May kasama ka ba?"
Ted sounds so worried. At alam na alam niya talaga na pag may problema ako, sa inuman talaga ako makikita. Haha! napangiti naman ako bigla ng maalala yung mga nangyari kanina samin ni jerk!
Ha? May nangyari ba talaga samin?! What the hell!!!!! I mean yung eksena kanina sa labas ng unit namin! Ayun yung ibig kong sabihin! Oo tama! Ayun nga! Gosh! Luwi, hindi ikaw yan! Wag kang pervert!
"Hoy!" Sigaw ni Ted sa mismong tenga ko kaya naman nagulat ako.
"Ano ka ba!!!! Bat nang gugulat ka?" Napa hawak ako sa dibdib ko.
"Jusmiyo ka! Pakurap kurap ka pa diyan with matching ngiti ngiti! Kung kulang lang ako sa bakuna iisipin kong may na churva ka kagabe!" Pang aasar sakin ni Ted.
"H-ha?! Shunga ka! Wala ah! Mag trabaho na nga tayo. Ayan na mga ipokrita oh." Patungkol ko sa mga sosyal na schoolmates ko na papalapit sa counter.
"Gaga ka marinig ka sige, suspended ka ng 1month!" natatawang sagot niya.
"Hindi yun mangyayari noh." Mayabang na sagot ko. "Ayun, dadaanin sa palakasan!" Sarcastic na sagot naman niya.
"Hahahaha! Syempre hindi mangyayari yun. Ikaw ang TL ko eh. Sige na, take mo na po yung order at kating kati na tong mga kamay ko."
Pag katapos namin mag chismisan ni Ted ay naging busy ang buong kalahating araw namin. Bukod sa walang humpay ang costumers ay wala din si Ian dahil off niya ngayong Monday.
"Here's your blueberry cheesecake Ma'am! Enjoy your staying!" Magalang na sambit ko sa costumer.
"Baks! Grabe hindi ko ma imagine na 5pm na. Gosh ang tagal naman kasi ni Ms. Beca!!!! Wala manlang tayong kapalitan. Kahit tubig wititiw!!!" Pag mamaktol ni Ted.
Ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod. Wala pa kaming break dahil hindi kakayanin ng isa dahil sa dami ng tao ngayon dito sa shop. Tuwing Lunes kasi ay mas madami kaming costumer kesa Linggo, dahil na din sa paligid nito ay Mga universities at mga nag lalakihang company. Kaya mga patay gutom sa kape. Umaasa sa kape pam pagising sa natutulog na dugo! Hahaha!
"Out na ako ng 6:30 eh, hindi na ako mag bi-break baks. Ikaw na lang. Straight duty ka ba?"
"Ano pa nga ba? TL duties! Ay naku ha, yang Ian na yan tatlong sunod ng Monday ang off. Nakakahalata na ako baks ha!"
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...