Louise Point of View."Teka nga, bakit ganito na suot ko?! Atsaka asan ako?!" Natatarantang tanong ko sa kaniya. Kalamadong kalmado lang siya habang nakatitig sakin! "Hoy! Ano ba? Sasapakin na kita eh! May n-nangyari ba satin?"
Natawa naman siya atsaka umiling iling.
"Hindi ka lang pala amazona, assumera ka din! Hahahahaha!" At nag pahagalpak na naman ng tawa.Sa sobrang yamot ko ay binato ko siya ng unan. "Aray! Ano ka ba!"
"Sagutin mo tanong ko! May nangyari ba satin?!"
Dahan dahan naman siyang lumapit sakin hanggang sa napa higa ako sa kama at pakiramdam ko ay 1inch na lang ang pagitan ng mukha namin. any moment ay pwede niya akong mahalikan. Pero bago niya magawa iyon ay uunahan ko na siya!
Ngumiti ako at saka tinuhod ang ano niya.
Ang tiyan niya! Hahahaha. Akala mo porket nauwi mo ako dito, ay pwede mo na akong bastusin? Hmmm. Not me!
"Aray! Grabe ka ano ka ba! Wag kang mag alala, walang nangyari satin! Ano ako cheap? Lasing na lasing ka kagabi kaya inuwi kita dito." Himas himas naman niya yung tiyan niya habang namimilipit sa sakit.
"Eh kelangan mo pang saktan bago ka mag salita eh!"
"Grabe! Oh after mo diyan sumunod ka na sakin sa kusina, nag luto na ako ng almusal. Mag ingat ka sa pag kilos diyan ah! Baka maka basag ka!"
Nag make face lang ako atsaka tumayo na. Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto niya. Gray and white ang combination ng pintura nito, may halaman bawat sulok ng kwarto at sa tabi ng cabinet ay may mga photo wall.
"Siguro eto jowa niya. Impyernes, may taste! Ganda ni girl."
Umikot ikot pa ako hanggang sa makarating ako sa may table niya. "Taray ng jerk na to! Talagang malinis siya sa bahay ah. Kung wala lang syota to, napag kamalan ko na tong bakla!" Natatawa ako sa mga naiisip ko kaya nag pasya na akong lumabas ng kwarto.
"Wala bang lason to?" Pang aasar ko sa kaniya. Pero hindi niya ako sinagot kaya naman natawa na talaga ako sa itsura niya.
"Sige lang tumawa ka lang na amazona ka! Gusto mo ipaalala ko sa'yo lahat ng kabulastugan mo kagabi ha?"
"Sabi ko nga tatahimik na ako."
"Uminom ka ng maraming tubig ng mawala yang hang over mo." Seryosong asik niya.
Tumango lang ako at saka nilantakan ang mga pagkain na inihain niya. Impyernes! Hindi sunog haha. Gusto ko pa sana siyang asarin kaso hindi ko na lang ginawa dahil baka gantihan ako nito mahirap na lugi ako nasa teretoryo niya ako.
"Ikaw lang mag isa dito?" Pang basag ko sa katahimikan namin dahil hindi ako sanay na seryoso siya.
"Pag umaga hindi ako masyadong nag sasalita. Mabilis akong ma badtrip eh." Walang ganang sagot niya.
"Sunget naman neto! Mag kwento ka na. Alam mo sabi ni Nanay mas masaya daw saluhan ng kwentuhan ang hapag kainan, mas mabilis kang mabusog."
"Oo mag isa lang ako dito. Yung family ko nasa La Union, may beach resort dun."
"Kaya naman pala mamahalin tirahan mo eh."
"Boring naman. Walang buhay. Malungkot." Walang emosyong sagot niya. Tiningnan niya pa muna ako bago humigop ng kape. "Wala ka ba talagang naaalala kagabi?" Seryosong tanong niya.
"H-ha? Ano bang meron? Bakit ba paulit ulit ka? Wala n-nga!" Pag susungit ko pa.
"Sa susunod wag kang mag iinom ng wala kang kasama. Kasi kung masamang tao ang nakasama mo kagabi, baka na rape ka na."
Malumanay ngunit mararamdaman mo ang sinseredad sa pananalita niya. May kabaitan effect ba mga foods dito? Biglang bumait si kolokoy eh! Hahahaha! Weird!!!!
"Oh diyan na lang banda." Tinuro ko yung building na green.
"Dito ka pala nakatira?"
"Secret! Oh sige na, late na ako sa work ko. Baka ma suspende na naman ako dahil sa'yo!" Lumabas na agad ako ng kotse niya at dali daling tumakbo papasok sa unit ko. Kaya lang tinamaan naman ako ng konsensya kaya lumabas ako ulit dahil 10mins na lang ang natitira para sa sarili ko! Gosh!!!!! Gusto ko lang talagang magpa salamat.
Agad akong tumakbo. Pero,
"ARAAAAAAY!"
Napahiga tuloy ako sa lakas ng impact niya sakin! Punyeta naman eh!!! muka naman siyang natataranta kaya imbis na kamay ko ang hawakan niya ay binuhat niya ako. Ramdam na ramdam ko ang init sa katawan ko! Weird. Ayun ang naramdaman ko! Weird!
"A-Ano ba!" Tinulak ko siya kaya naman parang bumalik siya sa reyalidad.
"S-Sorry."
"Bakit ka kasi sumunod?! Bweset!"
"Eh ikaw bat ka babalik sa kotse? May nakalimutan ka ba?!"
"Ha? A-ah, nakalimutan kong mag thank you." Nahihiyang sagot ko.
Hindi muna siya nag salita, pilit kong binabasa yung isip niya pero he's clueless. Napa hawak naman ako sa dibdib ko, nag kape kasi ako kanina kaya siguro ayun. Nag pa palpitate ako. -__-
"Sige na, una na ako." Naka ngiting sabi niya. Tumango naman ako at saka tumalikod na....
"Lou!" Napahinto ako sa pag lalakad at lumingon sa dereksyon niya.
"Welcome." Then he wave and walked away.
BINABASA MO ANG
Louise meets Luis (on going)
RomanceAfter an epic conversation on the coffee shop wherein Louise works as a barista. They will crossed again their paths on the university as schoolmates. As the time pass by, little by little Louise fell in love to Luis, when she has a guts to confess...