"Hindi ka mahal ni Justin...at Hinding- Hindi ka niya mamahalin Shani." Seryosong sabi sa'kin ng babaeng kaharap ko ngayon.
Gusto nang pumatak ng mga luha sa mga mata ko habang nakikinig ako sa kanya ngunit pinipigilan ko dahil ayokong magmukhang kaawa-awa sa huling pagkakataon.
"A-alam ko po Ma'am Inna" mahina kong sabi sa kanya na para bang ano mang sandali ay mawawalan na ako ng hangin na malalanghap sa sobrang intense ng pag-uusap namin sa kanyang silid.
"Then why are you still here? He doesn't need you here" sa klase ng pagtitig ng mga mata niya sa akin ay makikita mo agad ang galit niya at pagka disgusto na nandito pa din ako hanggang ngayon.
"Inaamin ko Ma'am na umasa ako na baka mahalin niya din ako at tingnan gaya ng pagtingin niya sa inyo, yon po ang dahilan kong bakit naririto pa rin ako sa tabi niya. Wag kayong mag-alala, aalis na ho ako pagkatapos nating mag-usap ngayon, napag desisyunan ko po na...." biglang naputol ako sa pagsasalita ng sumingit siya at nagsalita.
"Well, I think this conversation is over, hindi nako makapag hintay na mawalan na isang dagang piste na katulad mo sa bahay na'to."
"O-opo Ma'am Inna, aalis na po ako..." yumukod pa ako sa kanya bago ko nilisan ang silid na iyon.
BINABASA MO ANG
HOPE IN LOVE
Romance✨Will destiny play its magic again for the second time around for them to still hope in love? Or They will be Hopeless in Love forever? This story is the first installment of the Girls with flaws series. This series is about the girlgroup named BIT...