"Bes nabasa mo ba yung mga story ni Beeyotch at 4reuminct solid pree" chika naman ng tropa ko na avid fan din ng fiction stories.Tulad ng mga kabataan ngayon nahumaling rin kami sa mga fiction stories. Di naman sa uso siya siya pero mas maganda lang talaga yung mga istorya na ginagawa nila kaya nakakainterest basahin.
Naglalakad-lakad pa ako sa pagitan ng mga shelf ng bookstore para maghanap ng mga bagong published books. Lagi kasi kaming tumatambay sa dito sa mall kung saan may malaking bookstore lahat ng kailangan mo andito na nga e.
Napahinto ako sa isang shelf ng may nakaagaw ng pansin ko, isang libro na sinulat ng di kilalang author?
Totoo, bakit maglalabas ang isang company na di sikat ang auhor? Sa tagal ko na ng nagbabasa ngayon ko lang na basa ang author na to, o baka bago pa lang.
"Tapos alam mo yung mga plot twist nila grabe bes I swear true to life story sila!!!" hirit pa niya.
"Kris calm down, can u please give me a peace of mind I'm looking for a good book" hirit ko habang tinitignan ko ng maayos yung libro, napapatingin na nga yung ibang costumer dahil sa bunganga ng babaeng to, bakit apakascandalosa niya.
"Ali ang dumb mo naman nag susuggest na nga ako ng babasahin mo. Kaysa mapagastos ka pa na bibili ng published book. Tskk" naghahanap din kaya sya ng published book so sino ang hindi gagastos?
Parehas lang naman kami na gumagastos pagdating sa mga ganto, kung tutuusin mas marami siyang collection ng mga libro.
Habang nagdadaldal si Kris sa gilid ko tinignan ko yung presyo ng libro at nagulat ako sa mahal ng librong yun. What the hell ano ba 'tong libro na to may spells ba to kaya umabot ng libo, jusko.
"Babasahin ko yang mga sinasuggest mo, but for now gusto ko ng totoong story" hirit ko at dahan-dahan binalik ang gintong libro, tinignan ko pa ang ibang libro na parehas lang din ng author na yun, nang may makita akong libro na kaya ng budget ko binasa ko yung synopsis. Hmm I think its good naman sa price niya, pero..
"Gaga gurl?!! Avid reader of fiction stories tayo! Anong totoong istorya sinasabi mo? Stupida psh" napairap ako kay Kris dahil di niya nagets ang sinabi ko, well totoo naman kung gusto ko ng totoong libro I mean di yung puro ebook lang jusko sakit sa mata kaya.
Pero yung non- fiction stories na babasahin namin? edi dapat naghahanap kami ng mga autobiography ngayon dapat wala kami sa section na 'to minsan boba din to e.
Just a cliché story, Ayissha Chanel Sandra, Ace for short has a childhood bestfriend name Marco Exekiel Lux and Max for short. Like what I have said, it's a cliché story they get fall inlove in each other. But life is really unfair for their love story, the family of Max needed to migrate in other country to have a good life.
Masyadong bata ang pa ang dalawang nagmamahalan kung kaya't pinili nilang maghiwalay kahit masakit sa kanila. And here's Zarich Jon willing to do anything para palitan si Max sa puso ni Ace. Sino nga ba ang pipiliin ni Ace? Ang taong inaasahan niyang babalik na mahal na mahal niya o ang taong nasa tabi niya na mahal siya?
Until We Meet Again
"Ano bes? May nakita ka na patingin nga" usisa naman ni Kris sa libro na hawak ko at biglang hinablot ang libro, kita naman niya na binabasa ko ang summary sa likod. Apakabastos na bata tskk.
"Ayy aware naman pala si writer na cliché story niya bat sinulat niya pa?"padabog niyang binigay sa akin ang libro at nagsimula na siya sa pangbabash sa story na nabasa niya, seryoso meron ba 'tong dalaw at grabe maginarte ngayon, wala talaga tong kwenta.
YOU ARE READING
Until We Meet Again (Completed)
Aktuelle LiteraturMagkaroon ng magandang kinabukasan ang isa sa mga pangarap ni Ali San Pedro pagkatapos niya magaral ng college. Pinangako niya na hinding hindi siya madidistract sa college lahat ay nakaplano na, pero nagulo ang planadong buhay ni Ali ng magtagpo an...