Nagising ako sa ingay ng kapitbahay ko, pagkabangon ko ay natapakan ko yung libro na binili ko ,"Anak ng! Hays Ali bili ka ng bili ng libro tapos tatapakan mo lang" dinampot ko yung libro at nilagay sa gilid ng kama ko, dahil kailangan ko ng kumilos para pumasok.
"Feel ko napanaginipan ko pa si Ace psh" bulong ko habang papuntang CR. Actually corny pero ok lang. HAHAHAH gulo ko.
Anyway minsan nakakadala talaga yung mga story na nababasa ko tapos iisipin ko na nandoon din ako kasama nila sa journey nila, tapos maiiyak at makikitawa rin ako para sa kanila. Jusko minsan nakakasira ng utak yung pagwawattpad.
Kaso may pangarap pa ako para sa pamilya ko kaya kalma lang ako sa pagbabasa kahit gusto ko ng puyatan yung mga story. " Magtapos ko muna ghurl at maghanap ng magandang trabaho at magkaroon ng masaganang buhay para sa pamilya" sermon ko sa sarili ko, 7:30 pa lang ng umaga pero paalis na ako sa bahay dahil malapit naman yung apartment na naupahan ko 8 pa naman yung pasok ko pero kinuha ko na yung bag ko at nilock ng maayos ang bahay.
Naglalakad ako habang nagmumuni-muni ng mga nangyare sa akin, minsan naiisip ko sila mama at papa kung kamusta na sila doon. Miss ko na yung mga kapatid ko na mga kupal wala kasi akong kakulitan dito maliban kay Gustin, wala akong mapipikon at walang mangpipikon sa akin. Minsan ang hirap din malayo sa sarili mong pamilya pero wala e, para rin naman to sa kanila at para sa sarili ko.
Sabi nila ibang -iba ang college life sa high school at di naman sila nag joke totoo pala. Nong 1st year college ko akala ko uuwi na ako kilala mama na nakakabaong oa man pero legit yung adjustment, yung mga sunod-sunod na gawain sa school tapos sumali pa ako sa isang club jusko kaloka,pero iba ang fulfillment pagnatapos mo lahat ng dapat taposin at buti nalang classmate ko si Gustin akala ko naman kasi kalma lang pagiging physical therapist jusko doctor na din pala laglag ko nito kakabisaduhin mo talaga lahat ng detalye sa katawan ng tao kung pwede nga lang na makita ko lahat sa loob ng katawan ng isang tao willing ako pumasok sa katawan nila para matandaan lang talaga yung mga parts. Ito yung consequence sa di alam ang course na kukunin nong Senior eh, biruin mo from HUMSS to STEM na gawain although na related iba pa rin.
Tapos nong ng 2nd year na keri ko na muntikan pa ako matanggal sa deans list dahil sa sobrang daming gawain nakalimutan ko magpasa ng project sa isang minor subject na nagfefeeling major, kulang nalang e lumuhod ako sa matandang prof ko para mapasa ko yung gawain kahit may minus basta wag zero. Pero sa kalagitnaan ng year ko naging maganda naman na yung mga proffesors at schedule ko kaya nakapagpart time job ako kahit papaano sa isang milktea shop.
At dahil apakabilis ng panahon, aapak na naman ako sa University of Philippians ng pang 3rd year ko na hoping na next year na ang last apak ko dito. Basta maging good lang tong year na to.Kahit na alam ko itong ang pinakaimpyerno na taon sabi nila.
Naglalakad ako ng matiwasay at katabi ko si Gustin na daldal ng daldal na wala naman akong paki dahil tinitignan ko yung schedule ko para sa first semester, ng biglang huminto at nakichika sa bulletin board na pinagkakaguluhan.
Juskong bakla to, inatake na naman ng pagiging chismosa, sumiksik na rin ako dahil ang bilis mawala sa paningin ko yung bakla. "Excuse me eepal ang bakla" sigaw pa niya para lang matignan ang pinagkakaguluhan.
"BESSSSS" napatakip ako ng tenga kahit dahil ang lakas makatili kala ko naman kung ano ang pinagkakaguluhan, mga estudyante nga naman, taon taon naman to ginagawa parang bago sa kanila. Narinig ko pang nagreklamo yung ibang students dahil sa tili ni Gustin.
Minsan gusto ko siyang iwanan at itanggi na di ko kilala dahil sa kakapalan ng mukha. Tsk.
"Gustin tara na bilisan na natin malalate na tayo oh" hatak ko naman sa baklang chismosa jusko naman to, nilakasan ko pa ang hatak sa kaniya na tipong mapupunit na yung polo niya. " Oy Sis kalma wala akong extra shirt, baka masampal kita." Palag niya pero salamat at nakaalis na kami sa bulletin board na dinudumog pa rin. "Para ka naman kasing bago dito sa campus kung makachika, tara na!" inayos ko yung damit at bag ko dahil parang kinuyog ako ng milyong taon, napaflip hair naman ang bakla dahil deretso nalang ako na naglalakad.
YOU ARE READING
Until We Meet Again (Completed)
General FictionMagkaroon ng magandang kinabukasan ang isa sa mga pangarap ni Ali San Pedro pagkatapos niya magaral ng college. Pinangako niya na hinding hindi siya madidistract sa college lahat ay nakaplano na, pero nagulo ang planadong buhay ni Ali ng magtagpo an...