Chasing My Dreams

1 0 0
                                    


Bukas na ang alis ko at ni isang araw simula ng pagtatalo namin ni Brylle ay di na kami nagusap. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi na siya nagparamdam at hindi na ako mahihirapan umalis.

Pero sobrang sakit kasi hindi manlang kami nagusap at hindi manlang kami nagkasundo bago ako umalis. Ang bobo ko naman kasi para hindi agad sabihin, I'm so selfish to him na kahit pagmamahal ko sa kaniya ay ipagkakait ko sa kaniya.

Unti unting pumatak ang ulan sa labas ng cafe shop,ayos ba yun pati ba naman langit umiiyak para sa akin. Nagbabakasakali ako na pupuntahan ako ni Brylle dito para magpaalam pero lumipas na ang 3 oras wala pa rin siya.

"Ayaw mo na talaga akong makita" bulong ko habang tinititigan ko yung kape na binili ko, naramdaman ko naman na may luhang pumatak sa kape ko. Natawa nalang ako.

"Ano ba Ali wala na bang gripo 'tong mata mo" nababaliw na siguro ako sarili ko nalang kausap ko dito buti unti lang tao sa loob.

"Ali?" napatingin ako sa tumawag sa akin "What are you doing here, teka umiiyak ka ba?" pinunasan ko yung luha ko at ngumiti sa kaniya ng pilit.

Taena kasi ni Brylle akala ko mahal ako hindi naman pala ayaw ako supportahan! Masasapak ko yun pag nagkita ulit kami!

"Pam, hindi ko alam kung tutuloy ako"umupo siya tapat ko at  hinawakan naman niya yung kamay ko. I need him right now pero ano he keep in ditching me,  I just need time to say goodbye pero ayaw niya babalik naman kasi ako.

"Maybe he doesn't want to say goodbye Ali, but we all know na supportado ka nun may sira nga lang siya sa utak" natawa naman ako, buti andito si Pam kundi di ko na alam kung anong gagawin ko baka dumeretso ako bukas kila Brylle imbes na sa airport na ako.

"Basta Ali tandaan mo na dapat hindi ka magsisisi sa dulo dahil ito ang pangarap mo kung hindi kayo para sa isa't isa marami pang isda jan" sana madali lang siyang palitan,  kaso hindi Brylle is one of the kind guy na sobrang hirap palitan.

"Girl cheer up bukas ka na aalis si Brylle lang yun, party tayo mamaya?" gusto ko sanang umayaw kaso parang kailangan ko ng alak para mawala siya sa sistema ko.

Tumango nalang ako at umuwi muna para mag ayos, si Pam naman dederetso muna sa company nila at may aasikasuhin.

Hindi pa rin tumitila ang ulan pero hindi na ganon kalakas, nakakainis naman lalo lang ako nalulungkot pag ganito yung panahon.

Nang makarating ako sa bahay nakita ko si mama na nagluluto para sa hapunan, ganon ba ako katagal nagintay kay Brylle umalis ako ng maaga dito ah, papunta na sana ako sa kwarto ko ng nagsalita si mama.

"Oh nak nagusap na ba kayo ni Brylle?" gusto kong umiyak kay mama at sabihin na hindi pa rin pero baka magalit sila kay Brylle kaya tumango nalang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto bigla nalang ako nakaramdam ng paninikip sa dibdib hindi ko alam pero ang sakiti tlagaa na parang wala na siyang pakialam sa akin. Damn him, he know that its for my family at hindi para sa akin. Why can't he just understand and give me what I want, ayaw niya na ba talaga sa akin para hindi ipaglaban 'to?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kung hindi ako gigisingin ni Ammy para sa hapunan.

"Oh ito na ang huling hapunan na kasama natin ang ate mo Ammy kaya dapat bongga" napailing nalang si Ammy at nalungkot naman ako pero pinilit ko nalang ngumiti para hindi halata  nila mama at papa na gusto kong mag stay.

"Ali ayos ka lang ba?" tumango naman kay Papa at inayos ang ang pagkain halos hindi ko pa pala nagalaw, hays apakadrama ng buhay ko aalis na nga lang ako ang dami pang bagahe na dala baka bukas sumobra ako sa kilo ng daldalhin.

Until We Meet Again (Completed)Where stories live. Discover now