Unwind

1 0 0
                                    


My journey is really went fast, everything is in a smooth sailing especially Brylle is with me always.

Di ko nga namalayan na malapit na kami mag anniversary! Di naman namin binibilang yung months basta magkasama kami araw-araw ok na, minsan pag monthsarry nagaaya si Brylle kumain sa resto tapos nuod lang sine, simple pero sobrang meaningful non sa amin.

He also did his promised na magiging supporter ko siya at hindi destructive na tao and because of that he is my one of the kind guy!

Legally na rin kaming nagsasama both family, naalala ko pa yung time na sinabihan ako ni mama na wag ko ng pakawalan si Brylle kasi ginto na daw, nagulat naman ako sa sinabi ni mama baka mamisinterpret ni Brylle as a gold digger yun pero si Brylle tumawa lang awit talaga siya non kahit hiyang hiya ako para sa nanay kong munggo!

Tapos nong nalaman na nila Pam at Kris ang about sa amin ni Brylle halos mawalan sila ng ulirat tapos nong nahimasmasan biglang nagsabi si Kris na magrerent siya ng club para icelebrate tapos si Pam naman maghahanap na ng wedding organizer!

Halos sumakit ulo ko kakapigil sa kanila nong araw na yun. Apakaoa na tropa talaga!

"Congratulations Anak!"

Sigaw ni papa at mama pagkatapos nong ceremony ng graduation namin, di ako makapaniwala pero sobrang bilis ng panahon, niyakap ko naman sila.

Kahit mahirap ang pinagdaanan ko sa college  I must say na worth it nong nakita ko yung mga ngiti nila. "Ang galing mo naman nak nag cum laude ka pa, sabi ko kahit makapagtapos ka lang ok na kami ni papa mo" naluluhang sabi ni mama kaya natawa ako " Ma wala tayong magagawa kong ginalingan ko"  napailing nalang si mama at hinampas pa ako sa braso.

"Babe congrats"  nagulat ako at sumulpot si Max na may dalang bouquet na rosas, aww my man sarap ipakain sa kanya yung bulaklak kinikilig ako! "Congrats din, wala akong flowers" biro ko sabay halik sa kanya "Ehem!" napatingin naman ako kay papa na ang sama ng tingin, smack lang naman kala mo kong anong sala na ginawa namin sa harapan nila.

Nagmano naman si Brylle kila mama at papa, binati niya rin si Ammy at ang bruha kinikilig apakalandi ah.

"Ate ang daming gwapo dito!" hirit pa niya kaya napatingin si mama sa kanya "Hoy Ammy tigilan mo yan baka iuwi kita sa Cebu!" napasimangot naman si Ammy HAHAHA "Ma sinabi ko lang na madaming gwapo hindi ako magjojowa!" maktol pa ni Ammy atapangnatao huh!

"Tara picture na!" excited na sabi ni papa ito gusto niya eh kaya nauna na siya tapos si mama tapos family picture si Brylle pa yung naging photographer namin!

Pagkatapos kami naman dalawa ang nagpicture "Kiss bilis habang nakatalikod ang mga matatanda" suhol ni Ammy at dahil masunurin si Brylle bigla niya akong hinalikan sa labi nagulat naman ako! Parang tenge leng! Natawa naman si Ammy sa picture aagawin ko sana yung phone kaso nagpaalam si Brylle na babalik na siya sa parents niya "See you tomorrow babe, enjoy the day love you" sabi niya "You too babe enjoy the dinner ikamusta mo nalang ako kila tita, take care" at nagpaalam na,siya sa amin.

Napagkasunduan kasi namin ni Brylle na family day muna ngayon at bukas nalang kami mag date, lalo na at ngayon ko lang nakasama sila mama pero sabi nila baka magstay na sila dito sa Manila dahil dito na rin magaaral si Ammy total may trabaho na rin ako.

Busy sila mama sa kakahanda ng mga pagkain grabe naman kasi sila kala mo papakainin buong community dito eh kaming apat lang ang kakain non tapos bibisita lang  kapatid ni papa.

"Ali tumawag si Tita Adin mo kilan ka daw pupunta doon?" tignan mo to si mama akala mo sa likod bahay lang ako pupunta eh sa Vancouver yun, jusko. "Ma baka sa susunod na taon pa kailangan ko muna magkaroon dito ng experience"  ayon ang plano ko kailangan ko muna maranasan yung kinuha kong course sayang naman kasi kung hindi ko magagamit yun kahit papaano lalo na pagdating sa ibang bansa kahit di related na trabaho kailangan kunin agad di sila nagbabase sa course na kinuha mo sa Pinas.

Until We Meet Again (Completed)Where stories live. Discover now