"Ate kamusta ka na diyan, tapos na yung pinapagawa mong bahay para kila mama at papa,sabi nga nila bat ang laki naman daw. Tapos yung van mo na pinaparentahan naging 3 na magaling si Papa magparami e.hahahaha"
Natuwa naman ako sa mga balita ni Ammy, sa wakas at nagbunga ang ilang taon kung paghihirap at ilang buwan nalang ay makakabalik na ako.
"Ok naman ako dito wala namang bago, ikaw nakahanap kana ba ng trabaho?" tumango naman siya at parang tuwang tuwa. Kakatapos lang ni Ammy sa kursong Journalism at sabi niya may nakaabang na agad sa kaniyang trabaho kaya napabilis ang plano kong umuwi akala ko nga at mageextend pa ako pero pinapagalitan na ako nila mama.
"Tsaka ate papakilala ko pala si Joro pagbalik mo ah.." tumango naman ako may nakatiis na din kasi sa kakulitan niya and I think they almost 1 year na, I'm so happy for my sister. "E, ikaw ate kilan ka makakahanap ng foreigner wala ka pangpalit kay kuya Brylle" napangiti nalang ako, alangan sabihin ko na tinatakbuhan ko yung mga Canadians na humahabol sa akin dahil nakay Brylle pa yung puso ko.
5 years passed, pero na kay Brylle pa rin hindi ko alam kung kinulam ba ako nun or sinumpa pero alam ko naman na nagaantay siya sa akin kaya hindi ko na kinokontra yung puso ko. Nagaantay lang din naman ako.
We are just waiting for the right time and I know na sa oras na magkita kami sa pagbalik ko ayun na ang tamang panahon, naks lakas maka Yaya Dab at Alden.Apakabilis ng araw at nagaayos na ako para bumalik sa Pinas, kinakabahan at natutuwa ako dahil makikita ko ulit sila mama at kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ng nangyare sa amin ni Brylle, hindi na kami nagusap simula nong umalis ako yung huli niyang text yun nalang talaga.
"Ali ok ka na ba?" napatingin ako kay Tita Adin na handa na rin umuwi kaso saglit lang din siya magbabakasyon lang daw muna siya, sobrang laki ng pasasalamat ko kay Tita dahil siya ang gumabay sa akin habang nagaadjust ako dito. At tinulungan ako makapasok sa iba't ibang trabaho.
"Ahm.. Tita Adin salamat po ah"
"Ano ka ba Ali lagi kang nagpapasalamat, tulong ko na yun tsaka parang anak din kita" umupo siya sa kama at tinulungan ako sa pagaayos ng bagahe.Sa limang taon na panunuluyan ko dito sobrang dami kong naranasan. Sa isang araw mayroon akong 3 trabaho. Bawat oras kasi dito ay bayad at mahalaga kaya hangga't kaya ng oras ko pinapasukan ko.
Sa umaga, pumapasok ako sa isang factory ng mga manok hanggang hapon yun pagkatapos dederetso ako sa resto na kakilala ni tita mga 5 oras ako doon at pagsapit ng gabi bibisitahin ko yung inaalagaan kong matanda. Hindi naman mahirap alagaan si Nanny pero minsan kasi nagwawala siya kaya halos hindi na ako makatulog para bukas.
Sobrang hirap nong simula pero nasanay na rin yung katawan ko at yung sarili ko, sinabihan nga ako ni Tita na parang sampu yung pinapakain ko sa sobrang sipag ko. Pero kailangan ko kasi talaga makapagipon para pagumuwi ako malaki laki yung ipon ko.
At dahil for good na yung pagstay ko sa Pinas maghahanap ulit ako ng trabaho, wala naman akong balak maging citizen ng Canada kahit pilitin ako ni Tita.
"Mae ikaw muna bahala dito ah" pagpapaalala ni Tita sa kasamahan namin sa bahay, mas matanda siya ng tatlong taon sa akin at magkasundo rin kami dahil sabay kami ng oras sa pagpasok sa restaurant. "Oo Auntie, pasalubong ah. Anjan na po ba yung ipapadala ko?" tumango naman si Tita.
"Happy trip Ali, balik ka ah madaming maghahanap" natawa naman ako kasi alam niyang hindi na ako babalik pero gusto talaga niyang bumalik ako at lagi niyang trip akong asarin sa mga foreigners na humahabol sa akin. "Sira! Hahahah ikaw na bahala sa kanila ah" at yinakap niya ako.
"Ali c'cr muna ako ah" tumango naman ako habang nakaupo kami sa airport, nagaabang na kasi kami ng flight pero mukhang delay ata kasi maulan dito. Habang nagaantay nag facebook muna ako, minsan nalang din ako makagamit kasi puro skype lang kami nila mama.
YOU ARE READING
Until We Meet Again (Completed)
Ficción GeneralMagkaroon ng magandang kinabukasan ang isa sa mga pangarap ni Ali San Pedro pagkatapos niya magaral ng college. Pinangako niya na hinding hindi siya madidistract sa college lahat ay nakaplano na, pero nagulo ang planadong buhay ni Ali ng magtagpo an...