Fight

10 0 0
                                    

"Gurl dito tayo sa harapan bilisan mo!" hatak naman sa akin ni Gustin akala mo naman kung kalaking tao kung itulak yung ibang students na hayok na hayok na. My goodness di pa nga start yung pageant ganto na sila paano pa kung magstart na!

Ngayon na kasi yung Mr. And Ms.  UP at itong magaling kong boyfriend hindi manlang sinabi sa akin na kasali kung di pa ako ininfom ng baklang to di ko pa malalaman kaya pala busy siya noong nakaraang araw. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na 'in relationship' na ako. Yung #notodestruction naging #yestodestructionbastasiBryllelang.

Natutuwa din ako na ok kami ni Brylle apakasmooth ng relationship namin give and take kaming dalawa at ang understanding niya pa. Nakakaasar nga at di ko makitaan ng flaws samantalang ako ang dami kaya minsan sinasabi ko sa kanya ok lang kung iwan niya na ako pero bigla nalang siyang magsasabi ng  "hey" nakakatawa talaga.

Halos sumabog yung eardrum ko ng lumabas na yung Alumni na magiging host ng event, grabe naman pala mga students dito. Apakawild naman.

"Ladies and gentlemen let's welcome the contestants for Mr. And Ms. UP 2015!"  bigla namang namatay yung ilaw at nagkaroon ng spotlight sa center ng stage, dumoble yung sigawan ng mga kababaihan kulang nalang pasabugin yung auditorium at ang baklang kasama ko halos himatayin ng makita yung mga lalaking contestants.

Actually, mga babae lang ang may problema dito yung mga lalaki naman kasi kalmado lang except sa mga bakla na sobra rin makatili.

"AHHHHHH anakan mo ko papsie Bryllee!" napatingin naman ako kay Gustin na kala mo kong last na buhay niya na to. Napailing nalang ako at tinignan ang mga contestants, nong rumampa na si Brylle kasama yung partner niya napaawang yung labi ko.

Shit yung panty ko wait baka nalaglag na! Grabe kung gwapo na siya sa paningin ko araw-araw, halos 100x siya ngayon na gwapo parang gusto ko nalang hilain siya at itago sa saya ng nanay ko para walang makakita sa kanya! 

"Hey everyone,  My name is Brylle Jueseff Mersedo 3rd year from Nursing Department"  tapos sabay ngiti na naging dahilan ng tilian ng mga babae, grabe iba yung dating niya. The combo of trouser and jumper on a top with smart shoes and light colored shirt give him ultimate sophistication. Damn casual attire palang pero grabe sobrang perfect niya lalo pa siyang pumuti! Jowa ko ba to or nabulag lang sa akin?! Sana hindi na mauntog utak niya at makipaghiwalay sa akin.

Kung kailangan makipagpatayan sa mga tumitili ngayon gagawin ko, excuse me may laban naman ang ganda ko sa genes ni Brylle kaya di ako nagwoworry. Worry lang ako minsan baka may haliparot talaga na aahas sa kanya pero sobrang trust ko naman sa kaniya at sana di niya sirain yun. 

Naglakad na siya papuntang center stage na may dalang ngiti, yung ngiti niya pagnababadtrip na ako tapos aasarin ako juskopo. Yung lakad niya kala mo kong professional model o baka nagmomodel talaga to di lang sinasabi sa akin!

 "Bakla peram naman ng jowa mo kahit isang oras lang" biglang sabi sa akin ni Gustin, sinamaan ko naman ko siya ng tingin kaya napatawa naman siya. Sabay akbay sa akin ''Apakaselosa mo naman sissy'' bulong niya sa akin at inirapan ko nalang. 

"A pleasant day everyone my name is Shane Floresca, 3rd year from Nursing Department"  napatingin naman na ako sa kasunod niya yung partner pala niya at di ko maitatanggi na maganda siya. She wear an off -shoulder top with linen pants with stiletto heels. Brylle and Shane looks compatible in their casual attire, feel ko sila na mananalo!

After niyang magsalita rumampa sila dalawa ni Brylle at kumapit naman siya kay Brylle at hinawakan naman ni Brylle sa bewang si ghurl. Hmmm ito kaya ang rason kong bakit ayaw niya sabihin sa akin na kasali siya.

"Grabe naman makakapit si Ate gurl kala mo kong aagawan sa kanya si Brylle, taong higad ata to" sabi ni Gustin at natawa ako kasi totoo naman excuse me girlfriend is here.

Until We Meet Again (Completed)Where stories live. Discover now