Chapter Title : I got a serious glaring battle with an old lady
_________________
Umaga pa lang umalis muna ako mula sa hotel para makahanap ng trabaho at ng apartment na matutuluyan na talaga.
Nagkamali ako sa unang impresyon ko dito sa San Sairaya, akala ko ito yung tipong lugar na walang sinumang gagawa ng pinagbabawal. Mali pala ako.
There's no such place here in this harsh world that evils wouldn't take place.
Pero ang tahimik at mukhang payapa ang lugar na ito kahit papano.
Napapansin kong may mga nakakabit ng mga festival decorations sa daanan.
Nabanggit nga pala nila Jack na sa sabado na ang festival nila.Bago ko pa man isipin yang festival yung trabaho ko muna para makahanap na ako ng University na mapapasukan.
Dumaan ako sa isang karinderya kanina, hindi ako nakuha, 'di naman kase ako marunong magluto, sana naman kahit tagahugas ng plato nalang sabi kase ng Ale dapat daw magaling din magluto.
Nakapunta narin ako sa isang convenience store, kumpleto na daw sila sa tauhan.
Napabuntong hininga na lang ako, bigla ko na namang naalala ang phone at pitong libo ko.
Hays...
Saan ko nga ba kase nailagay ang cellphone ko?
Teka?!...
Oo pala nagtitipa ako noon ng mensahe tapos saan ko na nailagay? Potangna naman!
Sa sobrang panlulumo nagawi ang tingin ko sa isang coffee shop. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Nagmadali akong pinark ang kotse malapit dito.
"Excuse me" saka ako napatikhim, masyadong blunt ang boses ko ng dahil sa sore throat. Feeling ko mamaya-maya mawawalan na ako ng boses.
Napatingin naman sa akin ang Barista.
"What coffee flavor will I get for you Ma'am?" Tanong nito sa akin, sandali lang siyang napatingin sa akin saka tinuloy ang pagkokorte ng design sa isang coffee gamit ang milk.
"I won't order, but can I work here?" Walang pag-aalinlangang sabi ko. Narinig kong napatawa ng bahagya ang lalakeng barista.
"If you already had enough staffs, it's okay" kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
May mali ba sa sinabi ko? Ganoon nga ba ang dapat sabihin pag maghahanap ng trabaho? I doubt it now, kanina gaoon lang din ang sinasabi ko palagi nalang akong tinatanggihan 'di ko alam kung totoong dahil kumpleto na ang tauhan nila o nagrarason lang.
BINABASA MO ANG
Please Smile, Maggy
Teen Fiction"If smiling sort of that I should learn to? I think I will learn it eventually" -Magallane Breton *pictures on the cover and are used in this story are a not mine, photo credit to the righful owner*