Chapter 32

2 0 0
                                    

Chapter 32: Bato, Bato, Pik!

*Play 'Wild and Free' by A Rocket to the Moon for this chapter*

______________

"Si Maggy na ba yan?"

Nasa labas palang ako naririnig ko na ang boses ni Percy, hinatid lang ako ni Caleb saka nagpaalaam narin na may importante lang daw siyang pupuntahan.

Pumasok na ako sa bahay. "Nandito na ako" pagkapasok ko. Mabilis na napatakbo si Percy mula sa kusina papunta sa pintuan kung nasaan ako, napatingin ako sa phone ko alas dose na ng madaling hapon bakit nandito silang lahat sa bahay ko? Nandito din si Olly.

"Maggy!"

"You won't believe this" pambungad nila, ang mga lalake naman nakapalibot lang sa sofa sa harapan ng tv habang nakatingin sa amin. "Ang?" Tanong ko. "OMG Mags, pamangkin pala nina Tita Babes at Tita Darling si Caleb?!" Balita ng dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Alam ko..." wika ko sa kanila.

"What?!"

"Kailan mo lang nalaman?" Tanong nilang sabay.

"Kanina lang" hinanap ng mata ko si Creed hanggang sa nakita ko siyang lumabas mula sa kwarto ko, biglang lumakas ang tibok ng puso ko at bahagyang nag-init ang mga pisngi ko ng makita siya.

"Hindi na pala big news kay Maggy"

"Big time si Caleb, maganda kung kasama natin siya sa org."

"Gwapo pa!"

"Hoy kay Maggy na yon"

Patuloy lang nag-iingay ang paligid ko pero mamaya parang hindi ko na sila masyadong naririnig at tanging tibok ng puso ko lang ang namayani. Hanggang sa napansin ko ang isang black na travel bag na ngayong hawak ni Creed.

Hanggang sa napansin kong marami ngang travel bags sa living room.

"Para saan yan?" Takang tanong ko sa kanila.

"Gagawin na natin ang project Mags" ani ni Percy saka na napakabit sa braso ko, hinila kaming dalawa ni Barry saka ko nakita ang dalawang truck, may mga maliliit na box ng solar panel may mga malilit ding mga batteries, mga pagkain din.

"Really?!" Tanong ko sa kanila, parang naging payapa ang pakiramdam ko. Gustong gusto kong sumama sa kanila.

"Ilang araw tayo doon?" Tanong ko sa kanila.

"3 days and 2 nights"

"What?!" Tanong ko. "Gulat ka ba talaga?" Natatawang tanong sa akin ni Percy. Tumango ako. "Paano ang school?" Tanong ko sa kanila. "Support tayo ng school at isa pa tapos na rin naman exam natin sa lahat ng subjects." Sagot sakin ni Barry.

"Paano ang work namin ni Top?" Tanong ko ulit, napayuko ako."Hindi nalang ako sasama." Malungkot kong sambit.

Humagikgik lang ang dalawa na nasa tabi ko habang maraming taong nag-aayos ng mga dadalhin nila para sa project nila.

"Maggy, look. Over there!" Sabi nilang sa akin kaya't ginawa ko naman sinabi nila, nakita ko nalang si Top dala ang apat na malaking sapot.

Please Smile, MaggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon