Chapter Title : Sharks won't eat Hurley
______________
May nahanap na sirang pintuan ng cabin sina Miho at Olly mula sa yate. Masaya pa ang dalawa ng may makita sila.
Ngayon hanggang leeg ang tubig, narito kami sa dagat ni Hurley at nakatingin lang mula sa malayo ang iba.
Kanina pa sila minumura ni Hurley pero wala lang sa kanila.
"Get on first, para matapos na" Hurley states sternly while his brows knitted.
"Akyat na Maggy!" Sigaw nila mula roon, kanina pa nila pinagtatawanan ang itsura ni Hurley na kulang nalang patayin sila sa mga titig nito.
Sana pala talaga nagpatalo na lang ako, di pa sana umabot sa ganito ang kalokohan ng mga tukmol na iyon.
Umakyat na ako sa lumulutang na pinto, nahirapan pa, pag binigla ko ang pagsakay mawawalan ng balanse ang pinto at baka tumaob kasama ako.
"Bilisan mo nga! Ang lamig!" Ani ni Hurley na pinagmamadali ako.
"Gusto mo sigurong matauban?" Naiinis kong tanong sa kaniya "Just shut it! Hintay ka nalang" I continued.
Hinay-hinay akong umakyat muli sa lumulutang na sirang pinto. Ngunit biglang gumalaw ang pinto, nawalan ng balanse kaya malapit na akong mahulog sa dagat, narinig kong napasigaw ang mga naghihintay sa amin mula sa tabing dagat dahil malapit na talaga akong tumaob at mahulog. Nagulat na lamang ako ng mabilis nahawakan ni Hurley ang likod ko dahilan para mabalanse muli ang kahoy.
"Tanga!" At lumayo na ito sa akin.
Nahiya naman ako sa kaniya, sino bang hindi mawawalan ng balanse kung ganito lang kaliit 'tong pinto?
"Then, what's next?!" Pasigaw na tanong ni Hurley.
Ako naman, puno ng pag-iingat na tinitimbang ang sarili. Baka masabihan na naman akong tanga ng mas mukhang tanga.
"Ikaw din, akyat ka na!" Sigaw nila mula sa tabing dagat.
"Ingat, Hurley baka tumaob kayong dalawa ni Maggy" sigaw ni Barry sa amin.
Sumakay na din si Hurley sa pinto na kinapapatungan ko, mas dumoble ang ingat ko upang balansehin ito dahil sa bawat galaw ng pag-akyat niya nawawalan lalo ng balanse ang pintong gawa sa kahoy.
"Can you be more careful?!" Tanong ko dito, magkasalubong ang mga kilay dahil sa inis kay Hurley.
"Will you just shut it off! I am. Alam ko iyon" gumanti din sa akin na nagkasalubong ang kilay na si Hurley madilim dito ngunit dahil sa liwanag ng buwan at nagkikislapang mga bituwin pati narin dahil sa liwanag mula sa yate ay nakikita ko ng maayos ang mukha nito.
Scene like this in movies should now be romantic however this moment is awfully not for me, especially I am with this arrogant.
Nagtatalo na naman kami, palagi nalang kaming nag-aaway ng lalakeng ito, paano ko ba naman matatagalan ang ugali niya.
I admit it fine, siguro ganito din ang nararamdaman ng mga tao dati sa akin kapag kasama nila ako. Napayuko ako sa napagtanto, naiinis parin ako sa sarili ko. And I hate myself more that I noticed someone's flaws were I forgot my own imperfections.
BINABASA MO ANG
Please Smile, Maggy
Teen Fiction"If smiling sort of that I should learn to? I think I will learn it eventually" -Magallane Breton *pictures on the cover and are used in this story are a not mine, photo credit to the righful owner*