Chapter 7

10 2 0
                                    

Chapter title : A bet with a Siberian husky

Chapter title : A bet with a Siberian husky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_________________

Gamit ang van ni tan skin, kasama namin siya ngayon papunta sa lugar kung saan magaganap ang rehearsal. Walang gana lang akong nakaupo habang nagbabangayan na naman ang mga tukmol na kasama ko.

"Sinong pupusta na hindi mananalo si Maggy?" Buwisit talaga 'tong si Jack, bahagya pa nitong tinaas ang kamay para mahinto sila sa pagbabangayan. Pero sa sinabi nito mas lalo nang hindi sila matatapos.

"Pupusta ko buhay mo pag natalo si Maggy" Barry playfully grinned, I was left shaking my head because of this bunch of crackpots.

"Tokneneng mo, bakit buhay ko pa talaga? May buhay ka naman" ganti ni Jack.

"Anong pusta mo Percy?" Tanong muli ni Jack saka tinampal ang kamay nito sa mukha ni Barry para hindi makapagsalita, 'di alintanang kanina pa siya hinahampas ni Barry sa braso.

"Ako? Ibibigay ko ang bahay niyo kay Maggy pag di ka pa tumahimik dyan" Percy answered him and later rolled her eyes.

Nagtawanan naman ang tatlo "Bawal makitira samin" Natatawang anunsyo ni tan skin na nang-aasar "Kami din, walang extrang kama" Nang-asar din si Miho.

"Okay lang walang kama basta may kwarto" Jack answered with a grinned present on his face.

"Pero diba Miho wala na kayong extrang kwarto sa bahay?" Creed asked Miho but obviously he just wanted to teased Jack.

"Mga buwisit kayo!" Jack suddenly yelled.

"JA!" Saway nina Percy at Barry na mistulang nabingi dahil sa pagsigaw ni Jack. Eh nasa magkabilang gilid kase sila ni Jack.

Ako ang nasa pinakadulo sa likod, nasa pangalawang row naman sina Creed at Miho.

Nakarating kami sa isang malaking covered court. Mula sa dulo, sa may harapan ay may stage roon at sa taas nito ay mga nag-gagandanhan at mga matatangkad na babae.

Nung makalabas na kami mula sa sasakyan.

"Ang daming anghel!" Bulalas ni Jack saka hinila sina tan skin at Miho. Si Creed nalang ang naiwang kasama namin, buti pa 'tong si Creed matino.

"Tita Babes" Tawag ni Percy sa isang babae---nang humarap na ito sa amin. Wait, just kidding around. Lalake pala, I mean bakla. Tinawag niya ito nang tuluyan na kaming makaakyat sa stage.

Napansin ko naman ang tatlong bugok na nakikipag-usap sa isang babaeng may kagandahang katawan at syempre maganda.

"Percy!" Tili nito ng makita si Percy nang matapon ang tingin nito kay Barry ay tumili din bahang tinatawag ang pangalan nito. Nakipagbeso siya sa dalawa. I was left standing at the back with Creed, not really sure what to do. Hindi ko alam, tatayo nalang siguro ako dito. He's also delighted to see Creed and he playfully hugged him and even winked at our place where Barry and Percy is already standing next to me.

Please Smile, MaggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon