Unang Kabanata: Ang Pagbisita

24 3 0
                                    

"Lagi kang mag-iingat at unawain mo nang mabuti ang mapang pinadala ng tito mo sa lola mo noon," ang huling sinabi ng nanay ni Ethan sa kanya bago nito ibaba ang telepono.

Sakay ng isang van kasama ang iba pang bumabiyahe, nagtungo si Ethan sa bahay ng kanyang tito nasi Arthur upang maranasan ang buhay sa loob ng kagubatan. Nahirapan siya sa paghahanap habang hawak-hawak ang mapang ibinigay sa kanya ng kanyang ina na kapatid ni Ginoong Arthur. Nagtanong-tanong siya sa mga taong nasa loob ng baryo De Castro at hanggang sa nasilayan niya ang bahay na kasalukuyang tinitirahan ng kanyang tito.
Kinatok niya ang pinto ng bahay ngunit wala niisa ang sumagot sa kanya. May biglang sumulpot na lalaking menor-de-edad sa kanyang likuran at sinabihan siya nito na sundan siya upang matunton niya ang kanyang pakay. Natagpuan ni Ethan si Ginoong Arthur na nakatambay at nangingisda sa tapat ng mababang talon.

Ethan: Magandang umaga ho, kayo ho ba si?
Ginoong Arthur: Bakit ka naparito?
Ethan: Pinapunta ho ako ni Inay Mara dito
Ginoong Arthur: Wala naman akong sinabi na banggitin mo kung sino ang nagpapunta sa iyo dito
Ethan: Pasensya na po. Ang totoo po niyan ay kailangan ko ng lugar pampahingahan.
Ginoong Arthur: Pwes! Mali ang lugar na pinuntahan mo. Umalis ka na bago pa kita hampasin nitong hawak ko.
Ethan: Saglit lang naman ho, Uncle.

Paalis na ang kanyang tito ngunit bigla niya itong kinapitan.

Ethan: Alam ko hong galit kayo kay inay pero huwag naman sanang umabot sa punto na pati kami ay madadamay sa alitan ninyo.
Ginoong Arthur: Sige. Ayos na ba sa iyo ang isang araw?
Ethan: Grabe naman ho.
Ginoong Arthur: Aba! Nagreklamo pa.
Ethan: Tatlong araw at dalawang gabi ho
Ginoong Arthur: Okay.
Ethan: Yes!
Ginoong Arthur: Pero, hindi ko maipapangakong magiging maginhawa ang buhay mo dito. Mahirap manirahan sa mga liblib na lugar. Sobrang hina ng signal dito at laging gulay ang ulam namin. Madalang lang na makakain kami ng karne o isda.
Ethan: Walang problema sa 'kin 'yon
Ginoong Arthur: Sasamahan ka nitong dalawa kong alaga pabalik sa bahay para mailagay mo ang mga gamit mo sa silid-tulugan para sa mga bisita.
Ethan: Maraming salamat po, tito.

Habang pabalik sa bahay, nakausap ni Ethan ang dalawang alaga ni Ginoong Arthur:

Jason: Tutulungan ko na ho kayo sa dala ninyong bag, kuya.
Ethan: Maraming salamat sa tulong mo, pinsan.
Sophia: Saan pa ho kayo nanggaling?
Ethan: Galing pa ako ng Cavite kung saan unang nanirahan ang tatay ninyo.
Jason: Sa totoo lang ho, hindi po talaga kami mga anak ng tito ninyo.
Ethan: Bakit kasama niyo siya?
Sophia: Hinabilin lang kami sa kanya ng dati niyang amo nasi Binibining Elena. Si Ma'am Elena ay dating volunteer sa aming tinutuluyang bahay-ampunan at kaya niya kami ibinigay kay Ginoong Arthur dahil alam niyang mapapabuti ang kalagayan namin sa puder nito.

"Buti pa kayo dahil inalagaan niya kayo kahit hindi niya kayo kaano-ano," bulong ni Ethan.

Sophia: May sinasabi po ba kayo?
Ethan: Huh? Wala naman. Wala naman.
Jason: Kinakausap namin kayo pero hindi pa namin nalalaman ang inyong pangalan. Ano ho ba ang kaugnayan ninyo kay Ginoong Arthur?
Ethan: Ang pangalan ko ay Ethan, anak ng kanyang nakakatandang kapatid.
Jason: Ikinagagalak namin ang 'yong pagbisita sa baryo De Castro. Ang pangalan ko ay Jason.
Sophia: I am Sophia, his younger sister.
Jason: Nasa harap na natin ang bahay ni tatay at tayo'y magsipasok na.
Ethan: Sige

Habang papasok sa loob ng tahanan ni Ginoong Arthur, nakita ni Ethan ang malaking litrato ng isang napakagandang babae sa loob ng living room. Kung bibigyang detalye ang paglalarawan sa itsura nito, maikli ang buhok ng babae, matulis ang ilong, maputi, nagtataglay ng napakagandang mga mata, may saktong kapal ng kilay at ang kulay ng labi nito ay 'kalimbahin'.

Ethan: Sino 'yang nasa litrato?
Sophia: Maganda ba? Siya ay si Binibining Elena na bahagi ng aking pagsasalaysay kanina ukol sa kung paano kami napunta kay Ginoong Arthur.
Ethan: Sobrang ganda
Sophia: Bukod sa pagiging maganda, busilak rin ang pusong taglay ni Ma'am Elena. Lagi siyang nabisita sa bahay-ampunan para iabot ang masasarap na pagkain. Minsan, doon na rin siya natutulog at tinatabihan pa niya ang mga katulad ko. Nararapat lamang na ituring namin siya bilang aming ina.
Ethan: Nasaan na siya ngayon?
Sophia: Matagal na siyang hindi bumabalik dito. Bago siya umalis, inasikaso niyang mapalitan ang pangalan ng may-ari ng bahay sa titulo kaya naging pagmamay-ari ito ni Ginoong Arthur. Hinabilin rin niya sa aming lahat ang mga tanimang sakop ng buong lupain na nakasaad sa titulo.

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon