Ikaapat na Kabanata: Papel

9 3 0
                                    

Napansin ni Ginoong Arthur ang isang bagong tindahan ng mga bulaklak at halaman. Sinubukan niyang pasukin ito upang itanong sa tindero kung nagbebenta sila ng organic fertilizer.

Ginoong Arthur: Magandang umaga po.
Tindero: Good Morning. How can I help you?
Ginoong Arthur: Nagbebenta ho ba kayo ng organic fertilizer?
Tindero: Nako! Naubusan ho kami ng organic fertilizers. May posibilidad na bukas pa ang dating ng supplier.
Ginoong Arthur: Ako'y babalik na lamang sa mga susunod na araw.
Tindero: Sige po, kuya. Walang problema.

Nang tumalikod si Ginoong Arthur, napansin ng tindero ang pangalang nakasulat sa likod ng kanyang band shirt.

Tindero: Arthur ho ba ang inyong pangalan?

Biglang nagulat si Ginoong Arthur sa tanong ng tindero.

Ginoong Arthur: Paano mo nalaman?
Tindero: Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman.
Ginoong Arthur: Ano ba'ng kailangan mo?
Tindero: Naaalala niyo pa ho ba si Binibining Elena?
Ginoong Arthur: Paano mo nakilala ang dati kong amo?
Tindero: Ang nanay ko ay ninang ni Binibining Elena. Noon, madalas niyang bisitahin si nanay. Isang araw, nabanggit niya sa 'min ang 'yong pangalan kaya bigla ko ho kayong natawag kanina.
Ginoong Arthur: Magpahanggang ngayon ba ay bumibisita pa rin siya?
Tindero: Lapit na sa dalawang taon ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik sa bayang 'to.
Ginoong Arthur: Alam niyo ba kung sa'n siya nagtungo?
Tindero: Hindi niya sinabi sa 'min ang pangalan ng lugar na balak niyang puntahan.
Ginoong Arthur: Sayang naman. Pero, salamat pa rin sa impormasyon.
Tindero: Sa akin ang karangalan na makilala ang pinakamabuting kaibigan ni Ma'am Elena.
Ginoong Arthur: Salamat sa papuri.

Nagmamadaling lumabas si Ginoong Arthur mula sa loob ng tindahan. Bigla siyang hinabol ng tindero upang ibigay ang isang maliit na papel.

Tindero: Ginoo!
Ginoong Arthur: May nakalimutan ba ko?
Tindero: Wala naman ho. Gusto ko lang sanang ipaalam sa inyo ang isa pang paraan para mahanap niyo ang kinaroroonan ni Binining Elena.
Ginoong Arthur: Paano?
Tindero: Tawagan niyo na lang s'ya sa pamamagitan ng mga numerong 'to.
Ginoong Arthur: Saan mo nakuha ang mga numerong 'to?
Tindero: Sa lumang record book ni mama.
Ginoong Arthur: Okay. Salamat ulit.

Kitang-kita sa mukha ni Ginoong Arthur ang kanyang pagkasabik na malaman ang kinaroroonan ni Binibining Elena. Itinigil muna ni Ginoong Arthur ang kanyang pagbibisikleta upang katukin ang bahay ng kanyang kaibigan.

Ginoong Arthur: Simon...
Ginoong Simon: Arthur, bigla ka yatang napadalaw.
Ginoong Arthur: May ibibigay lang
Ginoong Simon: Ibibigay?
Ginoong Arthur: Tanggapin mo ang 'yong bahagi mula sa aming kinita.
Ginoong Simon: Nakakahiya man pero kailangan kong tanggapin.

Dahan-dahang napunta sa palad ni Ginoong Simon ang perang nagmula sa kanyang kaibigan.

Ginoong Simon: Maraming salamat, Arthur.
Ginoong Arthur: Walang anuman, pare. Maiwan na kita at ako'y nagugutom na.
Ginoong Simon: Mag-ingat ka, Art.

Paalis na sana si Ginoong Arthur nang biglang sumagi sa kanyang isipan na hiramin ang cellphone ng kanyang kaibigan.

Ginoong Simon: Oh! Bakit bigla kang bumalik? May nakalimutan ka bang sabihin?
Ginoong Arthur: Nakakahiya man pero, maaari ko bang hiramin ang cellphone mo?
Ginoong Simon: Para sa'n?
Ginoong Arthur: Tatawagan ko lang sana ang mga numerong pagmamay-ari ng dati kong amo.
Ginoong Simon: Ayos lang sa 'kin pero hindi ko lang alam kung may natitira pang load sa cellphone na 'yan.
Ginoong Arthur: Sige. Susubukan ko na lang.

Tinuro ni Ginoong Arthur ang simbolo na nagpapahiwatig sa lakas at hina ng signal.

Ginoong Arthur: Buti na lang at maayos ang signal dito.
Ginoong Simon: Oo naman. Nagagawa pa nga ng anak kong makapaglaro ng online games dito, eh.

Sa pamamagitan ng cellphone na hiniram ni Ginoong Arthur, natawagan niya ang mga numerong nakalagay sa papel. Nagsimula na ang pagtunog ng cellphone at agad itong nagbigay ng hudyat na nangangahulugang sinagot na ang tawag.

Tinatawagan: Hello. You're now calling the house maid. How can I help you?
Ginoong Arthur: Magandang tanghali ho. Maaari ko bang makausap si Ma'am Elena?
Tinatawagan: Pasensya na ho sa sasabihin ko pero matagal nang patay si Ma'am Elena.

Nabigla si Ginoong Arthur sa sinabi ng kanyang kausap at agad na pinutol ang linya. Ramdam ni Ginoong Simon na hindi maganda ang narinig ng kanyang kaibigan.

Ginoong Simon: Ayos ka lang ba? Minura ka ba? Inaway ka ba?
Ginoong Arthur: Salamat sa pagpapahiram.

Binalik na ni Ginoong Arthur ang cellphone sa kanyang kaibigan at lumisan nang walang pagpapaalam.

Ginoong Simon: Hoy! Bakit bigla kang umalis?

Dulot ng kalungkutan, hindi na nasagot ni Ginoong Arthur ang huling tanong na nagmula sa kanyang kaibigan. Naabutan ni Ginoong Arthur ang pagsasanay ang tatlong kasama niya sa bahay.

Sophia: Tatay Art, may nangyari ho ba?
Jason: May dapat ba kaming malaman?

Diretsong nagtungo sa Ginoong Arthur sa loob ng kanyang silid. Dahil sa pag-aalala, agad na sinundan ni Ethan ang kanyang tito.
Nabigong buksan ni Ethan ang pintuan ng silid kaya nagawa niyang bumalik sa labas upang hingan ng tulong ang dalawa.

Ethan: Ilang beses kong kinatok ang silid ng tatay niyo at hindi siya sumasagot.
Jason: Tinanong nga namin 'sya pero niisang tugon, wala kaming natanggap.
Sophia: Hayaan niyo na lang muna si tatay Art.
Ethan: May problema ba ang tatay niyo?
Jason: Madalas kasing tamaan ng matinding pagod si tatay.
Ethan: Sigurado ka?
Jason: Oo naman. Madalas mangyari kay tatay na bigla na lang siyang hihilata gawa ng kanyang hanapbuhay.
Sophia: Mamaya niyo na nga pag-usapan 'yan. Kailangan pa nating magsanay.
Ethan: Sige. Balik tayo sa huling bahagi ng awit.

Habang nagsasanay, biglang naalala ni Sophia na hindi pa kumakain ng tanghalian ang kanyang tatay. Pinuntahan nila ang likuran ng bahay upang malaman kung bukas ba ang bintana ng silid ni Ginoong Arthur. Nakabukas ang bintana ng silid kaya nagawa nilang ipatong sa mesang nasa loob nito ang platong pinaglalagyan ng ulam at kanin. Nailagay rin nila sa mesa ang isang basong naglalaman ng tubig. Hindi pinansin ni Ginoong Arthur ang nakahain at kinuha na lamang ang baso ng tubig upang uminom. Napansin niya ang isang munting papel na nakadikit sa ilalim ng baso. Nakasaad sa papel ang mga tekstong isinulat ng kanyang anak.

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon