Ikatlong Kabanata: Iiwasan

10 3 0
                                    

Isang araw at isang gabing paninirahan na ang inabot ni Ethan sa bahay ni Ginoong Arthur. Dahil sa pagod, nahirapang bumangon mula sa hinihigaan si Ethan.
Hindi inaasahan ni Ethan ang biglang gagambala sa kanyang pandinig. Biglang binuksan ni Sophia ang dala-dala niyang radyo at pinasok ang silid ni Ethan. Inilapit niya nang kaunti ang radyo sa tainga ni Ethan na nagdulot upang magulat at magising ang binata.

Ethan: Hala! Ano 'yon?!

Natawa si Sophia sa reaksiyong ipinakita ni Ethan.

Sophia: Totoo nga ang kuwento ni tito na noong bata ka pa lang ay napakamagugulatin mo na at gano'n ka pa rin magpahanggang ngayon.
Ethan: Hindi naman sa pagiging magugulatin. Sadyang napakalakas lang ng tunog na narinig ko mula sa 'yong radyo.
Sophia: Itigil mo na 'yang pagpapaliwanag mo at bumangon ka na diyan.

Nagtungo na sa silid-kainan ang dalawa habang inaabangan naman sila nina Ginoong Arthur at Jason.

Ginoong Arthur: Maganda ba ang naging gising mo?
Jason: O maganda ang gumising sayo?
Ethan: Pwede bang 'parehas'?
Ginoong Arthur: Tsk. Tsk. Tsk. Tsk.
Jason: Mukhang mapapauwi nang maaga ang isa dito.

Dahil sa biro ni Jason, biglang tinakpan ni Ethan ang kanyang bibig at humingi ng patawad samantalang napailag naman ng tingin si Sophia na tila ba kinikilig sa tanong ng kanilang bisita.

Jason: Ethan, biro lang 'yon.
Ginoong Arthur: That's enough. Kailangan na nating kumain at may pupuntahan pa tayong tindahan sa bayan mamaya. Pagkatapos nating kumain, isa-isa na tayong maliligo. Ang unang gagamit ng banyo ay si Ethan. Sophia, ikaw ang huling maliligo dahil may kailangan ka pang asikasuhin.
Sophia: Ako?
Ginoong Arthur: May iba pa bang Sophia sa loob ng bahay na 'to?
Sophia: Siguro, balak niyong ipahanda sa akin ang mga bisikleta.

Natuwa si Jason dahil hindi siya ang inatasang maglinis ng mga bisikleta.

Sophia: Napakayabang mo naman, kuya.
Jason: Sundin mo na lang kasi si tatay at itigil mo na 'yang drama mo.
Sophia: Okay.

Tuluyan nang nagpakita ang liwanag ng araw sa silangang bahagi ng kalangitan at ito'y magsisilbing senyales upang sila'y lumisan na. Nakahanda na ang bawat isa at iniabot na ni Ginoong Arthur ang kanya-kanya nilang proteksiyon.

Ginoong Arthur: Sophia, ayos lang ba kung ladies city bike muna ang gagamitin mo?
Sophia: Napakabagal naman niyang bisikleta na 'yan.
Ginoong Arthur: Ipapagamit ko muna 'tong mountain bike mo sa bisita natin.
Jason: Masnakakaakit namang tignan kung ikaw ang gagamit niyan.
Sophia: Sige na nga.
Ethan: Ayos lang naman ho sa akin kung ako ang gagamit ng japanese bike.
Sophia: Yes!
Jason: Nakakabawas ng ganda 'yang pagdadamot mo, Sophia.
Sophia: Okay.
Ethan: Para sa akin, masmaangas tignan ang mga babaeng gumagamit ng mountain bike.

Muling nagpakita ng kakaibang ngiti si Sophia gawa ng sinabi ni Ethan.

Ginoong Arthur: Tama na nga 'yang pagpapakilig niyo at aalis na tayo.

Naglakbay sila patungo sa bayan ng Bagong Sibol gamit ang kanilang mga bisikleta. Ang mga bisikletang ito ay katas ng pagsisikap noon ni Ginoong Arthur. Sa pamamagitan ng mga perang natatanggap niya mula sa mga nagpapagawa ng interior drawing, nagkaroon siya ng mga bisikletang maaari niyang gamitin para sa transportasyon. Kapag may tira naman sa sahod na kanyang natatanggap mula kay Binibining Elena, iniipon niya ito. Nang mapuno ang laman ng kanyang alkansya, pinambili niya ito ng bagong gitara.
Huminto sila sa harap ng isang tindahang katabi ng karinderya. Tinanggal na ni Ethan ang kahong nakakabit sa likuran ng kanyang bisikleta at iniabot ito kay Ginoong Lacson na sumalubong sa kanila.

Ginoong Lacson: Magandang umaga sa inyo. Buti na lang at nasabihan ka kaagad ni Simon tungkol sa bago naming negosyo.
Ginoong Arthur: Mahina kasi ang signal sa loob ng baryo de Castro kaya hirap akong kamustahin ka. Laking pasasalamat ko kay Simon dahil binalitaan niya ko.
Ginoong Lacson: Noong huling kain niya sa karinderyang katabi ng bahay namin, sinabihan ko siya tungkol sa plano ko at mga kailangan namin.
Ginoong Arthur: Pasensya ka na kung hindi na kita gaanong nakakausap o napupuntahan.
Ginoong Lacson: Walang problema sa 'kin 'yon. Pero, sino ba 'yang bagong miyembro ninyo?
Ginoong Arthur: Siya ay isa sa aking mga pamangkin na inaalagaan ko noon. Ang pangalan niya ay Ethan.

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon