Ikaanim na Kabanata: Hindi Inaasahan

16 2 0
                                    

Bago pa makarating si Ginoong Arthur sa lokasyon ng pagdiriwang, nakapagtanghal na ang banda sa panimulang bahagi ng programa.

Julia: Pia, I need you help.
Sophia: Bakit? May nangyari ba?
Julia: Wala namang masamang nangyari. Kaso lang, gawa ng traffic, hindi na makakarating ang Sibol Dance Troupe na inimbitahan ng aking kapatid. Kailangan lang namin ng hahalili sa unang bahagi ng programa. Magiging patay ang panimula kung walang bubuhay sa dugo ng mga bisita.
Sophia: Wala namang problema kung kami ang papalit. Kaso, hindi pa namin sukat kung kakasya ba ang mga kantang hinanda namin.
Julia: Basta, itabi niyo lang ang isang piyesa. Mamaya pa naman ang dating ni ate Mae.
Sophia: Nasa'n na ba s'ya?
Julia: Bumabiyahe pa lang.
Sophia: Kaya naman pala.
Julia: She's not informed about this occassion. Sinabay lang namin ang surpresa sa araw ng pagbibigay parangal.
Sophia: Ah! Kaya naman pala napansin kong may suot na medalyon ang ilan sa mga bisita.
Julia: That's right. Awarding ceremony is part of the tradition here in Dakong Liwanag Resort. This event is dedicated for those employees who work hard and offer their loyalty in serving the nature and humanity.
Sophia: Nakakamangha namang malaman kung pa'no itinaguyod ng dating may-ari ang buong resort.
Julia: Now, you know.

Sumingit sa usapan ang isang event managing personnel na nagngangalang Elisa.

Elisa: Excuse me, Ma'am Julia.
Julia: Bakit?
Elisa: Kakatapos lang ho ng opening remarks. Kailangan ko na sanang isalang ang bandang 'Homeless Sound' para naman mabuhayan ang audience natin.
Julia: Okay. Guys, are you ready?
members of Homeless Sound: Yes! We're always ready.

Natulala ang mga tao nang lumabas ang banda mula sa backstage. Kung ikaw ay bahagi ng madla sa loob ng event center, maririnig mo ang mga usapang tungkol sa ganda at kahuma-humaling na katangiang taglay ng bawat musikerong nakatayo sa entablado.

Host on 🎤: Mga kapatid, bigyan ng masigabong palakpakan ang mga magtatanghal sa gabing ito. They are the 'Homeless Sound'.
Audience: 'Yon! Oh!

Ang pamagat ng unang kanta na kanilang ginamit ay 'Kahit Pa' mula sa bandang 'Hale'. Si Ginoong Arthur talaga ang may pakana ng pagkahilig ni Sophia at Jason sa mga lumang banda. Pinapatunayan lang ng kuwento na 'ang pagkahumaling sa musika ay walang pinipiling edad o eksaktong panahon'.
Sa totoo lang, mas-okay nga namang pakinggan at alamin ang mensahe ng mga dating awit kung ikukumpara sa mga bagong 'albums made by trying hard solo artists of the new generation'. Kasalanan 'yan ng mga talent agencies na bumabase lang naman sa itsura at hindi sa talento. Lagi nilang idinadahilan na ang talento ay natututunan pero ang taglay na kagandahan ay hindi. Dahil sa kanilang katwiran, matindi ang pagtitiis na dinaranas ng mga sound engineer. Isama mo pa rito ang mga nagmumultong manunulat ng kanta na tinatapakan para lang makuha ang orihinal na piyesang pagmamay-ari nila.
Sa tingin mo, ano ba talaga ang tunay na tinatangkilik ng mga Pilipino? Ang kakayahan ba ng artista o ang artista?
Pero, bakit ko nga ba sila binabatikos?
Nako! Mukhang nakalimutan ko na yatang bumalik sa pagsasalaysay.

Jason on 🎤: Di ko man hawak ang panahon🎶 Maging ang ikot ng buhay🎶 Basta't ikaw at ikaw pa rin🎶 Ikaw at ikaw pa rin🎶🎶

Iyan ay mga linya mula sa bridge part ng awit. Napakaganda 'di ba? Ipinapahiwatig ng bahaging 'yan na kahit walang anumang pagmamay-ari o maipagmamalaki ang taong tunay na nagmamahal sayo, pipiliin at pipiliin ka pa rin niya.
Dagdag kaalaman lang ho sa mga taong 'di pa nakikilala ang bandang 'Hale', 'The Day You Said Goodnight' at 'Kung Wala Ka' ay dalawa lamang sa mga kantang pinasikat nila.
Ngayon, balikan naman natin ang kalagayan ng banda sa entablado. Mapapansing hindi si Sophia ang kumakanta kahit na siya pa ang vocalist ng banda. Mas-akma kasi ang boses ni Jason sa chords, tone at mood ng liriko. Kaya, ang babaeng miyembro muna ang kasalukuyang gumagamit ng acoustic guitar. Kung susuriin, tanging si Ethan lamang ang nanatili sa kanyang posisyon at ito ay ang pagtugtog sa pamamagitan ng paghampas sa snare at bass ng beatbox.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon