Ikalawang Kabanata: Pag-ibig at Musika

16 3 0
                                    

"English Proficiency," ang basa ni Ethan sa pamagat na makikita sa unang pahina ng libro. Lumapit siya kay Ginoong Arthur at nagtanong tungkol sa libro na kanyang kinuha.

Ethan: Kaya pala hindi ko mahanap-hanap ang librong ito sa bahay.

Tumingin si Ginoong Arthur sa librong hinahawakan ni Ethan.

Ginoong Arthur: Dinala ko 'yan para kahit papaano ay may hawak akong patunay na nag-aral ako noon ng vocational course na English Proficiency.
Ethan: Nakita ko rin po ang mga planong ginawa niyo. Masmaganda sila kumpara sa dating ginuguhit ninyo.
Ginoong Arthur: Ang mga nakita mo ay ilan lamang sa mga naitabi kong kopya ng proyekto noong ako'y napasok pa sa training center.
Ethan: Hindi talaga mawawala sa inyo ang kakayahang gumuhit ng mga disenyo.
Ginoong Arthur: Maraming beses na rin na huminto ako sa pagguhit at nagbalak na iwanan ang larangang ito para tutukan ang aking mga responsibilidad. Napakapalad na lang kung may natitira pang panahon para bigyang oras ang sining.
Ethan: Bakit niyo ho sinubukang huminto sa paggawa ng mga obra?
Ginoong Arthur: Madalang ang kita sa larangan ng sining. Kung magkakaroon ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, hindi ko na itutuloy ang pagkuha sa kursong 'Sining at Disenyo' at iibahin ko ang landas na aking tatahakin.
Ethan: Iba kasi talaga ang turing ng ating pamahalaan sa larangan ng sining.
Ginoong Arthur: Sa sobrang pagmamahal ko sa larangang tinatahak ko noon, nakalimutan ko na ang aking sarili. Dumating sa punto na nilalabhan ko nang paulit-ulit ang kaunting bilang ng aking mga saluwal at pantalon para lang may masuot sa kada araw na papasok ako sa 3D printing shop. Lagi kasing napupunta sa pambili ng gamit pangguhit at pangpinta ang mga perang iniaabot sa akin.
Ethan: Tito, ayos na ho ata ang niluluto niyong isda.
Ginoong Arthur: Luto na pala ang mga isda. Kumuha ka na ng mga plato, kutsara at tinidor. Ilagay ang mga ito sa mesang matatagpuan sa gitna ng silid-kainan. Matapos mong sundin ang unang pinapagawa ko, kunin mo ang pitsel ng tubig mula sa mini-refrigerator.
Ethan: Opo
Ginoong Arthur: Maraming salamat sa tulong mo, pamangkin. Tatawagin ko lang sina Jason at Sophia.
Ethan: Sige po.

Nagtungo si Ginoong Arthur sa likod ng bahay kung saan matatagpuan ang mini-greenhouse na naglalaman ng kanilang mga tanim. Naabutan niyang naglalaro ng basketball sa tabi nito sina Jason at Sophia.

Ginoong Arthur: Pumasok na kayo at tayo'y kakain na.
Jason at Sophia: Sige po.

Nakabukas na ang mga ilaw sa loob ng bahay at pinangunahan na ni Ethan ang pagdadasal para sa hingan ng basbas ang mga nakahaing pagkain sa mesa.

Ethan: Panginoon naming Diyos, basbasan niyo po ang pagkain na matatagpuan sa aming harapan. Bigyan niyo ho ng lakas ang aming mga pangangatawan sa pamamagitan ng mga ito. Maraming salamat sa biyayang ito.
Lahat: Amen.
Sophia: Yehey! Kakain na tayo.

Lumipas ang ilang minuto at naubos na ang nakahaing ulam at kanin.

Ginoong Arthur: Pasensya ka na kung kaunti lang ang nakahain.
Sophia: Masaya na kami sa kung ano ang mayroon at hindi naman sa nagtitipid, iniiwasan lang namin na may matirang pagkain sabay masasayang lang kinabukasan dulot ng pagkapanis nito.
Ethan: Ayos lang 'yon. Dapat nga ay ako ang humingi ng pasensya dahil wala man lang akong dalang pasalubong.
Ginoong Arthur: Hindi ka naman balikbayan para hingian ng pasalubong.

Natawa ang tatlo gawa ng sinabi ni Ginoong Arthur.

Ethan: Huwag kayong mag-alala dahil makakabawi rin ako sa kabutihang pinapakita ninyo. Pagkatapos nating ihatid ang mga kailangan ni Ginoong Lacson bukas, magpapasama ako sa inyo para libutin ang bayang matatagpuan sa labas ng baryong ito.
Sophia: Yes!

Sinadyang umubo ni Jason dahil nalalaman nitong may pagtingin si Sophia kay Ethan. Tinignan nang masama ni Sophia si Jason. "Paalala ko lang, ilang araw lang ang bisita natin dito," bulong ni Ginoong Arthur.

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon