Ikalimang Kabanata: Maligayang Pagsalubong

7 2 0
                                    

Maagang umalis ang tatlong miyembro ng bandang 'Homeless Sound' upang suriin at subukang tumugtog sa lokasyon ng pagdiriwang. Dulot ng pangamba na sila'y makaabala, hindi na nila kinatok pa ang silid upang ayain si Ginoong Arthur na sumama patungo sa resort. Nilisan nila ang bahay nang hindi nalalaman ang ugat ng mga negatibong emosyon na ipinapakita ng pangunahing karakter.

Habang naglalakad patungo sa labasan ng baryo De Castro, tinatawagan na ni Sophia ang mga numerong pagmamay-ari ng kanyang kaklase. Nasagap lamang ng cellphone ang masmalakas na signal nang palapit na sila sa isang waiting shed.

Sa pamamagitan ng pagtawag, malalaman ni Julia kung kailan niya susunduin ang mga musikero. Pagkalipas ng sampung minuto, dumating na ang kotse ng dating kamag-aral ni Sophia.

Julia: Pia, pakilagay na lang sa likuran ng kotse ang inyong mga dalahin.
Sophia: Sige-sige.

Matapos ilagay ng magkakabanda ang mga instrumento sa likod ng kotse, pumasok na sila sa loob nito at sinimulan na ni Julia ang pagmamaneho. Upang bigyang ligaya at alisin ang katahimikan ng bawat isa, si Julia ay nakipag-usap sa kanila nang may kasamang pagbibiro.

Julia: Hindi naman halata sa ganda ng band shirts niyo na handang-handa kayo para mamaya.
Sophia: Pakana 'to ni tatay Art, eh.
Julia: Pero, bakit hindi siya sumama? Abala na naman ba siya sa pagtatanim?
Jason: Wala naman siyang aasikasuhing mga halaman ngayon. Sadyang masama lang ang kanyang pakiramdam kaya hindi niya magagawang sumama sa pagdiriwang.
Julia: Ah... Eh, sino naman 'yang bagong miyembro ng banda niyo?

Nagulat si Ethan nang tapikin siya ni Sophia. Abala kasi ang binata sa pagmumuni-muni habang tinitignan ang mga nakakamanghang puno't halaman mula sa labas kotse.

Sophia: Hoy! Magpakilala ka naman.
Ethan: Huh?
Sophia: Tulog pa ba 'yang diwa mo o sadyang nagbibingi-bingian ka lang?

Napatakip si Jason sa kanyang bibig upang pigilan ang pagtawang dinulot ng pagpapakitang tapang ni Sophia.

Ethan: Okay-okay. Gagawin ko na.

Tila naging pambabae ang boses ni Ethan nang siya'y magpakilala. Ito ay paraan lamang niya upang mapatawa ang mga taong nasa loob ng sasakyan.

Ethan: Good afternoon. My name is Ethan Villaluis, an aspiring candidate from the province of Cavite.

Biglang hinampas ni Sophia ang noo ng binata dahil sa paraan ng pagpapakilala nito.

Sophia: Parang ewan.
Julia: Kamag-anak niyo ba siya o malapit na kaibigan?
Sophia: Si Ethan ay pamangkin ng tatay namin.
Julia: Wala ka namang nabanggit sa 'kin na may pinsan kayo ni Jason.
Sophia: Alalahanin mong hindi namin kadugo ang taong sumalo sa responsibilidad na alagaan at ingatan kami.
Julia: Ah... Naiintindihan ko na.

Napansin ni Sophia ang pagkabahalang nagmumula sa mukha ni Ethan.

Sophia: Ethan, ayos ka lang ba?
Jason: Ano bang sinisilip mo diyan?
Ethan: Nakakapagtaka lang na hindi natin dinaanan ang ruta ng van na aking sinakyan kahapon.
Julia: Masgusto ko kasi ang daanang ito kumpara sa kabilang kalye. Maraming pampublikong sasakyan ang makakasabay mo kung hindi ka dadaan dito.
Ethan: Kaya pala.

Namangha si Ethan nang masilayan niya ang ganda ng dagat sa gilid ng kalyeng dinadaanan ng kotseng sinasakyan nila.

Ethan: Wow!
Julia: Hindi mo pa ba nakikita 'yan?
Ethan: Nakakadalawang araw pa lang kasi ako sa pananatili dito.
Julia: Hindi ka pa ba sinasamahan ni Sophia at Jason na libutin ang buong probinsya ng Solomon?
Sophia: Sinasamahan naman namin siya pero hindi pa kami nakakaabot dito.
Jason: Parang hindi mo naman kilala ang tatay namin, Julia. Kinakailangan pa na magkaroon kami ng magandang rason para samahan niya kami.
Julia: Mabuti na lang at inaya ko kayo na tumugtog sa kaarawan ng pinsan ko. Tamang-tama sa panahong bumisita sa ating probinsya ang pamangkin ni Ginoong Arthur.
Jason: Maaari ba naming malaman ang pangalan ng pinsan mo?
Julia: Siya ay si ate Mae, ang bagong may-ari ng Dakong Liwanag Resort. Ipinamana sa kanya ang mga negosyong naitaguyod ni tita Elena na kakamatay lang noong nakaraang buwan.
Ethan: Elena?
Sophia: Itigil mo nga 'yang iniisip mo, Ethan. Baka ibang Elena naman ang tinutukoy ni Julia.
Ethan: Sabagay, marami namang magulang na hilig ibigay sa kanilang anak ang pangalang 'Elena.
Julia: Namatay ang nanay ng nakakatanda kong pinsan sa edad na 60. Huli na nang malaman ni ate Mae na may bronchopneumonia ang nanay niya.
Sophia: Nakakalungkot naman pala ang nangyari sa buhay ni ate Mae.
Julia: Unti-unti naman niyang natanggap ang pagkamatay ng kanyang ina at muling sumabay sa agos ng buhay.

10 Kautusan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon