Kabanata 1
IntroHi! I'm Fraushell Xhinia Miller, Yes medyo ang arte ng pangalan ko pero kabaliktaran naman iyon ng aking ugali. 25 years old na ako and isa akong part-time vlogger. Kung paminsan-minsan ay nagtratrabaho ako bilang isang model sa isang sikat at kilalang company. I'm half british and half filipino at masasabi kong sobrang tangkad ko kaya bagay sa akin ang pagmomodelo. Si dad ang british at si mom naman ang filipino.
Tulad ng iba wala akong boyfriend, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa mga kuya ko. Sabi nila kaloka-like ko daw yung isang artist sa hollywood. But, I refused to.
Maraming nagkakagusto sa akin, at maraming nagsasabi na maganda raw ako and di ko naman nakikita na maganda ako. Every boy na umaaligid sa akin ay binubusted ko.
I have my three brothers at lahat sila ay super strict. My three brothers are;
Archie: 29 years old
Wala pang girlfriend at mahilig makipag-bonding sa akin. Pinakahate ko sa lahat dahil kunting tingin ko lang sa mga kaklase kong lalaki dati nung nag-aaral pa lang ako ay sobrang galit niya sa akin at lagi niya akong pinagsasabihan. Matikas ang katawan at sobrang gwapo niya and mahilig sa sports. Laging nakatayo yung buhok niya at halata ang panga nito ngunit bagay sa itsura niya. Trabaho niya ay Engineer at tawag niya sa akin ay Shell.Dane: 28 years old
May girlfriend na pero nakiki-fling pa rin sa iba. Pinakalove ko sa lahat ng brothers ko. Gwapo rin tulad ng kuya Archie at mahilig siya sa music and he loves dancing. Si kuya Dane at ako lang ang may blue eyes. Ang tangos ng ilong at hubog rin ang panga nito. May dimples din ito at kulot ang buhok nito na siyang nagpapa-aliwalas ng mukha niya. Isa siyang Doctor at tawag niya sa akin ay Hinia.Mellan: 27 years old
Wala pang girlfriend pero may ka-MU. Di ko masyadong nakakausap pero sobrang strict niya sa akin lalo na sa pananamit ko. 50% handsome and 50% cute kaya lahat ng girls ay napapatingin sa amin kapag kasama ko siya sa market. May brown eyes siya at siya ang may pinaka-makapal na eyebrow sa aming magkakapatid. Isa siyang Pilot at tawag niya sa akin ay Fraux.Tama kayo, iba-iba ang tawag sa akin ng mga kuya ko. Shell, Hinia, at Fraux and lahat ng iyon ay pangalan ng iisang tao lang. And that's me!
Isa lang ang gusto ko sa isang lalaki and these are my few standards;
Gusto ko may dimples tulad ng kuya Mellan ko. Laging nakikipag-bonding sa akin tulad ng kuya Archie ko. Mahilig dapat siya sa music tulad ng kuya Dane ko. Mahilig magluto tulad ko. Gusto ko maalalahanin tulad ng daddy ko na laging tumaawag sa akin every time na may break sila sa work. Maalam sa pagbubudget tulad ng mommy ko.
Parang mga katangian lang din ng mga magulang ko ang standard ko sa isang lalaki. Gusto lahat ng katangian ng mga magulang ko ay nasa iisang lalaki lang.
Ang mom ko ay nasa Saudi at ang dad ko naman ay nasa US. Hiwalay na sila at may sari-sarili na rin silang mga pamilya. Pareho silang nagtratrabaho at nagbibigay ng financial support sa aming apat na magkakapatid. Kaya sobra na lang ang pagka-strict ng tatlo kong kuya dahil sila na lang ang nag-aalaga sa akin.
Hindi na lang ako umiimik kapag pinapagalitan ako ng mga kuya ko. Pero ayos lang at least nadidisiplina nila ako.
"Shell!" pagtawag ni kuya Archie.
"Bakit po kuya?"
"Halika ka nga rito sa baba, ano tong naririnig ko sa labas!"
"Sandali lang po kuya, baba lang po ako sa hagdanan" pagmamadali ko.
"Dalian mo Hinia! Ang bagal-bagal naman eh!" galit na sigaw ni kuya Dane.
"Fraux halika ka na dito sa baba ang tagal mo naman diyan ano bang ginagawa mo?"
"Here I am mga kuya's" bungad ko sa kanila at umupo na sa hapag-kainan katabi ni kuya Dane.
"Shell! Totoo ba tong naririnig ko sa labas na may humatid daw sa'yo kagabi dito sa bahay?" ma-awtoridad nitong tanong.
"Kuya I'm here lang oh, no need pang taasan yung boses mo pag tinatawag ako"
"Nagpapalusot yang si Fraux!" ani kuya Mellan.
"Tama na nga yan, mas mabuti pang kumain na lang tayo" sabi ni kuya Dane.
"Thanks kuya Dane" I hugged him kasi siya lang ang kakampi ko sa lahat ng mga kuya ko.
"Ikaw" tinuro ako sa mukha ni kuya Dane at muling nagsalita, "Sino ba 'tong sinasabi nilang lalaki?" Tanong nito sa akin.
"Mga kuya's ganito kasi yun, yung lalaki na sinasabi ng mga chismosa nating mga kapit-bahay dyan sa labas, yun yung lalaking nakasabay ko lang at ang totoo ay yung anak nung isa nating kapit-bahay ang hinatid nung lalaki. Napagkamalan lang ako yung hinatid kasi pareho kami ng damit" pag-lilinaw ko sa kanilang tatlo.
"Oh tignan niyo na, mabait talaga at masunurin ang kapatid nating si Shell" pag-mamalaki ni kuya Archie na kanina lang ay sobra ang paghihinala nito sa akin.
Napailing na lang ako at sinimulan ko ng kainin ang aking pagkain. As usual, isang fried egg at hotdog ang pagkain namin with matching fried rice. Super sarap!
After 30 mins na pagkwekwentuhan at pagkain ay tumungo na ako sa kusina upang maghugas. My alarm is ringing and guess what? Si kuya Archie na kanina na pinagmamalaki ako ay bigla nanamang naghinala.
Kinuha niya yung phone ko at tinignan niya kaagad kung bakit nag-ring yung phone ko.
"Ay kala ko may tumatawag" ani kuya Archie habang kinakamot nito ang kaliwang bahagi ng ulo nito.
"Kuya kasi pinakialaman mo na naman yung phone ko" pagmamaktol ko.
"Sige na aalis na po ako ako" mabilis kong hinablot yung phone ko sa kaniya.
"Mga kuya aalis na po ako!" Pamamaalam ko sa mga kuya ko.
"Hep! Sandali lang" ani kuya Mellan at muling nagsalita," ano yang suot mo? Sobrang iks-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang binilisan ko na ang paglalakad at umalis na ng bahay.
Ang huli ko lang nakita ay napailing nalang sila kuya Archie at kuya Dane kay kuya Mellan.
Dami kong kuya!
📚This is the first chapter 📙of my story hope you'll support and share this story to your friends. Thankieee❤️ God bless😇 Mwah 💋
BINABASA MO ANG
Red Desire
RomanceDisclaimer: All pictures in this story are not mine. I'm not intentionally steal nor despoil any of them... Copy right to the owners😘 Names, Places, and other Events and Circumstances are just fictional and it's not related to reality🥰 Warning ⚠️...