Kabanata Nuebe

3 0 0
                                    

Kabanata 9
Birthday Girl

Nagising akong wala na si kuya sa sofa. Nag-toothbrush ako at buti na lang ay may extra toothbrush si kuya Dane. Ngayon lang uli ako nakapunta sa room ng kuya ko. Dati naman kasi nung mga bata pa kami ay sabay kaming natutulog hanggang sa nagkaroon ako ng menstration at saktong sa bedsheet pa ni kuya Dane ako nakatagos.

Lumabas na ako ng kwarto at saka bumaba ng mapagtantong wala sila dito. Tumungo ako sa kusina ngunit wala sila doon. Umupo na lang ako sa sala at pinagmasdan ang mga litrato na naka-display sa gilid ng lamesahan. Pinagmasdan ko rin ang buong paligid. Hundi pa rin ito nagbabago, malaki pa rin at parang kagagawa lang ito. Bagong-bago rin ang mga kagamitan na animo'y hindi nagagamit.

Dito ako unang umiyak. Dito ko unang nasubukan minahal, pagmamahal ng mga magulang kong walang kapantay. Dito ko rin naramdaman na kahit ako lang ang babae sa aming magkakapatid ay mahal na mahal ako ng mga kuya ko na para bang hindi ako iba sa kanila.

Let's say na nainis ako nung unang nagkaroon ng love-life si kuya Dane. Maganda at mabait ang gf ni kuya. Nung una hindi ko siya tanggap pero nung naglaon ay parang ate na rin ang turing ko sa kaniya. Nag-tratrabaho siya sa Canada bilang isang nurse at sabi niya ay itutuloy niya daw ang kaniyang pag-aaral upang maging isang Doctor.

Kay kuya Mellan hindi ako nainis nung nagkaroon siya ng ka-MU. Ayos lang yun sa akin dahil papalit-palit naman si kuya Mellan ng ka-MU kaya feeling ko para sa kaniya pang-isang lingguhan lang ang mga babae sa kaniya. At ang kuya Archie naman as usual strikto pa rin. Hays!

Naiinip na ako kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa labas ng bahay. Tinext ko muna si direct na mag-daday off muna ako ngayon. Si Paris naman ay hindi pa tumatawag sa akin simula kahapon.

"Surprise!" Ani ng mga tatlo kung kuya. Ano nga bang meron ngayon? Ay oo birthday ko pala ngayon, sobra na talaga akong makalilimutin.

"Buti na man at hindi niyo nakalimutan mga kuya" sabay hugged sa tatlo kong kuya.

Minsan nga napapaisip ako kung kapatid talaga nila ako, kasi ako lang ang nahiwalay ng kaarawan. Bukas ay birthday ng tatlong kuya ko. Same date kung kailan sila pinanganak. At isang taon lang ang pagitan nilang tatlo. Kahit isang taon lang ang pagitan nilang tatlo, ang tawag pa rin ng kuya Mellan at kuya Dane ko kay kuya Archie ay kuya.

"26 na ang nag-iisang princesa namin" ani ni kuya Mellan.

"Basta huwag mong kalilimutan yung birthday namin Shell ah, sama mo na rin yung regalo ko kahit huwag mo ng bigyan 'tong dalawang kuya mo" sabay turo sa dalawang kuya ko.

Para talagang bata si kuya Archie. Kahit siya ang pinaka-matanda sa amin ay isip bata pa rin.

"Oh tara na kumain tayo sa labas, sagot ko" ani kuya Dane. Nagpalit ako saglit at saka na kami umalis ng bahay. Super saya ko!

Hay, ngayon ko lang uli makakasama ang mga kuya ko. Buti na lang at saktong nag- day off ako. Kapalaran nga talaga! Speaking of kapalaran, nakita ko si Paris na nasa dulo at may kasamang babae. Ayaw ko siyang puntahan lalo na't andito ang mga kuya ko.

Dito kami kumain sa isang fancy restaurant kung saan ako dinala ni Paris noon. Kung ano yung inorder ko dati ay ganun din ang inorder ko ngayon. Ika nga nila history repeats itself.

Nag-cr muna ako habang hinihintay ang pagkain na in-order namin. Umihi ako saglit at inayos ang aking sarili. Lalabas na ako ng cr ng bigla kong nakita si Paris. Hinalikan siya nung kasama nito. Ang babaeng 'to!

Sobrang inis ko kaya naman ay tahimik akong dumaan habang sila ay todo pa rin sa paghalik. Ayaw kong masira ang kaarawan ko kaya kahit na masakit ay mas pinili ko ng tumahimik. Walang imik akong kumain at iniisip pa rin ang mga nangyari kanina.

Tumayo ako at tinignan ang mga naka-display na acquarium na nasa dulo malapit sa cr. Hindi ko na nakita si Paris kaya ang akala ko ay umalis na ito kasama nung babaing kahalikan niya. Siguro ay tinuloy na nila yun sa condo nila.

Ba't ba affected much ako. Ako lang naman si Fraushell Xhinia Miller ang gf niya na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Sinundan ako ni kuya Archie dahil gusto niya ring tignan yung mga isda sa acquarium. Kinikiliti ako ni kuya Archie na siyang pinaka-ayaw kong ginagawa niya. Natatawa na lang ako napansin niya kasing nakasimangot ako kaya niya siguro ako pinapatawa.

Pag-bonding talaga hindi ako ma-o-op kay kuya Archie. Strict siya pero napapatawa naman ako. Inakbayan niya na ako at saka pareho namin tiniganam ang mga isada.

"Fraux?" Mahinang sambit nang nasa likuran namin, pero kahit mahina ay narinig ko pa rin ito at pareho kaming napalingon ni kuya Archie sa aming likuran.

"Fraux, sino yang kasama mo? Boyfriend mo? Pinagpalit mo na ba ako?"

"Ha?" Takang sabi ni kuya Archie.

Sinuntok ni Paris si kuya Archie kaya naman bumawi si kuya Archie. Napaluha ako at inaawat ko silang dalawa ngunit di ko sila maawat. Duguan na angmukha ni kuya Archie at si Paris. Dumating na rin sila kuya Dane at kuya Archie upang awatin silang dalawa. Nahimatay na lang ako bigla.

"Hinia, Shell, Fraux" gising sa akin ng mga kuya ko. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Buti na lang at panaginip lang.

"Happy Birthday Fraushell!" Isa-isa akong hinalikan ng mga kuya ko sa noo.

"Thank you po mga kuya" ani ko habang nakangiti.

"Oh siya bumangon ka na diyan at magluluto ako ng spaghetti at carbonara" ani kuya Dane.

"At gagawa naman ako ng cake" ani kuya Mellan.

"Hindi rin mawawala ang paborito ng Shell ko, ang fried chicken. Saglit lang at ihahanda ko na ang gagamitin kong mga kagamitan" ani kuya Archie at lumabas na ng kwarto. Sumabay na rin sila kuya Dane at kuya Mellan.

Bumangon na ako bumalik sa kwarto ko. Nag-toothbrush na ako at saka nagtungo sa cr. Nakita ko ang mga hickey na kagagawan ni Paris sa katawan ko. Binilisan ko ng maligo at nagbihis na ako. Nilugay ko ang buhok ko upang hindi mahalata ang dalawang hickey sa left and right neck ko.

Natapos ang buong araw ng kaarawan ko. Napakasaya palang maging isang birthday celebrant. Lahat ng kuya ko ay hindi pumasok sa kani-kanilang trabaho at ako naman ay tinext ko si direct na di ako makakapasok ngayon at bukas dahil may mahalagang okasyon na gaganapin.

Binati rin ako ng mom ko at dad ko. Naglilinis na ang mga kuya ko at matutulog na rin ako dahil bukas ay kaarawan naman nilang tatlo at gusto ko silang mapasaya. Binalot ko muna ang mga gift ko sa kanila at natulog na. May nag-text sa akin kaya tinignan ko muna ito.

"Happy birthday Fraux! Sayang gusto sana kitang puntahan dyan kaya lang alam kong magagalit ang mga kuya mo. Babawi ako sa'yo. Can't wait to see you. I miss your hugs and kisses. I love you baby! Happy birthday uli sa gf ko."

"Thank you Paris! I love you din honey ko" reply ko sa kaniya at saka na natulog.

Red DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon