Kabanata 13
Star Magazine CompanyKulang na lang ay mapaso ako sa iniinom kong gatas sa sobrang init. Tinimplahan ako ni kuya Archie at kanina pa raw naka-alis sila kuya Mellan. Nag-extend sila kaya 2 weeks bago siya makakabalik ng Pilipinas. Si kuya Dane naman ay pumunta ng Canada dahil tinawagan siya na mag-duty roon. Finally at mag-kikita na rin sila ng gf niya.
Kinuha ni kuya Archie ang isang flashlight na nakatago sa loob ng isang drawer. Itinutok niya ito sa akin ng slight at inilagay sa aking itaas ng ulo habang hawak-hawak pa rin niya. Kunti na lang talaga at gusto ko ng sumigaw sa sobrang inis.
"Ano ba kuya? Ano pong ginagawa niyo? Bakit kailangan pa ng flashlight? Bak-"
"Shhh..." itinutok niya uli ang flashlight sa mukha ko para tumigil ako sa kaka-tanong.
"Kuya, para saan po ba ito?" Tanong ko habang pilit na kumakawala sa naka-tutok pa rin nitong flashlight sa akin.
"Ano na bang oras?" Tanong niya at nakataas ang isa nitong kilay na para bang nagagalit sa akin.
"Kuya isa lang masasabi ko, hindi ngayon gabi. Kaya huwag mo na nga akong flash-lightan kuya. Naiinis na ako. Super..." ani ko.
"Light, kailangan natin ng sinag para malaman ko kung talagang mag-sasabi ka ng totoo" anito.
"Huh? Para saan?" Ani ko.
"Yan," itinuro niya ang kwintas na suot ko na binigay ni Paris, "Sino ang nagbigay sa'yo yan? Ang akala mo porket hindi napansin ng kuya Dane at Mellan mo ay hindi ko na rin mapapansin yang suot mong kwintas."
"Naku kuya binili ko 'to kahapon... ay bigay pala sa akin ni Yuri..." pagmamaang-maangan ko.
"Siguraduhin mo lang na kay Yuri yan galing kundi..." itinutok niya uli ang flashlight sa akin at ngumiti na para bang may binabalak na masama, "Mahirap akong magalit at alam mo yan."
"Oo naman kuya, kala ko kung ano na" pinunasan ko ang pawis na namumuo kanina pa sa noo ko.
"At isa pa, tinawagan ako ng boss ko na pumunta sa pinag-tratrabahuan ko dati kaya kailangan ko ng umalis. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang ipapagawa sa akin kaya..." i-swinitch nito uli ang flashlight at inilawan muli ang mukha ko, "Huwag na huwag kang mag-papapasok dito sa bahay, or else..." in-off na niya ang flashlight at saka nagtungo sa cr upang maligo.
Sa loob-looban ko natatawa na lang ako. Pumasok? Haha! Nakapasok na rito si Paris... Kuya naman talaga oh. Napapailing-iling na lang ako ng muling balikan ang unang pagpunta ni Paris dito.
Kamusta na kaya siya? Parang kahapon lang na mag-kasama kami, miss na miss ko na agad siya. Hay naku!
"La...la...la..." pakanta-kanta pa si kuya. Pano ba naman kasi babalik siya sa dating pinag-tratrabahuan niya. Andoon kasi ang ex-fiancé niya kaya ang excited niya. Sa totoo lang ayaw ko dun sa ex-fiancé ni kuya Archie, sobrang maarte at feelingera pa si girl... Kainis!
Flashback
"Hi kuya" bati ko sa kaniya habang papasok ng opisina niya. Yung yung first time kong makapunta sa pinagtratrabahuan ni kuya Archie. I was a little bit disappointed kasi nabuhusan ako ng isang super init na tea.
"Ops!" Napahawak ang babae sa kaniyang bibig at halatang natatawa pa.
"Sinong kuya ang tinatawag mo? Ha?" Parang teacher librarian kung umasta ang babaeng 'to kala mo jaman kung sino.
"Fyi, kung si Archie ang tinatawag mo well may ginagawa siya. Huwag mo na siyang istorbohin" dag-dag nitong ani.
"Uhm, sino ka po ba?" Naiirita kong tanong.
BINABASA MO ANG
Red Desire
RomansaDisclaimer: All pictures in this story are not mine. I'm not intentionally steal nor despoil any of them... Copy right to the owners😘 Names, Places, and other Events and Circumstances are just fictional and it's not related to reality🥰 Warning ⚠️...