Kabanata Dos

20 1 0
                                    

Kabanata 2
Perfect

"Good morning Ms. Miller" bati sa akin ng isa sa mga nag-oorganize sa company na pinapasukan ko.

"Good morning din po" bati ko sa kaniya.

Naka-ayos na lahat at tanging ako na lang ang di pa nakakapag-ayos. Well, naka-ayos na ako ng kunti kanina sa bahay pero di pa rin iyon sapat lalo na at maipapalabas ang mukha ko sa TV.

Gusto kong maging Doctor dati pero sabi ng mga kuya ko ay huwag na daw akong magtratrabaho kasi sapat na yung kinikita nila para buhayin ako araw-araw. Nakapag-tapos ako ng pag-aaral at isa akong business woman na kalaunan ay naging isang part time vlogger at isang modelo.

"Fraushell! here is your swimsuit" iniabot ng isa sa mga katrabaho ko ang isang box na naglalaman ng color black na swim suit.

"Ok, pakidalian please!" Sigaw ng aming director.

"Yuri! Bakit anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kasama ko ring modelo.

"Nag-aayos at isa pa hindi dito ang venue natin. Iniba ni direct." malumanay nitong sabi.

"Akala ko ba dito na sa studio?" Tanong ko uli kay Yuri.

"Halika na nga Fraushell!" Sigaw nito sa akin at walang sabi na hinila ang kamay ko.

~~~~~~~~

"Ba't di ka pa nagpapalit Ms. Miller? Malapit ng dumating yung partner mo at tyaka magpaayos ka nga sa make-up artist!" Sigaw nito sabay turo nito sa make-up artist. Tumango na lang ako bilang tugon.

Partner?! Wala naman sila sinabing may partner ako. Magagalit ang mga kuya ko pag nalaman nilang may partner ako. Si kuya Archie baka ilob-lob ako nun sa swimming pool, si kuya Dane baka kung ano magawa sa akin lalo pa't grabe ang tiwala nun sa akin at si kuya Mellan baka gupitin ang buhok ko. Gosh!

Nagpaayos na ako sa make-up artist at sinuot ko na rin ang binigay nilang black swim suit. Hindi ko muna hinubad ang suot kong swim suit cover up. Saka ko na lang tatanggalin kapag nandyan na yung partner ko.

Ang ganda ng view at ambiance dito sa beach. Medyo mainit at feeling ko ay magkakaroon ako ng tan skin. May kinakausap si direct na ngayon ko lang nakita sa set. Nakatalikod ito at ang tanging napansin ko lang ay ang katangkaran nito. Feel ko medyo matangkad siya ng kunti kumpara sa akin. Ka-height niya si kuya Archie.

Napatingin na lang ako sa agos ng dagat. Ang raming mga ibon ang lumilipad sa kalagitnaan ng masilaw na kalangitan. Nakaupo ako sa gilid katabi ng isang puno ng niyog.

"Alright, Ms. Miller pwesto ka na dito" anang direktor namin. Tinanggal ko na ang suot kong cover up bathing suit ko at pumwesto na sa itinuro ng aming director.

"Ten shot lang Ms. Miller and five shot kasama ang partner mo" sabi ni direct habang hawak nito ang camera.

Click! Click! Click!

Nagdaan ang ilang oras hanggang sa matapos na ang ten shot. Siguro hindi lang ten shot ang kuha sa akin dahil paulit-ulit akong pinipicturan dahil ang gusto ni direct ay maganda ang kuha sa akin at gusto niya lahat ay perfect.

Whoah he's so damn hot! Napakagat labi ako ng makita ang isang lalaking naka-short hanggang tuhod na kulay puti at naka-hawaiian outfit sa itaas. Naka-suot ito ng shades na lalong nagpa-gwapo sa kaniya. Sa pagkaka-alam ko parang isa siyang koreano. Napakaputi niya at mapupula ang kaniyang mga labi.

Napasulyap sa akin ang lalaking iyon at tinanggal ang kaniyang shades. Omg! Nakaka-laglag panga ang mukha niya. Nilapitan niya ako sa pwesto ko at para akong isang yelo na napakatigas na natutunaw sa init ng araw.

Red DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon