Kabanat 19
1 monthIt takes time to heal all my problems. Bumaba ako ng hagdan at nakita kong naka-upo lahat ng mga kuya ko sa isang couch. Nag-iisip nang maayos. Nag-salita ako at napatingin sila sa akin.
Nakita ko rin ang isang lalaking paparating. Hindi nga ako nag-kamali, siya si Paris. Maipagtanggol na rin ako ni Paris.
"I'm sorry Fraux..." bigla na lang lumuhod sa akin si Paris. "Anong ibig mong sabihin Paris?" Paluha kong sambit.
"I'm sorry Fraux" pag-uulit nito ngunit tumayo na ito at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry Fraux..." pangatlo na itong nag-sosory pero hindi ko alam kung para saan. Muli itong nag-salita at hinawakan ang mag-kabila kong pisngi. Hinalikan ko siya at wala akong pakialam kahit na makita ng mga kuya ko ang ginawa ko. Hinihintay kong pigilan nila ako ngunit wala silang ginawa sa amin ni Paris habang naghahalikan.
"I think this would be the last Fraux" ani Paris. "What do you mean na this is the last?" Tanong ko.
"Wala nang magaganap na kasalan Fraux. Hindi kita mahal... Mas mahal ko si Mixzy" seryoso nitong sambit. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya puro kasinungalingan lang. Alam kong tinakot siya ng mga kuya ko.
"No! Tumingin ka sa akin at sabihin mo uli yung mga sinabi mo kanina. Hindi ako maniwala sa'yo Paris..." papiyok-piyok kong sambit.
Tumingin sa akin si Paris at halata sa mga mata niya ang pag-patak ng luha niya. Tinitigan niya ako at inulit niya lang ang mga katagang ayaw ko na marinig simula kanina. "Hindi na kita mahal Fraux" pag-uulit nito ngunit isang malakas na sampal ang lumapat sa mga mukha niya. Umakyat uli ako ng kwarto ko. Umiiyak ako doon na parang isang bata na nawawalan ng manyika.
The next thing I knew was I collapsed...
~~~~~~~~
"Fraux!" Tawag ng isang lalaki sa di kalayuan. "Dexel!" Tawag ko sa kaniya at lumapit siya sa akin upang halikan ang aking pisngi.
"Dexel, di ba sabi ko sa'yo call me Hinia, Shell or you can also call my name Fraushell. Just don't call me Fraux!" Mataray na sabi ko kay Dexel.
"It's been one month when I last call you Fraux. Alam kong wala ng makaka-pagpigil sa pagmamahalan natin but I think it's to long para makalimutan ang Paris na yun. Were in a relationship right now! And kahit anong itawag ko sa'yo ay sana i-accept mo. I'm you're boyfriend and you are my girlfriend." Niyakap ako ni Dexel at naiintindihan ko naman siya, he's my boyfriend now and kailangan ko na talagang kalimutan ang nakaraan.
Bukas na ang inaabangan namin ni Dexel na model fest na gaganapin sa pinakamalaking resort na matatagpuan sa Pilipinas. Pagmamay-ari ng isa sa pinaka-mayamang negosyante. Isa ang kompanya ni Dexel na mag-rerepresenta sa halos tatlong-pong bansa na sumali rito. Si Yuri ang napili namin na gagawing model dahil nung lumipat ako sa Star Magazine Company ay sumama na rin siya sa akin sa kadahilanang malapit ng mag-sara ang dating pinagtratrabahuan naming kompanya.
Naka-ready na ang lahat ng isusuot niya bukas. I'm so excited dahil alam ko namang kami ang mananalo.
"Dexel!" I shouted at him.
"Yes? What's wrong Fraux... Uhm... Hinia, yes Shell" aligaga nitong sambit.
"It's ok na tawagin mo akong Fraux" naka-ngiting sambit ko sa kaniya.
"It's already 2 am and yet di ka pa rin natutulog. Mag-shoshower na ba ako babe?" He said seductively.
"Hindi noh! Excited lang ako" nakangisi kong sabi.
"Maaga pa tayong aalis mamaya. Matulog ka na..." ani ni Dexel at hinalikan uli ako sa pisngi.
Nakatulog ako ng mahimbing ngunit bigla naman nag-alarm ang cellphone ko kaya agad akong bumangon at kinuha ang cp ko sa ibabaw ng upuan. Kasabay naman ng pag-alarm ng phone ko ay may nag-text.
"Fraushell, good luck sa competition niyo kahit hindi ikaw ang napiling model when in fact kung pumayag ka lang sana edi pupuntahan ka namin dyan. Kaya lang si Yuri ang prinisenta mo pero ayos lang magaling din naman si Yuri. Pakamusta na lang ako sa kaniya ha! Love you baby Fraushell" text ni kuya Mellan na halatang nag-papakamusta kay Yuri.
Sunod-sunod na rin ang text na natanggap ko simula nung nag-text sa akin si kuya Mellan. Sumunod si kuya Archie, ang mama ko ang papa ko at syempre si kuya Dane. Umidlip muna ako at payapang nakahiga.
NAGISING ako at agad na naligo. Kinatok ako ni Dexel sa kwarto at pinagbuksan ko siya.
"May sasabihin pala ako sa'yo Shell. Hindi raw makakarating si Yuri dahil naaksedente ang kuya niya. Kailangan niyang pumunta ng hospital at bantayan ito. 50/50 ang kalagayan ng kaniyang kuya kaya kailangan natin humanap ng bagong model. Unfortunately, halos nag-babakasyon ang mga models natin. Ikaw na lang ang pag-asa ko babe." Nag-mamakaawa itong lumuhod sa akin. Hindi na ako nakapag-timpi kaya tumango na lang ako at sinabi kong ako na lang ang ma-rerepresenta ng company namin. Sa sobrang saya ni Dexel ay napayakap ito sa akin.
Buti na lang at kapareho kami ng sukat ni Yuri. Teka ayos lang ba ang kuya niya? 50/50 as in nasa bingit na ng kamatayan ang kuya niya kung mag-kagayon. But, andyan si God and I know na hindi siya nito pababayaan. Sabi din pala ni Dexel na hindi matutuloy ang competition ngayong umaga. Nag-announced daw ang may-ari na gaganapin na lang daw nila ito sa gabi upang mas maganda ang maging kalabasan nito. Tinawag nila itong Night Models Competion.
Let's go! Kayang-kaya ko 'to! Nag-practice ako ng pag-lalakad habang nakasuot nang 10 inches na high heel.
Tonight would be the night...
I ask Dexel na gamitin ang swimsuit na binili ko sa Korea.
Napahawak na lang ako sa swimsuit na binili ko. Napabuntong-hiniga ako at mabilis na nag-isip.
Kung ipinaglaban ba kaya ako ni Paris. Masaya ba kaming dalawa ngayon? Mga alala na lang talaga ang memorya ng pagmamahalan namin. Kailangan kong panghawakan ang reyalidad. May boyfriend na ako at siya si Dexel. Ayaw ko ng may gumulo pa sa amin. Nag-bago ang lahat dahil si Dexel ang nandyan para sa akin. He didn't left me throughout my problems. Tanggap rin siya ng mga kuya ko. Kaya tama lang na ang isang Fraushell Xhinia Miller ay makasal sa isang lalaking kaya akong ipagtanggol at hindi ako iiwan lalong-lalo na sa panahon ng maraming pagsubok at problema.
He is the one...
He is the one...
Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan si Paris? 1 month is not enough...
Flashbacks
Nakatingin ako sa kawalan. Grabe ang pag-ahos ng mga luha sa aking mga mata. Humanap ako ng panyo at pinunasan ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang panyong hawak ko kaya pinulot ko ito. Bigla akong napatingin sa ibaba ng aking kama.
Ewan ko ba pero parang may nag-udyok sa akin na tignan ang ibaba ng aking kama. May maliit na box roon. Kinuha ko ito at akmang bubuksan. Akala ko ay isang sapatos ang karga nito ngunit nag-kakamali pala ako. Isa itong picture ng mga kuya ko. May kasama silang maliit na bata na sa tingin ko ay ako.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko at napasinghap. Tinignan kong mabuti ang bata sa litrato. Ipinagtataka ko lang ay kung bakit may malaking balat yung batang babae sa litrato.
Tinignan ko ang likuran ng litrato. Pangalan ng mga kuya ko at pangalan nung babae.
Mixzy Miller...
Bigla na lang ako nahimatay at pag-kagising ko ay nasa hospital na ako. Ikwenento ni kuya Archie ang buong nangyari. Pinipilit ko silang may nakita akong litrato ngunit hindi sila naniniwala. Sabi nila na nag-iimagine lang daw ako. Nakumbinsi naman ako kaagad kasi nung pag-balik namin ng bahay, tinignan ko kaagad ang kwarto ko at wala na roon ang sinasabi kong box. Tanging panyo na lang ang naiwan roon.
End of Flashbacks
BINABASA MO ANG
Red Desire
RomansaDisclaimer: All pictures in this story are not mine. I'm not intentionally steal nor despoil any of them... Copy right to the owners😘 Names, Places, and other Events and Circumstances are just fictional and it's not related to reality🥰 Warning ⚠️...