Kabanata 8
Curiousity Kills You"Kamusta naman ang work mga kuya" pang-iiba ko ng topic.
"Ayos naman" sabay na tugon nila kuya Archie at kuya Mellan.
"Wala pa ba si kuya Dane?" Ani ko.
"Nasa trabaho pa at isa pa nasa ibang hospital siya ngayon" napatingin ako kaagad kay kuya Archie at nagsalita.
"Saang hospital naman kaya yun kuya Archie" tanong ko.
"Sa St. Luiciya Memorial Hospital ata yun, basta ang nag-mamayari doon ay yung bestfriend ko" pagmamalaki nitong sabi.
Napaisip ako bigla. Napanga-nga ako at nanlaki ang mga mata ko. St. Luiciya Memorial Hospital ang pinuntahan namin kanina ni Paris. Hala!
"Kuya kanina pa siya?" Ani ko kay kuya Archie.
"What's up!" Ninerbyos ako ng marinig ang tinig na iyon. Si kuya Dane at kagagaling niya lang sa hospital na pinuntahan namin ni Paris kanina.
"Hi kuya! Ang aga yata ng uwi mo?" Hinugged ko siya at sumimangot naman ang dalawang kuya ko.
"Wala kasi masyadong gagawin sa hsopital kaya umuwi na ako" sagot nito.
"Oh ba't kayo nakasimangot?" Tanong ni kuya Dane sa dalawa kong kuya.
"Nagtatampo na ako sa baby girl nating si Shell, kanina pa niya kami kausap ni Mellan di man lang kami hinugged" mangiyak-ngiyak na sabi ni kuya Archie.
"Ang babaho niyo kasi" natatawang sabi ni kuya Dane.
"Eh papaanong mabaho?" Sabad ni kuya Mellan.
"Talagang hindi mo na talaga kami mahal Shell" ani ni kuya Archie at mangiyak-ngiyak na, na parang bata.
"Ano ka ba kuya Archie, parang yun lang?" Ani ni kuya Dane.
Ang kaninag tahimik na bahay ngayon ay sobrang ingay na. Para bang may banda at maraming kumakanta.
"Tama na nga 'to matutulog na ako" paakyat na si kuya Dane papunta sa kaniyang kwarto.
"Ano na nga pala yung movie na pinapanood ko Fraux? Nakalimutan ko na kasi" tanong ni kuya Mellan.
"Morugessoyo!" Sigaw ko.
Napalingon si kuya Mellan sa akin pati na rin si kuya Archie at si kuya Dane ay napahinto sa pag-akyat niya nung marinig niya ang sinabi ko.
Ang kaninang maingay na bahay ngayon ay nakabibingi dahil sa katahimikan.
"Paano mo alam mag-korea?" Seryosong sambit ni kuya Mellan?
"Di ba po kuya, nanonood ako ng mga k-drama kaya na-aadopt ko po yung lenggwahe nila" paliwanag ko.
"Pumasok ka muna sa kwarto mo Hinia, may pag-uusapan lang kami ng mga kuya mo" ani ni kuya Dane at bumaba.
Umakyat na ako ng hagdanan at pumasok na ako sa kwarto ko. Alam kong mali ang umusisa pero kailangan kong malaman kung bakit nagtataka ang mga itsura nila doon sa sinabi ko.
Kunyari kong sinarado ang pinto at nilakasan ko iyon upang marinig nila na nasa loob na talaga ako ng kwarto ko. Nang marinig nila ang kalabog ng pinto ko, si kuya Archie ang unang nagsalita.
"Alam na ba ni Shell?"
"Papaanong malalaman niya?" nagtatakang tanong ni kuya Dane.
"Baka binalikan si Fraux nung boyfriend niyang koreano?"
"Inayos ko na Hinia at isa pa posibleng makilala pa siya sa mukha niya"
"Tama ka kuya Dane paano nila malalaman na si Mixzy ay si-" hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng biglang sumingit si kuya Archie at sumigaw.
"Shell! Pumasok ka na sa kwarto mo!" Tumayo ako at binuksan na ang kwarto ko. Bigla na lang umagos ang luha ko. Sino si Mixzy?
Tinext ko si Paris pero hanggang ngayon di pa rin siya nag-rereply. Halo-halo na ang nasa isip ko at dumiretso ako sa cr. May nakita akong isang matalim na kutsilyo na nasa sulok. Nakalimutan ko kasi ilabas kahapon pagkatapos kong gamitin.
Kinuha ko ang matalim na kutsilyo. Nanginginig ang aking kamay na hinahawakan ito. May bumubuling sa aking isang demonyo at sinasabi nitong saksakin ko daw ang tagiliran ko.
Isa... Dalawa... Napahinto ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pinigilan ako ni kuya Dane. Hindi ko namalayang nasugat na pala ako sa aking kamay kung saan hawak-hawak ko ang isang matalim na kutsilyo. Maliit lang ito ngunit masakit. Nakatulala ako habang pinaupo ako ni kuya Dane sa gilid ng aking kama.
Dumating naman si kuya Archie at agad niyang pinakuha kay kuya Mellan ang kutsilyo na hawak ko. Kumuha si kuya Dane ng first aid kit at ginamot ang sugat ko. Naluluha pa rin ako pero tinapangan ko ang aking sarili. We all have demons pero mali pa rin ang ginawa. Pumunta si kuya Dane at si kuya Archie sa cr upang i-check kung meron pang mga matatalim na bagay doon. Umakap naman ako kay kuya Mellan at doon na bumagsak ang mga luha kong kanina pa gustong bumagsak.
"I'm sorry po kuya Mellan, I'm sorry kuya Dane at kuya Archie, hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa" nakaakap pa rin ako kay kuya Mellan habang pinapatahan naman niya ako.
"No, no need to say sorry, alam namin hindi ka na bata at may sarili ka na ring isip pero huwag mo na sanang hungkatin pa ang nakaraan. Masasaktan ka lang." seryoso nitong sabi.
Kahit naguguluhan man ay mas hinayaan ko lang manahimik. Tama sila hindi na kailangan hungkatin pa ang nakaraan. Sila ang nagplaki sa akin kaya sila ang may karapatan at may alam kung alin ang tama o hindi. Even if gustong-gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari, mahirap at masasaktan lang ako because sabi nga nila curiousity kills you.
Umupo sa tabi ni kuya Mellan si kuya Archie at katabi ko naman si kuya Dane. May tumatawag sa akin at hindi ko maiwasang nerboysin. Sa pagkakaalam ko ang tumatawag ay si Paris- my boyfriend.
Kinuha ni kuya Archie ang phone ko at nagtaka sa pangalan na nakasulat na tumatawag sa phone ko. Binanggit nito muna ang pangalan at saka sinagot. Sinabi kong ako na lang ang sasagot ngunit hindi niya binigay sa akin.
"Hello?" Maauwtoridad na tanong ni kuya Archie.
Hindi sumagot ang nasa kabilang telepono bagkus ay ibinaba nito ang kaniyang tawag. Buti na lang at si kuya Archie ang unang kumausap kung hindi patay ako. Lihim pa naman ang relasyon namin ni Paris.
"Sino 'tong Paris?" Ani ni kuya Archie habang nakatingin pa rin sa screen ng aking cp.
"Katrabo ko lang po kuya" tipid kong sabi.
Hindi naman siya nag-react ngunit napansin kong nagkatinginan ang mga kuya ko na para bang may pinag-uusapan gamit lang ang kanilang mga mata.
Kahit ano pang pag-usapan nila ay hindi na ako makikiusyoso pa. Ang mahalaga ay masaya na ako sa buhay ko dahil natagpuan ko na ang aking Prince charming. Kung magkagayon man na mas inuna ko pa ang kuryosidad ko ay malamang masisira kung ano man ang meron kami ngayon ni Paris.
Lumabas na si kuya Archie at kuya Mellan. Hinalikan nila ako sa noo bago sila lumabas. Pinapatulog ako ni kuya Dane doon sa kwarto niya upang makasigurado daw siyang wala akong masamang gagawin. Kinuha ko na ang mga gamit ko at pinahiga niya ako sa kaniyang kama at siya naman ay natulog sa sofa katapat lang ng hinihigaan kong kama.
BINABASA MO ANG
Red Desire
RomanceDisclaimer: All pictures in this story are not mine. I'm not intentionally steal nor despoil any of them... Copy right to the owners😘 Names, Places, and other Events and Circumstances are just fictional and it's not related to reality🥰 Warning ⚠️...