Chapter 19

129 9 1
                                    

Chapter 19: Sundo

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Ris ay pakiramdam ko mas naging malapit kami sa isa't-isa, parang mas nagkaintindihan kami.

Dumalas rin ang pangangamusta nito dahil siguro nag-aalala na baka may mangyaring hindi maganda sa trabaho lalo na ang tungkol sa parusa, hindi niya naman ito binabanggit o nabanggit mula ng araw na nagkausap kami pero ramdam ko na iyon ang kinakaalala niya. Ako mismo ay hindi alam kung kailan ako susunduin para doon.

Araw na ng Sabado pero papunta parin ako ng LTI para sa training ng journ, nag-paalam na ako kay Ma'am Joso na maghahalf-day kaming dalawa ni Allan para tapusin ang chapter 2 ng research namin at pumayag naman siya, hindi pa alam ni Hilda ito dahil paniguradong magagalit iyon at tututol.

Magkasama na rin siguro si Ris at Philip sa mga oras na 'to dahil sabi nila ay alas otso rin ang call time nila. Kila Ris nalang namin napagkasunduan na gawin iyon.

Pagkarating ko sa Pub Room ay nadatnan ko na ang iilang kasamahan na naroon kasama si Conor at Allan, nilapag ko ang helmet sa isang shelf bago lumapit sa kanila.

"Good morning, Ate Dane!" Bati ni Conor na kinawayan ko lang pabalik dahil dumiretso ako sa kabilang bahagi kung nasan si Allan na kinakalikot ang digicam niya.

"Morning, Dane"

"Mmm. Pinayagan tayo ni Ma'am Joso mag-half day basta raw matapos natin ang training outputs ngayon araw," balita ko.

"Yon! Nando'n na raw si Philip kila Ris at inuumpisahan na nila para matapos natin ngayon, alam mo naman, may gagawin kami bukas..." tukoy niya sa short film na nakaschedule nilang umpisahan at tapusin sa Linggo.

Tumango lang ako sa kanya bago naglakad papunta kila Conor, tinutulungan ko kasi ang mga cartoonist na mag-training dahil 2nd category ko ito last year, pero ngayon ay pinili ko na itong bitawan para hindi ako masyadong maraming load, tama naman ang naging desisyon ko dahil marami akong ginagawa na inuutos ni Hilda.

"Ate! Pa-check po nitong take home outputs na nagawa namin, tungkol po sa extra-judicial killings" Inabot niya sa akin ang mga bond-paper na may guhit.

Kung titingnan ay madali ang cartooning, pero sa totoo lang, isa ito sa pinakamahirap na gawin, dahil hindi lang utak ang kailangan mo, kamay rin, pag wala kang talent sa pag-guhit, hindi ka uubra, pag wala kang isip para gumawa ng magandang symbolism, hindi ka rin uubra.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-scan ng mga cartoon ng pumasok si Ma'am Joso  sa Pub Room, may dala siyang laptop at ilang tuklip ng dyaryo, nilapag niya muna iyon sa lamesa niya bago kami binati.

"Good morning, CJs! So mag-iisang linggo na tayong nagririgid tetraining, nakikita ko naman ang development ng bawat isa and I'm glad that our trainings are doing good, sana ay makapagpadala tayo ng mas maraming estudyante sa NSPC sa taong ito," panimula niya at inikot ang mga mata sa Pub room ng parang may hinahanap.

"Where's your EIC?" tanong niya ng hindi makita ang hinahanap.

Ngayon ko lang rin napansing wala pa pala si Hilda.

"Wala pa po," someone from the news writers answered, dahil iyon ang category ni Hilda.

"Tsk! She's already 15 minutes late, siya nga dapat itong role model niyo dito," utas ni Ma'am Joso habang masama ang mukhang kinuha ang mga dyaryo galing sa lamesa.

"Anyways, paakyat na rin si Sir Legazpi at Ma'am Garcia, so go to your respective tables already and start warming up your minds for today,"

Sir Legazpi is an English teacher and Ma'am Garcia is a Filipino major, tinutulungan nila si Ma'am Joso na magtrain sa mga campus journalists dahil hindi naman ito kakayanin mag-isa ni Ma'am Joso.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon