Chapter 1

349 14 2
                                    

Chapter 1: Text

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng insidente sa bar, tapos na rin ang long weekend at Martes na ngayon, we are busy for the upcoming midterm examinations for the 1st sem, pero hindi pa rin namin maialis ang sinabi ni Jax na nakabuntis si Will ng may ibang boyfriend, mula noon ay wala pa rin kaming balita kay Will. Jax said that he is taking care of it, hayaan muna raw nila itong mag-isip.

"Dane tawag ka ni Ma'am Joso," sabi ng class mayor sa akin pagkabalik n'ya sa classroom galing faculty, tamad naman akong tumayo at naglakad papunta sa faculty, sinabihan ko lang si Rheona na hintayin nalang ako sa canteen kung sakaling abutan ng lunch bago ako makabalik at tumango naman ito.

Habang naglalakad sa hallway ay nadadaanan ko ang ilang estudyanteng siguro'y vacant time ngayon dahil nakatambay sa labas ng classroom nila. Ang ilan ay sinubukan akong tawagin pero hindi na ako nag-abalang tapunan sila ng tingin dahil sila lang rin naman 'yong matagal nang nangungulit sa'kin para sumali sa kung anong grupo man ang mayroon sila rito sa LTI. Hindi mga org o club, 'yong mga barkadahan, gano'n ba.

Hindi ako interesado.

"Oh Dane ariyan ka na pala," salubong ni Ms. Joso sa may pintuan.

Si Ma'am Joso ang adviser namin para ngayong sem, mabait naman kahit istrikta minsan.

"Ano ho 'yon, Ma'am?" Agad ko namang tanong dahil gusto ko ng makabalik rin agad sa classroom, alam kong may iuutos na naman si Ma'am Joso sa akin. Ipinapatawag niya lang naman ako sa faculty nang walang paunang pasabi kung may ipapasuyo o ipagagawa.

"Dane, we have a transferee, honestly, she's a late enrollee but we can't decline her request because her Mom is one of our stakeholders, she'll stay for her 12th grade. Gusto ko sanang gabayan mo muna siya habang bago-bago palang siya rito at turuan ng iilang lessons na na-miss niya lalo na't papalapit ang midterms," tuloy-tuloy na sabi ni Ma'am Joso habang naglalakad kami papasok sa office niya rito sa faculty.

Rich people and their privileges.

"Ayos lang ba sa'yo?" Nakangiting tanong ni ma'am habang tulak ang pinto, wala naman na akong magagawa dahil narito na, kaya naman tumango na lang ako.

Nadatnan ko ang isang babae na nakaupo at nakatalikod mula sa pinto.

"Lerisse," tawag ni Ma'am Joso.

Nang humarap ang babae ay nanlaki ng bahagya ang mga mata ko, at umawang ng kaunti ang mga labi, ngunit hindi ko 'yon ipinahalata.

Ito ang babaeng nakita kong kausap ni Will noon sa Cello's ng araw na masuntok siya.

The girl has long straight jet black hair up to her waist, she is curvy just like how I saw her in the bar three days ago, I think her height is almost five feet and four inches, fair white skin, and her grayish-blue eyes were complimented by her long lashes, she is matured looking for a grade 12, I must say.

'Ito ba ang nabuntis ni Will?'

'Pero bakit mag-aaral pa siya kung buntis siya?'

'Pano naman ito mabubuntis ni Will kung kauuwi lang galing US?'

Napakaraming katanungan sa isip ko pero hindi ko ito maaring ipabatid kay Ma'am Joso o kahit sa babaeng tinawag ni ma'am na Lerisse.

"Hi," nahihiyang bati nito.

I replied with a slight curve on my lips, umupo si Ma'am sa swivel chair niya at ipinakilala kami sa isa't-isa.

"Lerisse, this is Therese Daniel, you can call her Dane for short, she will be your guide ngayong magsisimula ka palang rito, don't worry she is our brightest student here, medyo tahimik nga lang, but she's good..." Ma'am Joso introduced me first, nakatitig lamang ako sa babae nang walang kahit anong emosyon sa mukha.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon