Chapter 39

134 6 1
                                    

Chapter 39: Patience

Nakatulog ako sa single sofa na hinigaan ko, naalimpungatan lang ako ng may malamig na bagay ang dumapo sa'king noo at gaya ng inaasahan, natuluyan ako sa lagnat.

"I'm sorry, did I wake you up?" Si Leiro.

Iba na ang damit niya sa kanina, he's now with his champion navy blue shirt and a white critter shorts. Napansin ko rin ang suot niyang silver necklace na may letter H sa pendant.

I just roamed my sight while my brows are still furrowed. Hindi nila ko inalis sa pwesto ko? Nakikita ko parin kasi ang TV at sigurado akong nasa salas parin ako, pero may isang kumot na ang nakapatong sa'kin at isang unan sa likod.

"Nilalagnat ka parin," He stated while fixing something on my forehead, I think it's a wet towel.

"Ate?" Tanong ko dahil siya lang ang wala rito sa sala.

"Kumuha ng uniform mo, sabi niya hindi ka raw papayag na mag-absent, kaya mo ba?" Malamyos na tanong niya habang inaayos ang kumot ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ga'no kalalim at kabaritono ang boses niya ay nagagawa niya paring magtunog banayad.

"Mmm," Usal ko, nahihiya.

"'Wag ka muna kayang pumasok?" Nag-aalala niyang tanong pero mabilis ko iyong tinanggihan.

Umiling ako, "May defense kami nila Ris," Mahina kong sagot.

"Can't they defend it without you?" Nakataas na ang isa niyang kilay at nakapameywang na rin ang isang braso.

"Kailangan ako ro'n, wala na 'to bukas,"

He sighed and nodded before exiting the living room holding the container of water that he used for the towel.

Bigla namang lumapit sa'kin si Reaper pagkaalis ni Leiro sa salas, "Naks, gusto ko na rin ata maparusahan," ngising ngisi niyang turan.

"Shh! Bibig mo!" Gigil kong suway sa kanya habang tumitingin pa sa paligid dahil baka marinig ni Leiro ang sinasabi niyang parusa.

"Hanap mo nga ko mag-aalaga sa'kin, Dane," Tudyo niya pa habang mahinang sinisiko ang tagiliran ko.

"'Di 'yon hinahanap," irap ko sa kanya na tinawanan lang nito. Wala ba siyang gagawin? Si Yeoj kanina pa abala sa laptop niya.

"Naglunch na ba kayo?" Tanong ko sa kanya saka umupo na mula sa pagkakahiga.

"Mmm, it's already 2 pm, gutom ka na ba?"

Umiling lang ako do'n pero bago pa siya makasagot ay bumalik na si Leiro rito sa sala na may dala dalang silver tray.

"Mukhang kakain ka kahit 'di ka gutom," nang-aasar na asik ni Reaper sa'kin.

Sinilip ko ang dala ni Leiro, meron na namang soup do'n na kakulay ng pinakain sa'kin ni Yeoj at isang mangkok ng mga nakahiwang prutas.

"I won't eat that," nakangiwi kong turo ko sa soup. Na-trauma na ata ako sa lasa niyon.

"Why?" Kunot noong tanong ni Leiro habang tumatawa lang si Reap na nakaupo sa sahig malapit sa'kin.

"That's not the one what we've cooked, Dane," biglang sabad ni Yeoj ng makuha ang ibig kong sabihin.

"Oh," napapatanga kong sabi sa dalawa.

"I cooked this, taste it," si Leiro.

Siya? Nagluto?

"Kaya kong kumain!" Ungas ko sa kanya dahil akmang susubuan niya ko, naalala ko tuloy ang eksena noong nasa steakhouse kami, biglang nag-init ang pisngi ko kaya naman palihim kong kinagat ang loob ng mga pisngi para pigilan ang ekspresyon ng mukha.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon